Chapter 10
Gregory's POV
"Nasaan na ba si boss? Bakit ang tagal nya?" nag hihimutok na sa inis itong si Amber dahil naiinip na sa tagal ni boss. Halos sipain na nga nya iyong mga upuan sa harap nya e.
Hay nako napaka hot talaga nitong babaeng to.
"Easyhan mo lang babe, nandito naman ako para mag pawala ng inip mo e." pag tingin nya sakin ay kinindatan ko sya. Tumayo sya sa pag kakaupo at kitang kita ko kung gaano sya kasexy sa suot nya. Lumapit pa sya sakin at itinapat ang bibig sa tenga ko.
"Manahimik ka Gregory Salvador, baka gusto mong ibaon ko ang walong bala ng hawak kong baril dyan sa katawan mo hanggang dito sa bungo mo na wala atang laman. Ibabaon ko iyon habang pinapaalala sayo kung anong kasalan ang ginawa mo sakin." At doon ko lang napansin na may nakatutok na palang baril sa sentido ko. Wala doon ang pansin ko, wala akong pake kung pasabugin pa nya ang bungo ko kung iyon ang mag papasaya sa kanya. Kung doon nya ako mapapatawad, handa akong mamatay sa kamay nya.
"Shoo---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil dumating na si boss Konrad habang nakangiti pa.
At dahil madali akong maka move on sabi nya. Agad akong nag lagay ng ngiti sa mga labi ko at inasar si boss. "Alam ko na kung bakit late si boss, feeling ko may ginawa pa sila ni Lara bago sya pumunta rito." Dahil doon ay nakatanggap ako ng isang pamatay na tingin galing sa kanya na ikinatawa ko lang.
"I'm never late. I didn't even set a time for us to meet." Booom basag nanaman ako kay boss. Oo nga naman kasi Greg, boss iyan e matatalo mo ba yan.
"Where is he?" biglang naging mabigat ang atmosphere sa loob ng silid at nag dilim din ang aura nya. So beast mode na sya ngayon. Sino ba namang hindi? Kahapon kaya namin sya hinahanap ay para sabihing nasabutahe nanaman ang transaksyon namin. Tatlong sunod sunod na transaksyon na ang nabubulilyaso at hindi namin alam kung bakit. Hinid lang basta basta ang tansaksyon na iyon nag kakahalaga iyon ng milyon milyong pera. Kahapon ay nag gawa kami ng paraan para kahit isa ay may mahuli at buti nalang hindi kami sumablay kung hindi ay kami ang mamamatay.
Pumunta kami sa isang kwarto na medyo madilim dahil isang ilaw lang ang meron iyon. Agad na umalingasaw ang amoy ng dugo na kahit masakit sa ilong ay nakasanayan na namin. May upuan sa gitna ng kwarto at may lalaking nakatali doon. Sa gilid ng silid ay may iba't ibang weapons na magagamit pang torture. Yes kwarto ito kung saan dinadala ang mga nahuhuli naming kumakalaban sa mga Laffiel.
Dito rin ako dinala kasama si Chad nung inutusan si Amber ni boss. Tss hindi ko parin makalimutan iyong pang yayari na yon. Pinasabog lang naman ni Amber ang gulong ng pinaka mamahal kong motor bike. Tapos sinuntok pa ako ni boss dahil hinalikan ko sa pisngi si Lara. Tss sa pingi lang naman e.
Bumalik ako sa realidad ng makitang lumapit si boss Konrad sa mga weapons, putek don't tell me sya ang gagawa ng pag papaamin?
"Oy boss, kami nalang ang gagawa nyan wag ka na. Baka mapagod ka, uwi ka nalang kaya tapos bonding nalang kayo ni Lara." Pag pigil ko sa kanya. Ang iba ko namang kasama ay parang okay lang sa kanila na makitang gawin iyon ni boss. Naka sandal lang sa pader ang dalawang Mendez, si Amber naman ay naka upo lang sa mesa na kinalalagyan ng weapon at mukhang tinutulungan pa si boss na pumili ng pang torture. Malapit lang ako sa pinto at si davids naman ay nasa tabi ko lang at matiim na nakatingin sa lalaking nakatali sa gitna parang may malalim syang iniisip. Ano naman kaya iyon?
Kung nandito lang si Chadler ay may kasama sana akong pipigil kay boss kaso wala sya e, hinatid ata ang motor ni boss at kukuhanin ang kotse nya.
"Boss sigurado ka na ba dyan?" muli kong pag pigil sa kanya ng makita kong nakapili na sya at dagger lang ang kinuha nya. Syempre yun lang ang gagamitin nya.
BINABASA MO ANG
The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]
Acción[COMPLETED] The Heart of a Mafia Boss Konrad Lucas Laffiel He is invincible. He is the ruler of Laffiel Empire and the boss of Laffiel Mafia. Konrad always gets what he wants, so when he met Lara Trinidad the girl who captured his heart, he decided...