THOAMB #2 - Police

2.4K 102 30
                                    

Chapter 2

Lara's POV

"Huh? Nababaliw ka na ba?" Sigaw ko sa kanya habang hindi parin nawawala ang ngisi sa mga labi nya.

Nakakainis ang ngisi nya at hinihiling kong matanggal ko iyon sa mukha nya.

"Hoy lalaki, bakit ganyan naman ang offer mo? Wala na bang ibang pag pipilian?" tanong ko sa kanya habang pinag iisipan ang mga sinabi nya.

Kung yung una ang pipiliin ko paniguradong aabutin ako ng ilang taon bago maka bayad sa lalaking to dahil wala akong pag kukunan ng ganung kalaking halaga.

Kung yung pangalawa naman ay siguradong sa kulungan ang abot ko, mukha pa namang maraming connection ang isang to.

At kung yung huli naman, biglang uminit ang pisngi ko ng maimagine ko ang mangyayari kung iyon ang pipiliin ko. Hindi na masama kung makikipag date ako sa lalaking to sa loob ng isang buwan, pogi sya, maganda ang katawan at mayama pa, hmmm pwede na rin.

Napailing iling ako para mawala ang mga naiisip ko, putek talaga bang naisip kong makipag date nalang sa kanya? Hindi ko nga sya kilala e. speaking of name. "Saka hoy lalaki ano bang pangalan mo?" tanong ko sa kanya at hindi sya sumagot pero tinuro nya ang name plaque na nasa mesa nya.

Binasa ko naman iyon at napanganga ako. "Konrad Lucas Laffiel... C... E... O?" napatingin ako sa kanya at makahulog pusong ngiti lang ang binigay nya sakin bilang tugon sa tanong ko.

Lagot na talaga ako. Kaya naman pala ganun kamahal ang damit nya dahil sya ang nag papatakbo sa napaka laking kompanyang ito.

"Why don't you choose letter c? You just have to date me and... fall for me." Sabi nya pero hindi ko masyadong narinig ang huli nyang sinabi dahil biglang tumunog ang telepono sa opisina nya. Sinagot nya iyon at binaba rin agad.

"Anong sabi mo? Hindi ko masyadong narinig e." sabi ko sa kanya, malay mo may iba pa syang sinabi na choice.

"I have a meeting at exactly 10:00 am so hurry up and choose." Sabi nito. Yun ba ang sinabi nya kanina? Parang hindi e, parang may salitang fall doon e.

Pero may meeting sya ng 10 so 5 minutes nalang ang natitira sa oras nya.

"Sir Lucas, pwede bang pag isipan ko muna?" sa huli ay wala rin akong magagawa kundi pumili.

Nagulat naman ako ng ngumiti nanaman sya.

"Lucas? Sounds great." Huh anong pinag sasabi nya, e pangalan naman nya iyon.

"Okay here is my number. I'll give you 24 hours to think about my offer but," nawala ang mga ngiti ko ng mag but nanaman sya, kainis na but yan pabitin lagi.

"But after 24 hours and I didn't get a call from you, expect that there will be some police officer in your house." Pag tutuloy nya. "teka bakit naman 24 hours lang?" habol ko.
Demanding na kung demanding syempre kailangan ko pang humagilap ng pera.

"Sorry woman, patience isn't a virtue for me." Sabi nya at tumayo na. Tumayo na rin ako para umalis baka mag bago pa ang isip nya at hindi na ako bigyan ng oras pag umangal pa ako. "See you after 24 hours." Sabi pa nya na nakita kong may tinatawagan sa telepono. Nag lakad na ako palabas pero narinig ko pa ang sinabi nya bago ako maka labas ng tuluyan.

"Zamora... bring Salvador and Sandoval in the dark room... no don't kill them, I want them alive... reason? They mess up with my woman."

Ang weird nya. Pag kalabas ko sa office nya ay nadaan ko pa ang pabebeng sekretarya nya na halatang nag aayos para sa meeting na mangyayari. Tumingin sya sakin at bago pa sya makapag react ay inirapan ko na sya at pumasok na sa loob ng elevator.

The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon