THOAMB #7 - Dream

1.3K 69 0
                                    

Chapter 7

Lara's POV

Oo hindi ako nagulat nang lagnatin sya pero nag aalala na ako dahil ayaw parin tumugil ng panginginig nya kahit kinumutan ko na sya ng ilang patong. Hindi ko naman alam kung anong ginawa kong mali.

"Ano bang gagawin ko para hindi ka na lamigin."

Kanina pa ako paikot ikot dito sa bahay para lang maka kita ng pwede kong ikumot sa kanya.

Tawagan ko kaya si Anna para maitanong kung anong gagawin ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa side table at tinawagan na si Anna.

"Hello?" mukhang nagising ko sya sa tulog nya.

"Anna pasensyana sa abala, may itatanong kasi ako sayo."

"Okay lang, ano ba iyon?"

"Nandito kasi si L-lucas at nilalagnat sya." Kagat kagat ko na ang kuko ko habang nag hihintay sa magiging reaksyon nya. Baka kung anong isipin nya dahil may lalaki dito sa bahay ko.

"Tapos?" What? iyon lang ang masasabi nya? Hindi ba sya mag rereact ng kakaiba?

"Bakit parang alam mo?" tumahimik sya at mukhang nag iisip kung sasabihin nya ba o hindi.

"Sinabi sakin ni Chad kanina." Chad? Bakit naman sasabihin ni Chad sa kanya iyon? Mag kaano ano ba silang dalawa?

"Anyway ano bang nagyayari sa kanya ngayon?" alam nyang mag tatanong pa ako kaya nag tanong na sya ulit. hmmp malalaman ko rin kung anong meron sa kanila.

"Kanina pa kasi sya nanginginig at wala na akong kumot para maikumot sa kanya, anong gagawin ko?"

Bumalik ang tingin ko kay Lucas na pinag papawisan kahit nilalamig sya.

"Una, tinanggal mo ba ang damit nya?"

"Kailangan ko bang gawin iyon?" nag tataka kong tanong dahil hindi ko ginawa iyon. Para kasing ang bastos naman kung huhubarin ko ang damit nya.

"Anak ng tokwa naman Lara, malamang kailangan iyon naulanan sya kanina sabi ni Chadler diba? Basa yung damit nya kaya kailangan mong tanggalin iyon bago sya kumutan." Putek kaya pala kahit anong kumot na ilagay ko nanginigig parin sya.

"Tapos pag ka alis ko ng d-damit nya anong gagawin ko?"

"Pag nagawa mo na iyon painomin mo ng gamot para sa lagnat. Pag naman nanginginig parin sya, isa nalang ang naiisip kong solusyon Lara." Kinabahan ako dahil biglang sumeryoso ang boses nya.

"A-ano yun?"

"Body heat Lara. Kailangan nyang mainitan at kailangan nya ng mag papainit sa kanya. Yung tipong mag iinit talaga ang buong katawan nya at alam mo na katawan mo ang tinutukoy ko. Kailangan mo lang mag hubad din at yaka----" hindi ko na sya pinatapos at pinatay na ang tawag. Putek ayoko ng marinig ang sasabihin nya dahil naramdaman kong nag iinit na ang mga pisngi ko.

"K-kailangan ko ba talagang gawin iyon?" umiling iling ako at lumapit na kay Lucas para alisin ang suot nyang damit.

Pati ang kama ay nabasa na dahil sa damit nya, tss dapat talaga ginawa ko na iyon kanina pa.

Lumunok muna ako bago dahan dahan na inalis ang t-shirt na suot nya. Shocks ganito ba talaga mag alaga ng may sakit? Pag alis ko nun ay tumabad sakin ang matipuno nyang katawan. Nakita ko na iyon dati sa office nya pero iba parin pag malapitan na. Basang basa ang katawan nya kaya't pinunasan ko iyon ng tuyong towel. Dapat ay pumipikit ako para hindi matitigan ang katawan nya pero hindi ko magawa. Tila nang aakit ang well defined abs nya pati na rin ang v line nya. Dahil sa v line nya ay dumako ang paningin ko sa pantalon na suot nya.

The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon