Epilogue

2K 39 3
                                    

Lara's POV

It's a bright, beautiful, sunny day. Many people gathered just for this big day. I should say finally, today is the day.

I stood up and stand near the window, I looked outside and I instantly got amused by the look of today's venue. A venue for a very special occasion.

The curtains are pulled back and it's allowing the sunlight to have some access inside the room. It's giving us extra warmth, I guess.

A nervous but joyful smile formed on my lips, my palms are getting sweaty and it seems like my feet can't stay still even for a little while.

"OMG! Lara can you please tigil sa pag pabalik balik? I'm so nahihilo na kaya because of you." mabilis akong napatingin sa nag salita, naka upo s'ya at naka cross legs pa, habang inaayos n'ya ang buhok n'yang kulay dark green na tipong kapag malayuan ay aakalain mong kulay black.

"Nako Kendra hayaan mo na ang isang 'yan kinakabahan lang siguro s'ya," sabi naman ni Anna na ngayon ay nag bibihis na ng damit na isusuot n'ya para sa okasyon.

"Iyon na nga e, she's being nervous, fee---" hindi natapos ni Kendra ang sasabihin n'ya nung marinig naming may kumakatok sa may pintuan.

Hindi pa man din kami nakakalapit ay rinig na namin ang bangayan sa may labas ng kwarto.

"Boss bawal nga pumasok!" saway ng isang lalaking halatang halata na si Gregory "crazy" Salvador.

"Get out of my way Salvador!" obviously that's Konrad Lucas "sira ulo" Laffiel.

"Napaka kulit mo boss, sabing bawal nga e."

"Ikaw ang makulit sabing tumabi ka e."

Hay nako naman, ang ganda ganda ng araw ngayon sisirain nila. Ano nanaman bang problema ng mga baliw na to?

"LUCAS!" tawag ko sa kan'ya or mas bagay na sabihing, sigaw ko sa kan'ya. Hindi ko parin binubuksan ang pinto kaya nakatayo lang ako malapit doon.

"Yes love?" mabilis n'yang sagot habang pinipihit ang door knob ng pinto na naka-lock naman dito sa loob.

"Ano sa tingin mo ang gingawa mo?"

"I want to see you," hindi agad ako nakapag salita dahil sa sagot n'ya, yung totoo balak ba n'yang pakiligin ako habang buhay?

"Bawal," sagot ko ng makabawi ako.

"Why?"

"Kasi bawal," casual kong sagot habang sinisilip sila sa peephole ng pinto ng kwarto. Hindi ko masyadong makita yung itsura nila pero ano pa bang aasahan ko, alam ko namang gwapo parin sila kahit anong suot at ayos nila.

"Why?" tanong nya ulit habang kumakamot pa sa ulo n'ya,

"Para surprise," sagot ko ulit habang naka ngiti, bakit ang cute n'ya?

"Why?" mabilis na nawala ang ngiti ko at napairap nalang dahil sa muli n'yang pag tatanong, sira ulo.

"Gusto mong sampalin kita?" inalis ko na ang tingin sa kanila at sumandal nalang sa may pinto.

"Oh ano boss sasampalin ka raw," rinig kong pang aasar ni Greg sa boss n'ya.

Hay kahit kaylan talaga hindi na nag bago tong dalawa na 'to.

"You know what Salvador ever since she came back, naging brutal na s'ya, I guess being with Zamora made her like that." Putek hininaan pa yung boses e rinig na rinig ko parin naman. Lakas ng tama e.

"Aba hindi ko alam pero sang ayon ako sa sinabi mo boss, napaka brutal naman kasi ni Amber." Isa pa tong si Greg na naki sang ayon pa, isumbong ko kaya s'ya kay Amber, tignan natin kung makakapag salita pa s'ya ng ganiyan.

The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon