Chapter 14
Lara's POV
Pag tigil na pag tigil palang ng kotse ni Lucas ay bumaba na ako agad. Putek akala ko hindi na ako makakarating dito ng buhay, halos paliparin na nya ata ang kotse kanina.
"Are you okay?" agad na nag init ang ulo ko. May gana pa talaga syang mag tanong ng ganun.
"Oo naman okay na okay lang ako, sa sobrang okay ko nga feeling ko masusuka na ako e. Alam mo ba kung bakit? ang bagal kasi ng takbo ng sasakyan natin kanina, nag taka nga ako kung bakit wala man lang pulis na humabol satin kahit napaka bagal na ng sasakyan natin. Wala na bang babagal dyan sa kotse mong Bugatti Chiron super sport 300+? Tss." Ngumiti pa ako sa kanya sabay irap bago ako dumiretso sa bilihan ng ticket para makapasok sa amusement park. Narinig ko pa ang tawa nya bago ako makalayao.
Siraulo pala ang isang iyon e, akala ko weird lang. Mag tatanong pa sya kung okay lang ako, hindi ba nya ramdam kung gaano sya kabilis mag paandar ng sasakyan? Isama mo pang Bugatti Chiron super sport 300+ ang kotse nya, baka hindi nya alam na pinaka mabilis na kotse ang gamit nya kaya ganun sya mag maneho tss. Mahilig ako sa mga kotse kahit wala akong perang pambili nun kaya alam kong hindi mura ang sasakyang iyon, sa pag kakaalam ko ay ilang milyong dolyar ang halaga nun.
Wala bang speed limit sa Pilipinas? Nakakapag takang wala man lang pumansin na mga pulis samin kahit muntikan pang mag karoon ng banggaan dahil sa lalaking iyon. Tss.
"Good Day Ma'am." Bati sakin ng personnel na nag bebenta ng ticket.
Ngumiti ako sa kanya kahit naiinis ako. "Six tickets yung ride all you can." Mabilis nyang prinoseso ang mga ticket.
"Six thousand six houndred po lahat ma'am." Lumingon ako sa likod at nakita kong malapit na sya sakin.
Nilahad ko ang kamay ko sa kanya at sinabi kung mag kano ang babayaran. Syempre hindi ako ang mag babayad nun wala naman akong pera e.
Akala ko ay aangal sya dahil hindi naman sya ang nag yayang pumunta rito pero sya ang mamagbabayad, ngunit walang salitang kinuha nya ang wallet nya at inabot sakin. Nag iwas ako ng tingin sa kanya at binuksan ang wallet nya, hindi ko alam bat kinilig ako sa ginawa nya.
Tinignan ko ang laman ng wallet nya at napamaang ako sa laman nun. 5 thousand lang ang cash nya pero may 3 credit card meron pa ngang black card doon e, pero hindi iyon ang nakapukaw sa pansin ko kundi ang picture na nakalagay sa pitaka nya. Agad kong kinuha ang isang card nya at iyon ang binigay sa cashier, pag katapos ay binigay na nito ang ticket namin na mabilis ko namang tinanggap bago hinila paalis doon si Lucas.
"Bakit may picture ako sayo?" tanong ko sa kanya. Nang buksan ko kasi ang pitaka nya ay nagulat ako dahil mukha ko ang tumambad sakin. Ang mas lalong nakakapag taka ay matagal na ang picture na iyon, siguro'y noong college days ko pa iyon dahil kulay light brown pa ang buhok ko doon. Pag katapos ko ng college ay iniba ko na ang kulay ng buhok ko. Sa picture ay nakaupo ako at nakasandal sa puno habang binabasa ang paborito kong libro, nakangiti pa ako habang nag babasa. Sa tingin ko ay nasa medyo mataas na lugar ang kumuha non dahil pababa ang kuha.
Inabot ko sa kanya ang wallet nya at tinignan sya ng matalim dahil mukhang wala syang balak sumagot. "N-nakita ko lang sa kung saan tapos kinuha ko na." sagot nya na parag iyon lang ang pumasok sa isip nya kaya iyon na ang sinagot nya.
Hindi ako nakapag salita dahil may narinig akong bulong bulungan galing sa mga lamok este babaeng mahaharot i mean babaeng nag kukwentuhan.
"Ang pogi nya sis."
"Look mukhang mayaman."
"Ang tangkad at ang puti pa."
"Jowable and papable mga atiiih."
BINABASA MO ANG
The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]
Acción[COMPLETED] The Heart of a Mafia Boss Konrad Lucas Laffiel He is invincible. He is the ruler of Laffiel Empire and the boss of Laffiel Mafia. Konrad always gets what he wants, so when he met Lara Trinidad the girl who captured his heart, he decided...