THOAMB #16 - Lara

1K 41 4
                                    

Chapter 15

Lara's POV

"Shhh tahan na Lara." Hanggang ngayon ay hindi parin tumitigil ang pag agos ng mga luha ko. Buhay si papa, buhay ang papa ko.

"Lucas, hanapin natin ang papa ko." Humihingi sya ng tulong sakin kaya alam kong may masamang nangyayari sa kanya ngayon at kapag hindi pa namin sya nahanap baka talagang mawala na sya sakin.

"Ang akala ko ba patay na sya? Hindi ba nag kakamali ka lang?" paninigurado nya na para bang nahihirapang maniwala sa sinabi ko.

"Akala ko rin. Five years ago may natanggap akong tawag mula sa mga pulis, sinabi nilang naaksidente raw ang mga magulang ko dahil sa madulas na kalye at sumalpok ang sinasakyang kotse sa isang puno pag katapos ay sumabog. Nang maiuwi ang bangkay nila ay halos imposible nang makilala sila dahil nasunog na ang katawan nila. Lucas kilala ko ang boses ng tatay ko, hindi ako pwedeng mag kamali. Please hanapin natin sya baka kung anong mangyari sa kanya." Napupuno na ng hikbi ko ang kwarto, oo may posibilidad na nag kakamali lang ako pero ayokong ipag sawalang bahala ang kutob ko kaya gusto kong mahanap ang tatay ko.

"Okay gagawa ako ng paraan kaya wag ka na umiyak, feeling ko ay may pumipiga sa puso ko kada patak ng luha mo."

Tulad ng sinabi nya ay tumigil ako sa pag iyak at humiga nalang sa kama.

"Hahanapin mo sya?"

"Oo, sige na matulog ka na."

Hindi ko alam kung pagod lang ako o kung may mahika lang talaga ang bawat salita nya at wala akong nagagawa kung hindi sundin iyon.


Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mga mata ko. Agad kong hinanap si Lucas pero wala na sya sa tabi ko at ang nakita ko nalang ay ang maliit na note sa side table nya.

'Good morning woman,

Sorry hindi na ako nakapag paalam sayo bago ako umalis.

Ilang araw akong hindi makakauwi, may kailangan kasi akong ayusin at alamin. 

Don't worry I will find your father as soon as possible.

I love you.

– Lucas'

Ano naman kayang aayusin at aalamin nya? gaano ba kahirap iyon at aabutin sya ng ilang araw? pero sana nga ay mahanap nya si papa.

Pumasok ako sa coffee shop at ginawa ang trabaho ko para mawagli man lang kahit sandali ang mga iniisip ko, feeling ko ay sasabog na ang ulo ko.

Hindi naiwasang mag tanong nila Anna tungkol sa nangyayari sakin kaya hindi ko rin maiwasang maalala ang tungkol sa papa ko.

"Baka naman warning iyon sayo dahil hindi ka sumusunod sa gusto nila." Napalingon kaming dalawa ni Anna kay Sinister na kanina'y nakikinig lang sa usapan namin.

"What do you mean?"

"Diba sabi mo may taong nag tetext sayo na lumayo ka sa isang tao pero hindi mo sinusunod, kaya siguro umabot sa puntong ito."

Nag salubong ang kilay ko dahil sa sinabi nya. "Paano mo nalaman iyon?"

"Ang alin?"

"Na pinapalayo ako sa isang tao nung nag tetext sakin?" wala akong natatandaan na sinabi ko iyon sa kanila maliban nalang sa sinabi kong may nag wawarning sakin.

"I guess." Simple nyang sagot at bumalik na sa ginagawa nya, may tinatago sya mula sakin at sigurado ako roon.

Lumipas ang mga oras hanggang sa makauwi na ako sa bahay nila Lucas. Wala naman akong masyadong ginawa kaya't maaga akong nakatulog.

The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon