THOAMB #15 - Father

1K 42 0
                                    

Chapter 15

Lara's POV

Nung nakita kong umigting ang panga ni Lucas hindi na ako nag dalawang isip na lumapit sa kanya.

"Lucas, tara nalang kaya?" tumingin sya sakin at binaba ang hawak na pellet gun pero hindi parin nya binibitiwan iyon. "Pero ang sabi mo gusto mo iyong mga manika."

"Mukhang ayaw na nya, mukhang hindi mo rin naman daw kasi makukuha kaya bigay mo nalang sak---"

"Shut the fuck up." Angil ni Lucas doon sa lalaking sumabat sa usapan namin. Nakakakuha na rin kami ng atensyon mula sa mga nag dadaan dito sa booth. Pati ang personnel ay hindi alam kung anong gagawin.

"Gago ka pala e." mukhang nagalit yung lalaki dahil sa sinabi ni Lucas kaya agad nya itong inambaan ng suntok na mabilis namang napigilan ni Greg.

"Easy ka lang." seryosong ani ni Greg. Hindi man lang natinag si Lucas sa nangyari, nakatayo lang sya at parang alam nya na hindi lalapat ang kamao nung lalaki dahil may pipigil sa kanya.

"Anong easy lang? gago ka rin pala e. hindi mo ba narinig ang sinabi ng kasama mo?" halos mamula na sa galit ang lalaki habang ang kasama nyang babae ay nakatingin lang kay Greg, feeling ko nga maya maya mag lalaway na iyan e. tss ang harot.

Napakamot sa batok si Greg at natatawang sumagot sa lalaki. "Nako gago talaga ako matagal na sayang nga lang at ngayon mo lang nalaman. Go na boss tapusin mo na ang laro at baka mag init pa ang ulo ko dito." Sabi ni Greg habang hawak ang kamay noong lalaki.

"Gusto mo parin bang kunin ko ang mga laruan na iyon girlfriend?" tumingin sya sakin at parang nakadepende ang gagawin nya sa sasabihin ko.

"Oo sana kas---"

"Edi kukunin ko." Muli nyang tinutok ang baril sa target nang muling mag salita ang kabilang panig.

"Babe naman do something gusto ko talaga iyon e." maarteng sabi nung babae na nakita ko pang kumindat kay Greg at kasabay nun ang pag arte ni Amber na parang nasusuka.

Binawi nung lalaki iyong kamay nya kay Greg bago nag salita. "Hintayin nalang natin silang matapos sigurado naman akong sasablay yang lalaki nayan." Mayabang nyang nginisian si Lucas.

"Nako mukhang imposible iyon pare." Sa pag kakataong ito si Amber na ang nag salita at umakbay pa kay Greg.

"At bakit? Saka sino ba kayo? Bakit kayo nangingialam? Hindi naman kayo ang kausap ko." Hindi parin nawawala ang angas nya habang kinakausap sila Amber.

"Hindi mo na kailangang malaman kung sino kami, wala naman tayo sa school na may introduce yourself pa. Basta ang itatak mo sa mukhang hindi mo ginagamit na utak, hindi mo dapat binabangga ang mga taong hindi mo pa kilala. Ako nalang din ang mag sasalita para sa lalaking iyon dahil mahal ang salita nun, ngayon kung kaya mong mag bayad ng milyon sige papakausap kita sa kanya. Kung ayaw mo naman ng gulo aalis ka na, pero kung gusto talaga ng haliparot mong jowa ang mga laruan na iyon edi try mo nalang talunin si Boss. Puro ka kasi satsat e, sarap mong taniman ng bala sa bungo." Napanganga ako sa litanya ni Amber mukhang bumalik nanaman ang bad vibes nya. Kitang kita ko ang bumalatay na takot sa mukha nung dalawa samantalang narinig ko pa ang mahinang pag tawa ni Lucas at ni Greg.

"Sin---" hindi na natapos nung lalaki ang sasabihin dahil umawat na iyong personnel na buti nama't natauhan na sa nangyayari. Napapalibutan na rin kami ng mga tao na nakikiusisa sa nangyayari.

"A-ahmm mga ma'am at sir ganito nalang po, paunahan nalang po kayo na maka 27 bulls eye. Mag sisimula po tayo sa pag aassemble ng baril then fire. Kung sinong unang makaka 27 bulls eye without miss then sya po ang mananalo. Kung mag mimiss naman po uulit sa umpisa, ano po game po kayo?" hmmm parang mas okay yun kesa naman mag away away pa sila.

The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon