CHAPTER 9: Ranking

25 6 1
                                    

"So you mean nahulog ako sa blackhole and then iniluwa ako no'n sa planetang ito?! Pero imposible 'yon, even lights can't travel to a blackhole and once na nahulog ka doon you'll be gone forever, there's no evidence that you existed aside from your papers!" pinipilit kong hinaan ang boses ko kahit na gustong-gusto ko ng sumigaw sa inis. We're at the coffee house, gladly hindi matao sa lugar na 'to.

"You know nothing," saad niya habang hinahalo ang coffee na inorder niya. Ang salitang 'yon ay hindi ko matanggap. Im reading astronomy books in my entire life tapos sasabihin niya na i know nothing?! Sapakin ko kaya 'to?

"Then tell me,  what do you know? What should i know? Ipaintindi mo sa 'kin, please," siguradong mababaliw ako pag wala akong nakuhang sagot sa kaniya ngayon at sigurado ako na hindi ko siya titigilan.

"How much do you guys, know about Universe?" he asked and glanced at me.  I don't know what he was pertaining to bu still,  i answered.

"We know 4 percent," hindi ko alam kung 'yon ang hinihingi niyang sagot. Mahirap naman kung iisa-isahin ko pa kung ano 'yung nalalaman ko 'diba? 

Proud pa rin ako sa sagot ko,  pinaghirapan kaya nang pinakamatatalinong tao nang earth 'yang 4 percent na 'yan.  I should be proud.  Baka nga sila 2 percent lang ang alam e,  knowing na hindi naman ganoon ka modern ang mundo nila.

I feel insulted when I saw him chuckled and shook his head.  My forehead creased on what he did.  "We know 65 percent," he said. 

My jaw literally dropped, "Si-65 percent?!" hindi ko na mapigilan ang pag lakas nang boses ko.  Bakit naman ganoon kalaki ang agwat?!  Grabe ha,  sabi ko na nga ba dapat hindi ko iniwan 'yong mga libro sa library, siguradong mas marami pa akong malalaman doon. 

He nodded,  "I guess,  we're so much ahead from you,  people of the earth," kung ganoon nga e malamang na mas modern nga dito lalo na pag dating sa technology.  Bakit ba hindi ko agad na isip?  E ang gara nga ng school nila oh!

"65 percent," napapaisip na bulong ko sa sarili.  Para kasing imposible. 

"Yes,  and that will increase 'pag nakuha ka nila,  nalaman ang totoo tungkol sa 'yo at pag pinag aralan ka nila na parang hayop," saad niya sat sumimsim sa coffee niya. 

Natigilan naman ako sa sinabi niya.  Puwede nilang gawin sa 'kin 'yon? 

I looked down, "Would you tell them for the sake of 65 percent?" I ask absentmindedly.  Ni hindi ko namalayan na nasabi ko na 'yon dahil sa lalim nang iniisip ko. 

"No,  not yet," muli akong napatingin sa kaniya,  gulat at hindi makapaniwala. 

"Not yet?!!" So ibig sabihin i-su-surrender nila ako pero hindi pa lang ngayon?! 

"Not yet," he repeated. Lalo akong kinabahan sa sinabi niya.

"What will happen to me once they found out?" I curiously asked, hoping for an answer but at the same time,  praying na sana ay hindi naman ganoon kasama ang gagawin nila sa 'kin. I'm still holding to his promise that he will send me back home no matter what. 

He put down the mug of his coffee,  "They won't hurt you,  no one will,  as long as you're with me," he said before leaving and me? I was left dumbfounded by everything he said. 

Pabalik na ako sa dorm nang mapagtanto na buong araw pala akong nasa labas at umikot-ikot sa buong campus.  Pitas nang dahon dito,  bunot nang bulaklak doon. Grabe hindi pa rin ako makapaniwala na nag e-exist pala ang ganitong klase nang planeta. Literally an earth-like planet. 

Kasabay ko na nag lalakad ang ilang estudyante,  hindi naman maiwasan na tignan nila ako dahil nga bago ako sa mundo nila.  Agad naman na napapaiwas ako nang tingin dahil sa sinabi ni 540 sa 'kin na huwag ko daw hahayaan na titigan nila nang matagal ang mata ko o makita pa nga ang totoo nitong kulay. 

Parted by Galaxies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon