Chapter 27
Lara's POV
Mabilis na umalis si Sinister kasama ang tauhan nya at naiwan si papa doon sa kabilang kwarto. Halata mong nahihirapan syang tumayo dahil siguro masakit ang katawan nya.
Ito na ang pag kakataon ko na makatakas, ang problema ko nalang ay ang kapatid ni Sinister na abala sa computer. Wala sakin ang atensyon nya kaya may malaking chance ako na makatakas.
Lord wag mo sana akong papabayaan. Dahan dahan akong lumapit sa pintuan, dahan dahan para hindi nya mapansin. Tuloy lang ang ginagawa nya kaya hindi nya ako napapansin. Dahan dahan akong nag lakad hanggang sa makarating ako sa pintuan, hinawakan ko ang door knob at bubuksan na sana iyon ng isang putok ng baril ang nakapag patigil sakin.
"Anong tingin mo sakin? Tanga? Kung gusto mong tumakas kailangan mo muna akong patumbahin dahil hindi uubra sakin yang dahan dahan mong pag lalakad." sabi nya habang nalapit sakin, lumalapit lang sya at lumalayo naman ako hanggang sa mapasandal ako sa table malapit lang sa may pintuan.
Sabi ko na hindi ako papabayaan ni Lord e. Lumapit pa sya sakin pero hindi na ako lumayo o umiwas pa. Itinutok nyang muli ang baril nya sakin pero mabilis ko syang sinipa sa tuhod na hindi nya inaasahan at sa pag kakataong nawala sakin ang atensyon nya malakas kong ipinalo sa ulo nya ang boteng nakapa ko kanina sa mesa.
"Sorry," hindi ko alam kung tama bang mag sorry ako pag katapos ng ginawa ko pero alam kong masakit iyon kaya gusto kong mag sorry.
Nung nakita kong nawalan sya ng malay ay agad na akong lumabas ng kwarto at hinanap ang pinto ng kabilang silid.
Kailangan kong mailayo dito si papa, kailangan naming makatakas. Lucas nasan ka ba? Tulungan mo ko.
Binuksan ko lahat ng pinto na malapit sa kwartong pinag dalhan sakin and thankfully sa huling pinto ay nakita ko na si papa.
"Pa, saka na tayo mag kamustahan ha. Sa ngayon kailangan muna nating makatakas dito. Alam kong nasa labas lang si Lucas, ililigtas nya tayo." Naiiyak ako pero pilit kong pinipigilan iyon, kailangan kong maging malakas sa oras na ito.
"Lara anak ko."
"Opo pa, anak mo nga ako. Kaya mo bang lumakad?" tinulungan ko sya na makatayo saka inalalayan sa pag lalakad, buti nalang kaya nya.
Wala talagang pinipiling oras ang kamalasan, pag labas na pag labas namin ng kwarto ay sumalubong na agad samin ang dalawang nguso ng baril na nakatutok samin. Ilang beses ba akong matututukan ng baril sa lugar na to?
Nakatayo sa harap namin ang dalawang lalaki na sa tingin ko ay tauhan ni Sinister. "Akala nyo ba ganung kadali na makatakas dito?" hinigit nung isang lalaki ang braso ko at hinatak palapit sa kanya. Lord asan na po ba si Lucas? Please, ayoko pang mamatay.
"Sumama kayo sami---"
Hindi ko alam kung anong kabutihan ang ginawa ko sa buhay ko at napaka lakas ko talaga kay lord. Nakarinig ako ng putok ng baril at ang kasunod non ay ang pag bagsak ng isang tauhan ni Sinister. Dahil nakatalikod ako sa gawi nung bumaril ay hindi ko sya makita, pero kahit hindi ako lumingon alam ko na agad kung sino ang taong nag ligtas saamin, amoy palang kilala ko na sya.
Mag tatangka sanang bumaril ang lalaking may hawak sakin pero bago pa nya maitapat ang baril nya ay bumagsak na din sya sa sahig.
"Love,"
Parang bumagal ang oras nung humarap ako sa kanya, nung makita ko sya ay isa isang nag tuluan ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Ngayon pwede na akong maging mahina ulit dahil nandito na sya, hindi ko na kailangan mag panggap na malakas dahil alam kong hindi nya ako papabayaan.
BINABASA MO ANG
The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]
Acción[COMPLETED] The Heart of a Mafia Boss Konrad Lucas Laffiel He is invincible. He is the ruler of Laffiel Empire and the boss of Laffiel Mafia. Konrad always gets what he wants, so when he met Lara Trinidad the girl who captured his heart, he decided...