Chapter 29
Lara's POV
"Anong sinabi mo?"
"Sorry Lara hindi ko nasabi sayo ha, iyon kasi ang sinabi sakin ni Chad."
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa nalaman ko mula kay Anna, naandito ako ngayon sa coffee shop para sana mag balik sa trabaho. Pag pasok ko palang ay nakita ko nang may ibang tao sa pwesto ko kaya hinanap ko sya at doon ko nalaman na tanggal na pala ako sa trabaho.
Ngayon na nga lang ako nakalabas ng bahay dahil umalis si papa na daig pa ang pulis na laging nakabantay sakin, ganito pa ang malalaman ko. Alam naman nila kung anong nangyari sakin kaya ako hindi nakakapasok tapos tanggal na ako.
"Bakit daw? Anong dahilan bakit ako natanggal?" umupo ako sa isang bakanteng upuan at kinokontrol ang sarili ko dahil feeling ko pati si Anna masisigawan ko. Sa mga nakaraang araw hindi ko alam kung bakit hindi ko na halos makontrol ang emosyon ko. Dumagdag pa si lucas na hanggang ngayon hindi parin nag papakita sakin.
"Hindi nya nilinaw sakin kung bakit pero sabi nya para sa ikabubuti mo rin daw yon." Sagot nya sakin bago umupo sa may harapan ko.
Mahina akong tumawa dahil sa sinabi nya, ikabubuti ko? Anong karapatan nya na mag desisyon kung anong ikabubuti ko?
"Okay ka lang ba Lara? Namumutla ka." Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nya dahil pati ako nahahalata kong madalas akong mamumutla nitong mga nakaraang araw, ang sabi pa nga ni papa ay baka side effect lang ng mga gamot na iniinom ko kaya hinahayaan ko nalang.
"Nasaan sya? Hindi ba sya pupunta rito?" kung ayaw nilang sabihin sakin kung anong problema, ako nalang mismo ang aalam non.
"H-hindi e, a-ang sabi nya sakin may inaasikaso raw silang importante." Nung sumagot sya na parang hindi sigurado ay hindi na ako nag dalawang isip, tumayo ako at hinila sya palabas ng café.
"L-lara, san mo ko dadalhin?" pag tatanong nya pero hindi na sya nag pumiglas dahil alam nyang mapilit akong tao.
Pumara ako ng taxi at sumakay kami parehas don, feeling ko tuloy kinikidnap ko sya sa set up naming to. Pero hindi na dapat ako mag sayang ng oras dahil hindi ko alam kung kelan ulit ako makakalabas ng bahay, baka ito nalang ang chance ko para malaman ang mga nangyayari, hindi ko na sasayangin to. Ilang araw ko nang pinaplano na pumunta sa bahay nila lucas pero alam kong wala sya doon. Kung mag tatago sya sakin alam kong hindi nya pag tataguan ang bahay nya na alam nyang may access ako.
"Miss saan po ang punta nyo?" tumingin ako kay Anna nung nag tanong yung driver, tumingin din sya sakin na parang litong lito, well sino bang hindi malilito sa ginagawa ko, kahit ako naguguluhan na sa sarili ko e.
"Sabihin mo kung saan nakatira si Chadler, doon tayo pupunta." Nakita ko ang pagka gulat sa mukha nya, "Please Anna, alam kong alam mong may mali sa mga nangyayari, gusto kong malaman ang mali na yon lalo pa at alam kong isa ako sa dahilan non. Kailangan kong mkausap si Lucas," Hinawakan ko ang kamay nya at tinignan sya diretso sa mga mata. Hahanapin ko si Lucas at uumpisahan ko ang pag hahanap kay Chadler.
Napangiti ako nung napabuntong hininga sya at kinalaunan ay sinabi na ang destinasyon naming dalawa. "Sa central village po tayo kuya,"
Hindi kami close ni Chad pero sigurado akong alam nya kung nasaan si Lucas kaya gusto ko syang makausap. Kung hindi ko makikita si Lucas doon, pupuntahan ko sila Greg at kung sino pang pwede para lang makita ko sya.
Gusto kong malinawan kung bakit nya to ginagawa, kung bakit nya kailangang mag tago at hindi mag paramdam sakin.
"Lara, naandito na tayo." Napatingin ako sa labas ng sasakyan nung huminto iyon. Huminto kami sa isang malaking modern house na halos puro salamin pero hindi naman makita ang loob mula dito sa labas.
BINABASA MO ANG
The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]
Acción[COMPLETED] The Heart of a Mafia Boss Konrad Lucas Laffiel He is invincible. He is the ruler of Laffiel Empire and the boss of Laffiel Mafia. Konrad always gets what he wants, so when he met Lara Trinidad the girl who captured his heart, he decided...