THOAMB #31 - Flashback

922 30 2
                                    

Chapter 31

Lara's POV

"Saan ka galing?"

Seryoso syang nakatayo sa tabi ng bintana at alam kong nakita nya akong bumaba sa sasakyan na gamit ng driver ng mga Laffiel, since kita mula sa bintana ko ang labas ng bahay namin.

Wala na ring sense kung mag sisinungaling pa ako kung saan talaga ako galing. "Pumunta ako sa bahay ni Lucas,"

Mabilis na nag bago ang ekspresyon nya mula sa pagiging seryoso napaltan iyon ng galit. Mabilis din syang nakalapit sakin at mahigpit na hinawakan ang braso ko.

"Pa ano ba, nasasaktan ako," pilit kong inaalis ang kamay nya pero lalo lang humihigpit iyon, bakit ba ganito ang reaksyon nya, talaga bang tama ang iniisip ko tungkol sa kanya?

"Bakit ka pumunta sa lugar na yon?"

"Wala akong alam na maling dahilan kung bakit hindi ako pwedeng pumunta roon. Bitiwan mo na ako pa, bakit mo ba to ginagawa?" patuloy ko paring sinusubukan na tanggalin ang kamay nya, nag sisimula nang mamuo ang luha sa gilid ng mga mata ko. Samantalang ang mga mata nya ay puno lang ng galit na hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling.

"Hindi ka dapat nalapit sa pamilyang iyon Lara, hindi mo sila lubos na kilala, kapag ipinag patuloy mo pa ang pag lapit sa lalaking iyon, pati ikaw madadamay. Mamamatay tao sila, pati inosenteng tao pinapatay nila kaya wag kang mag tiwala sa kanila, tandaan mo yan, lumayo ka na sa lalaking yon." Pag kasabi nya non ay binitawan nya na ako, kumikirot ang bandang hinawakan nya pero hindi ko na iyon pinansin dahil nakatingin lang ako ng diretso sa kanya.

"bakit mo ba nasasabi yan papa? Bakit ba nag kakaganyan ka na? simula nung nag balik ka ibang iba ka na, ano ba talagang nangyari sayo? Anong nangyari sayo sa loob ng limang taon para mag kaganyan ka?" sa pag kakataong to, ako naman ang humawak sa kanya pero hindi katulad nung ginawa nya, malumanay kong hinawakan ang kamay nya at diretso ko syang tinignan sa mga mata.

"Pa, please sabihin mo na sakin kung anong nangyayari sayo, gulong gulo na ako at ayokong pati ikaw pag dudahan ko," mali ako, dahil simula nung mag kita kami ulit may pag dududa na ako sa kanya.

Inalis nya ang mga kamay ko sa kamay nya at diretso ring tumingin sakin. "Malalaman mo rin ang lahat," nagsimula syang mag lakad at bago sya tuluyang makalabas ng kwarto ko ay may sinabi pa sya ulit na lalong dumagdag sa mga tanong na nasa isip ko.

"Maraming pangyayari ang nakakapag pabago sa mga tao Lara, lahat pwedeng mag bago, pero ako gagawin ko ang lahat mapanagot lang ang mga taong dahilan ng pag babago ko, gagawin ko ang lahat mapag bayad lang sila sa kung anong nangyari sakin kaya ako nag kaganito."

Pag kasabi nya non ay tuluyan na syang lumabas ng kwarto at nanatili akong nakatayo habang nakatingin sa ngayon ay nakasarado nang pintuan.

Pinunsan ko ang tumulong luha sa mukha ko at umupo sa kama. Tama nga ako sa loob ng limang taon hindi biro ang pinag daanan nya sa kamay ng mga Lazaro. Kaya sya nag kakaganito ay dahil sa mga pinag daan nya, binago na sya ng panahon at wala man lang akong kaalam alam tungkol doon.

Walang buhay kong hinalungkat ang bag ko para mahanap ang cellphone kong tumutunog, kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang natawag, agad ko nang sinagot iyon.

"Hello?"

"..."

Biglang umusbong ang iba't ibang emosyon sa loob ko lalo na nung nakita kong unknown number nanaman ang natawag.

"Lucas," hindi ko alam kung baliw ba ang tawag sa taong naiyak pero nakangiti.

"..."

"Please mag salita ka naman," kung makikita lang ako ni papa sigurado akong tuluyan na syang magagalit sakin, lalo pa at katatapos nya lang ako balaan tungkol sa mga Laffiel. Sorry pa, pero mahal ko si Lucas at may kailangan syang malaman, meron din akong gustong malaman tungkol sa kanya.

The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon