Chapter 17
Lara's POV
"Here's your order ma'am." Ngumiti ako sa kanya bago bumalik sa harap ng coffee machine.
Isang linggo na ang lumilipas at hindi parin sya nauwi, akala ko sandali lang sya mawawala. Nag aalala na ako sa kanya at sobrang miss ko na sya. Ano ba kasing ginagawa nya? nahanap na kaya nya si papa? Okay lang kaya sya? Gusto ko na sya makasama at makita.
"Lara,"
"Bakit?" tanong ko kay Sinister na seryoso ang aura na bihira ko lang makita.
"May pupuntahan ka ba mamayang gabi?" mamaya? Hmm bukad sa shop sa bahay lang ni Lucas ang punta ko lagi.
"Wala naman bakit?" may problema ba sya?
"Pwede ka bang sumama sakin mamaya? Mamaya ko rin ipapaliwanag sayo ang lahat." Hindi na nya hinintay ang sagot ko at dirediretsong umalis ng coffee shop pag katapos mag paalam kay Anna.
Ano bang meron sa kanya? Bakit iba ang kinikilos nya sa mga nakaraang araw? Ano namang gagawin namin mamaya? Bakit kailangan kong sumama?
Haaayyy nasaan na kaya sya? Pati si Anna hindi alam kung nasaan si Chadler. Nasabi na nya sakin kung paano sila nag kakilala ni Chad. Mag kaibigan ang pamilya nila kaya dati ay nag kakasama na sila and doon sila naging mag kaibigan, kaya nya hindi nababanggit si Chad sakin ay simple lang hindi naman daw kasi ako nag tatanong. Oo nga naman diba, hindi ko rin naman kasi napapansin si Chad noon dahil buo ang atensyon ko sa coffee machine na araw araw kong kaharap.
Buong mag hapon ay iniisip ko kung ano ba talagang pakay ni Sinister at isasama nya ako sa pupuntahan nya, iniisip ko rin kung anong ipapaliwanag nya sakin at kung bakit napaka seryoso nya.
Hindi rin mawala sa isip ko si Lucas, namimiss ko na talaga sya. Bawat araw na hindi ko sya nakikita feeling ko mas lalong lumalalim yung nararamdaman ko sa kanya.
Nag lalakad ako ngayon papuntang bus stop nung biglang may tumigil na kotse sa harapan ko.
"Sakay na lara," it's Sinister. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya kaya bumaba sya ng sasakyan at hinila ako papasok.
"Ano ba sinister saan mo ba ako dadalhin."
"Sasabihin ko na sayo ang totoo."
"Ano bang totoo?"
Mabilis nyang pinaandar ang sasakyan bago ako sinagot.
"Alam mo na ang pangalan ko pero mag papakilala ulit ako sayo. Ako si Sinister Lazaro isang FBI agent at pumunta ako dito para imbestigahan ang isang prominenteng business man at hindi totoong sa probinsya ako galing."
Huh? FBI? Totoo ba ang sinasabi nya?
"Teka seryoso ka ba? Sino namang business man iyong iniimbestigahan mo? Saka diba sabi mo kaya ka nasa coffee shop kasi naandon ang makakatulong sayo? Ano o sino naman yon?" dahil sa mga sinabi nya lalo lang dumami ang tanong sa isip ko.
"Totoo ang sinasabi ko. Mamaya ay makikilala mo sya, kilala sya sa underground society at sa mga illegal business kaya gusto namin syang mahuli. Pumasok ako sa coffee shop para mapalapit sayo dahil ikaw ang makakatulong sakin para mapabagsak sya."
"Ano bang sinasabi mo? Pwede bang pakilinaw ng konti?"
"Ipapakilala ko sayo kung sino talaga ang taong minamahal mo Lara, ipapakilala ko sayo kung sino talaga si Konrad Laffiel."
Biglang nanayo ang mga balahibo ko dahil sa sinabi nyang pangalan, si Lucas ba ang sinasabi nyang businessman? Lumakas ang tibok ng puso ko pero hindi katulad pag kaharap ko si Lucas, ngayon ay kaba ang nararamdaman ko at hindi saya.
![](https://img.wattpad.com/cover/223054053-288-k350782.jpg)
BINABASA MO ANG
The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]
Action[COMPLETED] The Heart of a Mafia Boss Konrad Lucas Laffiel He is invincible. He is the ruler of Laffiel Empire and the boss of Laffiel Mafia. Konrad always gets what he wants, so when he met Lara Trinidad the girl who captured his heart, he decided...