Chapter 36
Lara's POV
Makalipas ang walong buwan
"Sigurado ka na ba Lara? Handa ka na ba talagang makita sila ulit?"
Ngumiti ako sa taong nasa harapan ko na wala nang ginawa kung hindi tanungin ako kung sigurado na ako sa desisyon ko.
"For the nth time Amber, sigurado na nga ako."
Lalo akong napangiti nung nakita kong napa buntong hininga s'ya, nag aalala kasi s'ya sakin na baka kapag nag pakita na ako ulit sa kanila ay bumalik lang ulit ang mga alaalang parte na ng nakaraan ko.
Hindi ko parin makalimutan ang gabing iyon, sobrang linaw parin ng mga pangyayari at sa tingin ko habang buhay ko ng dadalahin ang mga alaalang iyon.
Alaala nang makita ko kung paano humandusay sa sahig ang tatay ko dahil sa bala ng baril na tumama sa kan'ya.
Hindi ko na kinaya ang mga emosyon na nararamdaman ko sa mga oras na iyon, nilamon ako ng galit, lungkot at sakit iyon din siguro ang dahilan kung bakit ako nawalan ng malay.
Nang magising ako ay nasa loob na ako ng isang kwarto, isang hospital room, ako lang mag isa, nanatili akong nakatulala lang at nakatingin sa isang bahagi ng kwarto. Pilit kong itinatanggi ang katotohanan, ayokong tanggapin, masyadong masakit.
Hindi ko matanggap na sa ganoong paraan natapos ang lahat, akala ko kaya ko pang maayos ang lahat, akala ko makakasama ko pa s'ya kahit konting panahon nalang, pero hindi.
Kahit alam kong hindi mangyayari 'yon umasa parin ako. Kasi kahit pag bali-baliktarin man ang mundo tatay ko parin s'ya, kahit ano mang nagawa n'ya gusto ko parin s'yang makasama.
Sa mga oras na iyon hindi ko matanggap ang mga nangyari kaya umalis ako ng hospital, wala na akong inalala pa dahil bayad na ang bills. Sigurado akong si Lucas ang nag bayad non, dahil sino pa ba ang gagawa non maliban sa kan'ya.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta, suot ko pa ng mga oras na iyon ang hospital gown at wala pa akong sapin sa paa.
Nang mapunta ako sa parking lot ng hospital ay doon ko nakita si Amber, naka sandal s'ya sa motor n'ya at diretso lang nakatingin saakin, para bang hinihintay n'ya talaga ako.
Flashback
"Saan ka pupunta?" tanong n'ya sakin. Saan nga ba? Hindi ko rin talaga alam, basta ang gusto ko sa ngayon ay makatakas sa katotohanan.
Hindi ako sumagot sa kan'ya kaya lumapit s'ya sakin at hinigit ako papunta sa motor n'ya at pinasakay doon.
"Anong gingawa mo? Saan mo ko dadalhin?"
"Alam kong gusto mong tumakas sa reality kaya isasama nalang kita sa pupuntahan ko. Lalayo kasi ako kaya idadamay na kita. Huwag kang mag alala hindi nila tayo matutunton, magaling ako mag tago." Sabi n'ya at pinaandar na ang sasakyan.
Hinayaan ko lang s'ya sa ginawa n'ya at hindi na inalala kung saan n'ya ako dadalhin.
End of Flashback
"Basta ha secret lang natin ang taguan ko, alam mo na hindi pa ako tapos mag tago." Hindi ko na napigilang matawa dahil sa sinabi n'ya baliw talaga ang isang ito. Sa loob ng walong buwan na kasama ko s'ya mas lalo ko s'yang nakilala. Nalaman ko rin ang mga pinag daan n'ya at kung bakit sila nag hiwalay ni Greg.
"Oo na, bye Amber ipag paalam mo nalang ako kay Lexy ha, salamat sa lahat ng ginawa n'yo para sakin." Tumango s'ya sakin kaya lumabas na ako ng bahay, hindi pa man din ako nakakalayo ay may humarang na agad sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/223054053-288-k350782.jpg)
BINABASA MO ANG
The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]
Acción[COMPLETED] The Heart of a Mafia Boss Konrad Lucas Laffiel He is invincible. He is the ruler of Laffiel Empire and the boss of Laffiel Mafia. Konrad always gets what he wants, so when he met Lara Trinidad the girl who captured his heart, he decided...