THOAMB #30 - Seeking

923 27 0
                                    

Chapter 30

Lara's POV

Pag bangon ko palang ng higaan ay parang gusto ko na agad bumalik sa pag tulog dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

Madaling araw na ako nakatulog dahil sa walang tigil na pag contact sa number na nag send sakin ng message pero wala, miski isang pag sagot ay wala akong napala. Napagod na nga lang ako sa kakaiyak kaya ako nakatulog e.

Napapaisip tuloy ako kung si Lucas talaga ang nag send non, kung namimiss na nya ako bakit kahit isa wala syang sinagot sa mga tawag at mga text ko sa kanya.

Talaga bang ipag papatuloy nya ang pag tatago mula sakin? Bakit kailangan nya pang mag send ng mensaheng ganon kung ipagpapatuloy parin nya ang ginagawa nya, sira ulo talaga.

Lumabas ako ng kwarto at nag punta sa may kusina, mukhang wala nanaman si papa. May chance nanaman ako para mahanap ang sagot sa mga tanong ko. Kung may inaasikaso silang issue, ako rin meron. Malalaman ko rin ang lahat, kung anong tinatago ni papa at kung bakit ginagawa to ni Lucas. Gagawa ako ng paraan para malaman lahat ng iyon at sisimulan ko sa lugar kung saan alam kong may makukuha akong sagot kahit konti.

Pag katapos kong kumain ay nag ayos na ako ng sarili at umalis na, bago ako pumunta sa dapat kong puntahan, dadaan muna ako sa hospital para sa weekly check up ko.

Ang sabi ng doctor ko ay kailangan kong bumalik sa hospital kada linggo, kailangan parin daw kasing mamonitor ang lagay ko dahil sa tama ng baril na nakuha ko.

Muntikan na pala ako sa nangyari na yon, ang sabi rin ng doctor kung hindi ako nakagalaw agad ay malamang sa mismong puso ko na tumama ang bala.

Pag dating ko sa hospital ay dumiretso na ako papunta sa office ni Doctora Khrystine, malapit na ako sa may office nya nung makita kong bumukas iyon at may lumabas na isang babae. Nakasuot sya ng salamin at naka cap din kaya hindi ko masyadong makita ang mukha nya, hindi rin nakalugay ang buhok nya at nasabi ko lang na babae sya dahil sa suot nyang damit.

Tumigil ako sa pag lalakad at nung nakita nya akong nakatingin sa kanya ay nag baba sya ng tingin, binilisan nya ang pag lalakad at mabilis akong nilagpasan.

"Miss!" may malaking part sakin na nag sasabing kilala ko ang babeng iyon at lalo lang pinatindi iyon dahil sa naging reaksyon nya. Tinawag ko sya pero hindi sya lumilingon, "Miss, saglit lang," muli kong tawag sa kanya at susundan ko sana sya kung hindi lang may tumawag sakin.

"Lara,"

Lumingin ako sa tumawag at nakita kong nakatayo si doctora sa tapat ng office nya, "Tara na," yaya nya sakin at hindi pa sya nakuntento at lumakad pa sya palapit sakin.

"Kanina pa kita hinihintay, kumusta ka na?" tanong nya sakin habang nag lalakad kami papunta sa loob ng office nya, muli pa akong lumingon sa likod pero wala na ang babae roon.

"Kumusta na ang pakiramdam mo Lara?" muli nyang inulit ang tanong nya ng makapasok kami sa loob at maka upo. Magaan kausap ang doctora na ito dahil sa kakaiba nyang aura, mukha syang pala kaibigan at madali ring pakisamahan.

"Doc, sino yung babaeng lumabas dito bago ako dumating?" napunta sakin ang tingin nya na kanina ay nasa screen ng computer na nasa harapan nya.

"Sorry Lara, pero confidential ang profile ng mga pasyente ko, kaya hindi ko pwedeng sabihin sayo kung sino sya." Sagot nya at muling ibinalik ang tingin sa computer.

Mag tatanong pa sana ako pero hindi ko na nagawa dahil pumasok na ang nurse na mag aasikaso sa check up ko.

Kung ano anong process ang ginawa nila at kung ano anong mga tanong ang tinanong sakin para lang masigurado na okay na ako.

The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon