Chapter 9
Lara's POV
"Uy Lucas wag nalang, uuwi nalang ako sa bahay ko. Linis naman na siguro iyon." Sunod sunod kong sinabi iyon sa kanya pag kababa ko sa kotse nang tumigil ito sa harap ng isang napaka laking bahay. Hindi lang iyon simpleng bahay mansion iyon mansion.
The perimeter of the mansion was patrolled by armed security, and every inch of the property was wired with CCTVs, security lighting, and motion sensors. Bago pa nga kami nakapasok at makarating sa mismong tapat ng mansion ay kung ano ano pang pinag daanan naming inspection. Kinailangan pa naming bumaba ng kotse at pinadaanan pa nila ng metal detector ang sasakyan ni lucas. Mukhang walang ligtas sa inspection kahit na iyong may ari ang papasok.
Grabe para namang nasa panganib lagi ang buhay ng mga tao dito kaya ganun sila kahigpit.
"Tara na Lara." Mabilis nyang nahawakan ang kamay ko bago pa ako makatakbo paalis at hinila na ako ang papasok sa baha--- sa palasyo nya.
"Lucas naman e, hindi mo naman sinabing ganito kalaki ang bahay mo. Ang creepy pa nag kalat ang mga men in black sa labas na parang ready na umatake once na may ginawa akong mali. Tapos pano kung magalit ang mga magulang mo dahil dinala mo ako dito?" automatic na napahawak ako sa kanya ng biglang may nag labasan na mga men in black mula sa isang napakalaking pinto. Kaya atang mag kasya ang isang pamilyang giraffe sa front door na iyon.
Kinakabahan talaga ako at natatakot at the same time, nararamdaman ko ring may tumutulong pawis sa noo ko. Nakakatakot naman kasi ang mga tao dito, partida hindi ko pa napapasok ang loob ng bahay.
The men in black fall neatly in line and bowed their heads as they welcomed Lucas. "Welcome home boss Konrad." Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko dahil sa lakas ng boses nila, halos lampas sa fifteen sila at sabay sabay lang naman silang nag salita.
Matalim kong tinignan si Lucas na ngayon ay mahinang tumatawa dahil sa naging reaksyon ko. "Anong tinatawa tawa mo dyan?" tumigil sya sa pag tawa at tinakpan pa ang bibig para mapigilan ang gusto pang kumawala na mga munting tawa dito.
Ito nanaman ang puso ko, hindi nanaman mapigilang kumabog ng malakas dahil sa simpleng pag tawa nya. Pati ang mga alaga kong paru paro sa tyan ay nag wawala nanaman.
"You're so cute Lara, I can't help but to laugh." At ang pinipigilan nyang tawa ay sunod sunod na kumawala. Sa inis ko ay humarap ako sa kanya at sinipa ang binti nya. Pumalahaw ang mga malulutong nyang mura pati na rin ang sa mga men in black na nasa harapan namin. Akala ko ay susugudin nila ako dahil sinipa ko ang amo nila, pero nakatayo lang sila doon at parang naestatwa dahil sa gulat.
"I'm leaving, natatakot na nga ako tumatawa ka pa dyan." Akmang aalis na ako pero agad nya akong napigilan. Hindi na sya tumatawa katulad kanina at mukhang wala na rin sa kanya ang pag sipa ko.
"I'm sorry Lara, don't leave me." Pag kasabi nya nun ay hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko at iniharap sa mga men in black na hindi parin gumagalaw.
Tumikhim si lucas pero wala paring epekto iyon sa mga men in black, they are still standing without moving in front of us. Huminga ng malalim si Lucas at bumuga ng dahan dahan na parang nag pipigil ng inis.
"I want all of your attention in the count three. 1...2... good." Gamit ang maawtoridad na boses ay bumilang sya at tulad ng laging nangyayari tuwing gamit nya ang boses na iyon. Walang nagagawa ang taong kaharap nito kundi makaramdam ng takot at kaba. Kaya wala pang tatlo ay umayos na ng tayo ang men in black at taas noong nakatingin sa amin.
Unang nag salita ang isang lalaking mas matanda saamin. Ang iba kasi ay parang halos kasing edad lang namin ni Lucas. Wait ilang taon na ba ang Lucas na to?
BINABASA MO ANG
The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]
Action[COMPLETED] The Heart of a Mafia Boss Konrad Lucas Laffiel He is invincible. He is the ruler of Laffiel Empire and the boss of Laffiel Mafia. Konrad always gets what he wants, so when he met Lara Trinidad the girl who captured his heart, he decided...