Chapter 24
Lara's POV
"It's so ganda diba?" ani ni Kendra habang pinapakita sakin ang ayos na ginawa nila sa grand hall para sa party mamayang gabi.
Inilibot ko ang tingin ko sa buong lugar at tama nga sya maganda nga ang ayos non. Understatement nga ata kung maganda lang ang sasabihin. Masasabi kong may talent sa ganitong bagay si Kendra since sya ang nakaisip nito at nag patulong lang sya sa pag lalagay ng mga gamit.
"Ma'am Lara, ma'am Lara," napalingon kaming dalawa sa tumawag sakin.
"Oh bakit?" sagot ko sa isang babaeng kasama sa bahay, hingal na hingal pa sya dahil siguro sa pag takbo.
"Si sir Konrad po kasi---" hindi ko na sya pinatapos sa pag sasalita dahil agad na akong umakyat sa second floor kung nasaan ang kwarto nya.
Ano bang nangyari? Pag pasok ko palang sa loob ng kwarto ay agad na nag init ang ulo ko.
"Paumanhin boss Konrad ngunit ito ang ipinag utos ni Binibining Lara."
"Felix, papalabasin mo ko o papasabugin ko yang bungo mo?" hindi natinag ang kausap kahit pa may pag babanta na sa boses ni Lucas.
"Pwede ba Lucas, ibaba mo yang baril mo." Pasigaw kong sabi sa kanya na ikinatingin nya. Sino ba naman kasing matutuwa? nakatutok lang naman ang baril nya kay Sir Felix na nakabantay sa kanya. Siguro ay gustong lumabas ng kwarto pero hindi pinapayagan. Ang sabi ko kasi kay Sir Felix ay huwag hahayaang lumabas ng kwarto si Lucas kahit na anong mangyari, sinunod naman nya ako dahil diba sabi ni Lucas dati ituring nila ako na tulad ng pag turing sa kanya.
Naka tayo lang sya sa tapat ng kama habang ang isang kamay ay nakahawak sa tagiliran at ang isa naman ay nakahawak sa baril.
"Love, gusto ko na lumabas. Okay naman na ako e." ibinaba nya ang baril at umupo sa kama na parang batang natalo sa laro.
"Sir Felix maraming salamat, pwede po bang iwan nyo muna kami saglit." Tumango sya sakin at nag paalam kay Lucas bago lumabas.
"Hindi pa pwede," saway ko sa kanya at muli syang inihiga.
"Love naman,"
"Mamaya ka pa pwedeng lumabas, lalabas ka lang kapag mag sisimula na ang party." Sabi ko at nakita ko naman ang pag simangot nya. Cute parang bata. Kaninang madaling araw lang kasi sya nagising mula nung gamutin sya nang doctor. Hindi ko naman sya mapag babawalan na dumalo sa party mamaya dahil para iyon sa kapatid at tatay nya, kaya pinagpapahinga ko nalang sya. Ang sabi rin naman ng Doctor ay okay na sya at kailangan nalang mag hilom ng tuluyan ang sugat nya.
Tumalikod sya sakin at hindi na nag salita ulit. "Lucas," tawag ko sa kanya pero hindi sya nakibo.
"Hoy," wala paring kibo kaya niyugyog ko sya.
"Ano ba Lucas,"
"Hoy lucas,"
"Bakit ayaw mo kong pansinin?"
"Love,"
"Bakit love?" awtomatikong napairap ako dahil sa ginawa nya. Gusto lang pala na mag patawag ng love ayaw pang sabihin.
"Ewan ko sayo. Wag ka na mag tangkang lumabas ha, kung hindi," sabi ko habang nag lalakad papuntang pinto.
"Kung hindi?" tanong nya kaya lumingon ako sa kanya.
"Iiwanan kita. Malinaw ba?"
"Kahit buksan mo pa yung pinto hindi ako lalabas, promise." Napangiti naman ako dahil sa sagot nya, baliw talaga.
Pag kalabas ko ng kwarto ay tumulong nalang ako sa iba pang inaayos ni Kendra.
Nung oras na para mag ayos ng sarili para sa party sya naman ang tumulong sakin.
BINABASA MO ANG
The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]
Action[COMPLETED] The Heart of a Mafia Boss Konrad Lucas Laffiel He is invincible. He is the ruler of Laffiel Empire and the boss of Laffiel Mafia. Konrad always gets what he wants, so when he met Lara Trinidad the girl who captured his heart, he decided...