Chapter 5
Lara's POV
Tatlong araw na kaming hindi nag kikita ni Lucas simula nung first date namin. Sinusubukan ko syang tawagan pero hindi naman sya sumasagot. Nung nag text naman ako sa kanya ang reply lang nya ay 'sorry can't talk to you right now.' Tss hindi man lang sabihin kung bakit hindi nya ako makakausap.
Pati sina Amber ay hindi ko rin makita at si Chadler na araw araw ata na narito sa shop ay wala rin.
Nakakainis ang Lucas na iyon isa pa naman sa rules namin ay mag sasabi kami kung saan kami pupunta at kung ano ang gagawin namin, tapos ngayon hindi pa nag tatagal di na sya agad natupad sa usapan.
"Bakit ba nakabusangot ang mukha mo Lara? O dalawang cappuccino raw." Tanong saakin ni Anna at iniabot ang order ng bagong dating na costumer.
"Wala, si Chadler nakita mo ba?" pasimple kong tanong sa kanya habang ginagawa ang inorder na kape. Baka alam nya kung nasaan si Chadler, siguro ay naandoon rin si Lucas.
"B-bakit mo hinahanap si Chadler?" Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko alam ang reaksyon nya at kung bakit sya nautal.
"Wala lang baka kasi kasama nya si Lucas." Sagot ko sa kanya at binigay na ang natapos kong kape.
"A-ahhh hindi ko alam e." sabi nya habang kinukuha nya ang binigay kong order at binigay na ito sa customer.
Medyo konti lang ang customer ngayong araw kaya hindi masyadong natataranta ang mga tao dito sa shop, maliban na nga lang kay Sinister na kanina ko pa nakikitang paikot ikot at parang may hinahanap.
"Hoy Sinister ano bang hinahanap mo? Para kang trumpo na paikot ikot dyan." Sabi ko sa kanya. Madali lang pakisamahan ang lalaking ito dahil may pagka friendly naman sya.
"Ano kasi hindi ko mahanap iyong syrup saka ilang prutas na kailangan ko para makagawa ng shake." Humarap muna sya sakin at sumagot bago nagpatuloy ulit sa pag hahanap.
Dahil narealize namin na hindi pala magandang ideya na dalawa kaming barista sa shop dahil nag kakaagawan kami ng gagawin. Hinati nalang namin ang gawain, dahil hindi rin naman kalakihan ang coffee machine na meron dito, pag nandito ako ay ako ang gagawa ng coffee, sya naman ang sa shake at si Anna ang mag seserve. Kung wala naman ako ay sya ang sa kape at si Anna ang sa shake.
At ngayon nga ay hindi nya makita ang ingredients nya na parang ubos na.
"Tinanong mo na ba kay Anna?" tanong ko. Lumapit ako sa kanya para makihanap na rin. "Hindi pa e." sagot nya.
Habang nag hahanap kami ay napansin ko ang tattoo sa kanang braso nya. Sa apat na araw na nakikita ko sya ay lagi syang naka long sleeves pero sa araw na ito ay hindi nya siguro napansin na naitaas nya ang sleeves ng damit nya kaya't nakikita ang tattoo nya.
"Anong ibig sabihin nyan?" tanong ko sa kanya. Halatang may meaning iyon dahil hindi basta basta ang itsura nun. May letter L doon na binubuo ng mga itim na rosas at sa baba nun ay may korona na parang sa hari at sa mismong baba lang din nun ay naka sulat ang salitang 'LAZARO'.
Agad nyang binaba ang sleeves ng damit nya at nang mag sasalita na sya ay dumating naman si Anna.
"Anong ginagawa nyo dyan? May hinahanap ba kayo?" nag tataka nyang tanong.
Lumapit ako sa kanya at sinabi kung anong hinahanap namin. "Wala kaming makita na syrup at yung ibang prutas ay wala na rin."
"Ah oo nga pala hindi ko nasabi sa inyo agad." Pag kasabi nya nun ay lumapit na rin si Sinister.
"Pwede bang bumili ka nalang Sinister? Nakauwi naman na si Manong Jeff sya sana ang tiga bili niyon kaso ngayon ko lang naalala." Sabi nya habang nag lalabas ng pera.
BINABASA MO ANG
The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]
Action[COMPLETED] The Heart of a Mafia Boss Konrad Lucas Laffiel He is invincible. He is the ruler of Laffiel Empire and the boss of Laffiel Mafia. Konrad always gets what he wants, so when he met Lara Trinidad the girl who captured his heart, he decided...