Chapter 32
Konrad's POV
"Lucas, hanapin natin ang papa ko."
"Five years ago may natanggap akong tawag mula sa mga pulis, sinabi nilang naaksidente raw ang mga magulang ko dahil sa madulas na kalye at sumalpok ang sinasakyang kotse sa isang puno pag katapos ay sumabog. Nang maiuwi ang bangkay nila ay halos imposible nang makilala sila dahil nasunog na ang katawan nilas. Lucas kilala ko ang boses ng tatay ko, hindi ako pwedeng mag kamali. Please hanapin natin sya baka kung anong mangyari sa kanya."
"hahanapin mo sya?"
Tandang tanda ko parin kung paano sya umiyak nung nalaman nyang buhay pa ang tatay nya, kung gaano sya kalungkot ng gabing iyon, kitang kita ko ang pangungulila at pag mamahal ng isang anak sa kanyang ama.
Sa bawat pag iyak nya parang gumuguho yung piprotektahan kong mundo, parang may sumasaksak sakin ng ilang beses. Sa bawat pag iyak nya ay parang may sumusuntok sakin ng paulit ulit.
"Sya ang tatay ko love,"
Tandang tanda ko rin ang masayang ngiti sa labi nya nung ipinakilala nya sakin ang tatay nya, masaya syang nakita na nyang muli ang tatay nya. Ngumiti parin sya kahit nasa delikadong sitwasyon kami, ganun sya kasaya na nakita na nya ulit ang papa nya.
Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko na sya hahayaang umiyak ulit, pero hindi ko pala matutupad iyon dahil ako mismo ang mag bibigay sa kanya ng dahilan para umiyak.
Ako mismo ang mag papawala ng ngiti sa mga labi nya, ipinangako ko rin na hindi na ako gagawa ng dahilan para malungkot at masaktan sya, yun nga lang ako rin ang syang dahilan kung bakit malulungkot nanaman sya.
Of all people bakit ang tatay pa nya? bakit kung sino pa ung mahalaga sa taong mahal ko sya pa ang taong pinaka kinamumuhian ko. Bakit sya pa? bakit?
Limang taon kong itinatak sa isip ko na kapag nakaharap ko ang taong pumatay sa nanay ko, ako mismo ang tatapos sa buhay nya katulad ng pag tapos nya sa buhay ni mommy.
Sa buong buhay ko si mommy lang ang nag mahal sakin ng buo, si mommy lang ang nag pahalaga sakin na hindi na ibigay sakin ni dad.
My mom doesn't deserve to die, she's one of the most wonderful and kindest person I know. When she died I made the decision to be the best, to be one of the most feared person in mafia world 'cause I know I can use it for my plans. I pledged in front of my mom's gravestone that I will take my revenge, revenge to the person who killed her.
Ngayon alam ko na kung sino ang pumatay sa kanya, pero bakit hindi ko parin magawa ang pag hihiganting plinano ko nang matagal na panahon?
Bakit kung kelan nalaman ko na kung sino, nahihirapan naman akong makumbinsi ang sarili ko para patayin sya?
Sa labang ito kahit anong piliin ko alam kong may masisira akong pangako, pangako ko kay mommy o ang pangako ko kay Lara.
"Boss, handa na ang mga armas na gagamitin para bukas."
"Good, bukas ng gabi natin gagawin ang plano, be ready, it's a fight where in you will kill or you will be killed."
Sigurado akong hindi ako mapapatawad ni Lara sa gagawin ko, pero kung hindi ko gagawin to mas marami pang tao ang mapapahamak. Pag hinayaan kong buhay ang taong dapat ay patay na mas lalo lang darami ang mahihirapan at sa huli baka hindi pa namin maayos dalawa ang relasyon namin.
Tulad ng sinabi ni Kendra, dapat kong gawin ang kalimitan kong gingawa. Kung ano ang mas makabubuti sa iba iyon ang gagawin ko, I'm their leader after all. I should think about them first before my personal feelings.
BINABASA MO ANG
The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]
Ação[COMPLETED] The Heart of a Mafia Boss Konrad Lucas Laffiel He is invincible. He is the ruler of Laffiel Empire and the boss of Laffiel Mafia. Konrad always gets what he wants, so when he met Lara Trinidad the girl who captured his heart, he decided...