CHAPTER 11: First Day

18 6 2
                                    

Pinatay ko 'yong ilaw bago ako matulog. Hindi talaga ako kumain kaya naman hanggang ngayon e kumakalam ang sikmura ko. Hindi talaga ako nakakain ng maayos simula noong mapunta ako rito.

Sayang 'yong food, libre pa naman.

Hays, miss na miss ko na ang mundo ko. Kumusta na kaya sila Vin at Lyra? Hinahanap kaya nila ako? Sila Mom and Tito-Dad, siguradong nag aalala na sila sa 'kin. Gusto ko nang umuwi.

Kung alam ko lang na mangyayari 'to edi sana sinagot ko na si Vin, sana ay naranasan ko man lang na maging girlfriend niya kahit sa sandaling panahon lang. Sayang.

*knocks*

Napalingon ako sa pinto, tinatamad akong tumayo dahil ang sarap na nang higa ko sa kama. Tinignan ko ang orasan, alas nuebe na. Grabe ang dedicated naman ni Estrella sa work!

"Buksan mo nalang, may susi ka naman!" Tamad-tamad neto, nang aabala pa. Kainis.

Kumunot ang noo ko nang hindi siya mag salita, hindi ko rin naman narinig ang pag bukas ng doorknob. Kumunot ang noo ko at muling tinignan ang pinto.

"May susi ka 'diba?!" Inis na saad ko.

"No, i don't have." Napalikwas ako nang marinig ang boses na 'yon ni Rigel. Shocks what is he doing here at this hour?!

Mabilis na inayos ko ang sarili ko at lumapit sa pinto para pag buksan siya. Sumilip pa ako nang konti bago tuluyang ibukas ang pinto. Napakamot ako nang ulo at tumikhim bago mag salita.

"Ah, ano'ng ginagawa mo rito? Wala rito si Estrell, siguro nasa stock room pa--"

"Here." Putol niya sa akin at iniabot ang isang paper bag. Kumunot ang noo ko pero hindi ko agad kinuha 'yon. Hindi ko alam kung ano'ng laman no'n kaya nag dadalawang isip ako na kunin.

"A-ano 'yan?"

Imbes na sagutin ako ay kinuha nalang niya ang kamay ko at isinabit doon 'yong paper bag na dala niya. Wala na akong choice kundi ang kapitan 'yon.

"I can't stay longer." Saad niya at sandali akong tinignan bago umalis. Hindi na naman ako nakapag react sa mga ginawa niya. Masyado siyang mabilis.

Tinignan ko nalang 'yung ibinigay niya sa akin, at pumasok sa loob para tignan ang laman no'n. Ilang cup noodles at mga junkfoods, mayroon ding thin can na syempre ngayon ko lang nakita dahil dito lang naman 'to nag e-exist. 'Di ko alam na uso rin pala sa kanila ang cup noodles.

Mas okay 'to kaysa sa mga pagkain sa cafeteria kaya papatusin ko na. Mayroon naman palang ganito e, nagpakahirap pa akong magpaka-gutom-gutom.

"Hindi mo ini-lock 'yong pinto." Napatigil nalang ako sa pagsubo nang pumasok si Estrell dala ang ilan niyang gamit. Natigilan siya nang makita akong kumakain.

Lumapit siya sa akin para tignan kung ano 'yong kinakain ko, hindi ko alam kung mang hihingi siya pero willing naman ako na mag share

Kinuha niya ang isa sa mga 'yon. Hindi ko na pinansin dahil okay lang naman na kunin niya.

"Lumabas ka?" Tanong niya, natigilan naman ako pero mabilis ding sumagot.

"No." I simply answered at kinuha 'yong canned juice para inumin.

"You did." I rolled my eyes nang ipilit niya ang paniniwala niya. "Sa cafeteria lang meron nito, right now sarado ang cafeteria kaya siguradong lumabas ka ng campus para makabili nito. Isa pa, 'di ba sabi ko sa 'yo huwag ka nang lumabas ng dorm?" Ibinaba ko ang kinakain ko at masama ang mukhang humarap sa kaniya.

"Sa tingin mo alam ko kung paano makalabas ng lugar na 'to? Kung alam ko, edi sana umuwi na 'ko. Huwag ka ngang judgemental." Medyo inis na saad ko sa kaniya.

Parted by Galaxies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon