CHAPTER 1: Book

130 8 1
                                    

"Most of astronomers and scientists believes that we are not the only creatures existing in this entire universe.  There are more like us, some of them might just watching us from nowhere waiting for the right time to attack or something."

Buhay na buhay ako sa paliwanag ni Sir  Apollo.  Favorite ko 'yung topic niya e. About Universe.

"Sir, personally, do you believe in them? In that theory?" one of my classmates asked.  I just wait for Sir Apollo's answer. I'm also curious about what he thinks towards it. 

It takes a couple of seconds before he answered. 

"Personally? Yes,  and for me it wasn't just a theory.  I firmly believe in it," sagot niya bago tumunog ang bell.  Napabuntong hininga nalang ako dahil bitin nanaman ang klase. 

Ang daming tanong sa isipan ko na hindi ko maitanong sa kaniya. Bawat salita niya ay nagbubukas sa panibagong katanungan at alam ko na mahihirapan ako na hanapin ang sagot. 

Sinimulan kong iligpit ang gamit ko.

"Halley,  tara na bilis,  baka maubusan tayo ng slot!" nagulat ako sa marahas na pag-hila sa akin ni Lyra.  Lagi kasing nakikipag unahan sa puwesto sa cafeteria kaya lagi siyang nag mamadaling lumabas after ng last subject.

"Sandali--" ayan tuloy nabitawan ko 'yong libro ko.  Tinignan ko ng masama si Lyra at nag peace sign naman siya.  Alam niya kung gaano kahalaga sa akin ang mga libro ko. 

Bumuntong hininga nalang ako at yumuko para damputin 'yon.  Sakto naman na isang kamay din ang pumulot noon.  Nauna nga lang siya kaya ngayon,  siya na ang may hawak ng libro. 

"Universe--The Mystery." Basa niya sa pabalat nito at napatango. "Nagbabasa ka pala nito?" Tanong niya, kinuha ko naman agad 'yon sa kaniya. 

"Oo,  salamat Vin," saad ko nalang at tinalikuran siya,  dama ko sa sarili ko ang panghihinayang dahil iniwasan ko nanaman siya. 

Kababata ko si Vin,  matagal na kaming mag kakilala at sa totoo lang, may gusto ako sa kaniya.. Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya sa akin.

Close naman kami noong mga bata palang kami pero dahil matagal siyang nawala dahil sa business ng pamilya niya sa abroad e doon na din siya nag aral,  ayon 'di ko na alam kung ano kami ngayon. 

Siguro ay dahil na rin sa malalaki na kami,  tuluyan na talagang na dissolved ang friendship namin.  Nahihiya na rin ako na i-approach siya. 

"Sayang naman,  ba't 'di mo pinansin?" tanong ni Lyra nang makalayo kami sa lugar.  Isinilid ko muna 'yung libro sa loob ng bag ko.

"Pinansin ko naman ah?" palusot ko.

"Tss,  hindi kita gets,  alam ko na crush mo si Vin--"

"Huwag kang maingay," Lumapit pa ako para takpan ang bibig niya at lumingon sa paligid para tignan kung may nakarinig. 

"Okay,  okay!" Nagtaas pa si Lyra ng kamay sign ng pag suko.

Tinanggal ko ang kamay ko sa bibig niya at napabuntong hininga nalang.  Hindi naman sa ayaw ko na ma-topic namin si Vin.  Ayoko lang na may ibang makaalam na crush ko siya. 

"Hinaan mo lang kasi," bulong ko sa kaniya at palihim na ngumiti.  Narinig ko naman ang pag hagalpak niya kaya naman natawa nalang din ako.

Kilala ako sa buong campus dahil sa impluwensya ng pamilya ko,  malaki din ang business namin na si Mommy at Tito-dad ang nag papatakbo. 

Hindi naman ako masyadong introvert kagaya ng iniisip ng iba. It's just, i love reading books more than talking to humans.  Pero alam ko naman kung paano ilugar,  marunong naman akong pakipag-socialize at pakipag-kaibigan. 

Parted by Galaxies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon