A/N: So ito po yung tatlong update, nag update na po ako baka po kasi mainip kayo sa pag hihintay, sana po magustuhan nyo.
Vote and comments will be highly appreciated.
Enjoy Reading!
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 25
Lara's POV
"Pre, kelan kaya magigising ang mga yan?"
"Kanina pa walang malay ang dalawang yan ha, gisingin na kaya natin?"
"Hayaan nalang muna natin at baka tayo pa ang malintikan kapag ginawa natin yon."
Ilang sandali lang ay nakarinig na ako ng mga yabag ng paa na nasundan pa ng pag bukas at pag sara ng pintuan, iminulat ko ang mga mata ko at muling inilibot ang tingin sa paligid. Nag kamalay na ako kanina at nag kunwari lang na tulog para hindi nila magawa ang gusto nila agad. Natatandaan ko rin kung anong nangyari sa bahay ni Lucas bago kami mapunta rito.
FLASHBACK
"Nasaan ba si Kendra?" tanong ko sa babaeng kasama namin habang nakangiti, buti nalang at sinundo nya ako kanina kung hindi kaharap ko na ngayon ang tatay ni Lucas. Kinakabahan talaga ako sa idea na makakaharap ko sya, para kasing nakakatakot na makita sya.
Hindi sumagot yung babae kaya napatingin ako sa kanya. Diretso lang ang tingin nya at mukhang nag mamadali, anong meron?
"Jordan? Lara?" napahinto kami sa pag lalakad nung biglang may nag salita sa likod at nung lumingon kami nalaman namin na si Greg pala yon.
"Wow naman Lara lalo kang gumanda ha." Pag puri nya sakin at pag katapos ay mas lumapit pa, binigyan nya ng isang mabilisang tingin ang babae bago tumingin kay Davids.
"San punta nyo? Doon ang grand hall diba?" tanong nya, oo nga sa kabilang direksyon ang grand hall at hindi dito.
"Pupuntahan nila si Kendra, sasamahan ko lang sila." Sagot ni Davids na mukhang may gusto pang sabihin.
"Nasaan ba si Kendra?" muli nyang tanong, yun din ang tanong ko pero hindi naman ako sinagot nung babae. "S-sa dining hall po, nasa dining hall." Wow naman pag sa lalaki nasagot sa babae hindi.
"Talaga? Hmmm ako nalang ang sasama sa kanila, doon ka nalang sa grandhall Jordan." Hindi na nag hintay ng sagot si Greg at hinawakan na nya ang kamay ko at nauna na mag lakad.
"Lara, pahawak muna sa kamay mo ha alam kong babalian ako ng buto ni boss pag nalaman nya to, baka tuluyan na ring pasabugin ni Amber ang ulo ko gamit ang baril nya, pero may nararamdaman kasi akong hindi tama e, kaya dito ka lang sa tabi ko ha." Bulong nya sakin bago tumigil sa pag lalakad. Ano bang sinasabi nya? alam kong weird nga ang gabi na to at hindi nakalimutang sabihin sakin ni Lucas na delikado ngayon dahil nag sama sama ang mga tauhan ng mafia, pero don't tell me may magaganap nga.
Sinenyasan ni Greg yung babae na mauna sa pag lalakad na mabilis naman nitong sinunod.
"Mukhang alam na alam mo ang lugar na to ha, kelan ka pa dito?" biglang napatigil ang babae sa pag lalakad, sakto dahil nasa tapat na kami ng dining hall.
"P-po? Ahmm nung isang lingo pa po." Sagot nya nung makabawi. "ahhh bakit di kita nakita sa meeting kahapon para sa party na ginaganap ngayon? Hindi ba nasabi sayo ni nanay Marta?" muling tanong ni Greg habang nag lalakad papuntang pintuan ng hall.
"Meeting po?" pag sisigurado nya, hindi mapakali ang mga mata nya na tila ba may iniisip mabuti. "Oo meeting." kahit hindi direktang sabihin ni Greg alam kong may mali na talaga sa mga nanyayari.
BINABASA MO ANG
The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]
Action[COMPLETED] The Heart of a Mafia Boss Konrad Lucas Laffiel He is invincible. He is the ruler of Laffiel Empire and the boss of Laffiel Mafia. Konrad always gets what he wants, so when he met Lara Trinidad the girl who captured his heart, he decided...