Chapter 28
Lara's POV
"I'm sorry Lara,"
Nakatalikod sya sakin at hindi humaharap, "Bakit ka ba nag so-sorry Lucas?"
May hawak syang baril at sa harapan nya ay may isang taong nakahiga, hindi ko makita ang mukha nya dahil nahaharangan ni Lucas ang bandang ulo nito.
"Lara,"
Sa tono palang ng boses nya ay alam kong may mali na. Bumibigat ang pakiramdam ko, para bang may dumadagan sa puso ko at nahihirapan akong huminga.
"Lucas, ano bang nangyayari?"
Sa pag kakataong ito ay humarap sya sakin, binitawan nya ang hawak na baril at unti unting lumapit sakin.
Gusto kong ilahad ang kamay ko sa kanya, gusto ko syang yakapin lalo na at nakikita kong may pighati sa mga mata nya, pero para akong napako sa kinatatayuan ko nung nag simula syang mag lakad, hindi ako makagalaw, hindi ko magawang tapunan man lang sya ng tingin, diretso lang ang tingin ko sa lalaking nakahandusay sa lapag.
Ang puting sahig ay nababahiran na ng pulang pula nyang dugo, naiwan pang bukas ang mga mata nya at kita rin ang balang nasa gitna ng kanyang noo.
Tumigil sa harap ko si Lucas at dahan dahang inabot ang kamay ko na agad kong iniwas sa kanya, nilampasan ko lang sya at walang lakas na nag lakad papunta sa taong nakahandusay na alam kong wala ng buhay.
"Lov---"
"Anong itong ginawa mo? B-bakit?" nakatungo lang ako habang hinihintay ang sagot nya, tumutulo ang luha ko at hindi na ako nag abalang punasan pa iyon.
Bakit? Bakit nangyari to? Bakit sya pa?
Kahit alam kong patay na ang nasa harap ko, lumuhod parin ako para mas maging malapit ako sa kanya. Sinimulan ko syang yugyugin, nag babaka sakali na pag ginawa ko iyon ay mag balik pa sya.
"P-please, gumising ka." Kahit anong gawin kong pag gising sa kanya ay wala paring epekto, sino ba naman kasi ang niloko ko, alam ko namang patay na sya, pero hindi ko kayang tanggapin iyon. Ang tagal ko syang hindi nakita, ngayon ko nalang ulit sya makakasama kaya bakit kailangan pang mangyari to.
"Lara," Tumigil ako sa ginagawa ko, ipinikit ko ang mga mata nya at muling tumayo. Nakatalikod parin ako sa kanya, hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko sa sitwasyong ito.
"Bakit? Bakit mo to ginawa?" nanginginig ang boses ko, hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko at sa mga naiisip ko.
Tuluyan akong binalot ng galit ko at kumuyom ang kamay ko dahil sa kawalan nya ng imik. Hindi sya sumasagot na para bang wala syang balak sabihin sakin kung anong ginawa nya at kung anong dahilan nya.
Humarap ako sa kanya at kasabay non ang pag tigil ng luha ko, tumingin ako ng diretso sa kanya, diretso sa mga mata nya. "Bakit Lucas? Anong kasalanan namin sayo? Anong kasalanan nya? anong nagawa naming masama? bakit mo pinatay ang tatay ko?! bakit mo sya pinatay?!"
"Lara, Gising!"
Isang malakas na sigaw ang nakapag pagising sakin, ilang beses pa akong napakurap dahil sa liwanag na bumungad sakin.
Puro puti ang nakikita ko at sobrang liwanag. Nasaan ba ako? Dumako ang tingin ko sa lalaking gumising sakin. Nakahinga ako ng maluwag nung makita ko syang buhay na buhay sa harap ko.
Panaginip lang iyon at hindi mag kakatotoo, hindi pwedeng mag katotoo iyon.
"mabuti naman at nagising ka na, sandali tatawag ako ng doctor."
BINABASA MO ANG
The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]
Aksi[COMPLETED] The Heart of a Mafia Boss Konrad Lucas Laffiel He is invincible. He is the ruler of Laffiel Empire and the boss of Laffiel Mafia. Konrad always gets what he wants, so when he met Lara Trinidad the girl who captured his heart, he decided...