Binawi ko ang kamay ko kay Rigel nang tuluyan kaming makalayo, marami pa ring tao dahil nasa corridor kami pero ang mahalaga e naka-alis na ako sa scenario na 'yon, sobrang hot seat kanina.
He looked at me expressionless, napaiwas naman ako ng tingin dahil hindi ko malabanan ang mga tingin niya, nakakapang hina, para bang inuubos nito ang inerhiya sa katawan ko.
"T-thank you," I said without looking him in the eye. Hinihintay ko lang siya na mag salita pero wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. Mas lalo tuloy akong na-awkward. "Ahh--"
"Rigel!" Napalingon ako sa babae na tumawag mula sa likod ni Rigel, nanlaki ang mata ko nang makita ko na si Bianca 'yon. Gusto ko nalang mag laho ngayon mismo. Masyado siyang malakas para banggain ko, mas mabuti pa nga na layuan ko na lang si Rigel kaysa ang nakatapat siya.
Nakita ko kung paanong pumulupot ang kamay ni Bianca sa braso ni Rigel na ngayon ay diretso pa rin ang tingin sa akin.
"Hi, 218," bati sa akin ni Bianca pero alam ko na makahulugan 'yon at makikita 'yon sa mga tingin niya. "Rigel, 'di ba sabi ko sa 'yo mag kita tayo sa coffee house?" baling niya naman kay Rigel.
Wala na akong balak na nag tagal kasama nila, ayoko rin na makita kung paano sila mag lalandian, nakaka-asiwa. "Alis na 'ko," paalam ko at iniwan nalang sila roon. Narinig ko pa ang pamamaalam sa akin ni Bianca pero alam ko naman na hindi totoo 'yon.
Nag ikot-ikot muna ako sa campus bago mapag-pasyahan na pumunta sa lib para mag basa, hihiram din ako ng ilang libro para sa assignment namin kay Miss Portia. Hindi ko alam pero medyo na we-weirdohan ako sa kaniya, marami siyang sinasabi na familiar sa akin.
Mabilis lang akong nag basa sa library. Sinubukan ko pang hanapin ulit 'yong mga libro na kinuha ko noon pero wala na 'yung iba, lalo na 'yung M31 sayang naman, babasahin ko sana.
Halos mapanganga naman ako sa mga nakasulat sa libro. Pakiramdam ko, kung uuwi ako sa earth ngayon e, ako na ang babansagan nila na Miss Universe—I mean, ang dami ko kasing nalaman tungkol sa universe na sa ngayon ay hindi alam ng mga scientist ng earth. Totoo nga, mas advance nga sila. Grabe.
Hindi ko alam kung ilang oras ang inabot ko sa pag babasa pero inanunsyo noong librarian na i-co-close na raw ang library dahil mag cu-curfew na, doon ko naman na realize na ako nalang pala mag isa sa lib. Ang pangit talaga pag walang kaibigan.
Madilim ang paligid pero walang takot akong nag lakad pauwi ng dorm namin. Tinignan ko pa ang langit at ang bilyon-bilyong bituwin na natatanaw ko ngayon. Iisa lang talaga ang buwan dito. Naniniwala ako na namalik-mata lang ako noong una na akala ko e dalawa 'yung buwan. Hays.
Sa kalgitnaan ng paglalakad ay napahinto ako nang marinig ang isang kaluskos sa paligid. Agad na dumaloy ang kaba sa akin lalo na nang maalala ko ang Vantatii na sumalubong sa akin sa forest noong nakaraan. Hindi malabo na meron din noon dito.
Agad kong iniikot ang paningin ko sa paligid, bakit ba kasi late na ako umuwi, inilalagay mo talaga ang sarili mo sa panganib e.
Kumunot ang noo ko nang mahagip ng mata ko ang isang bagay malapit sa malaking puno. Sana ay hindi 'yon vantatii, gayunpaman ay lakas loob akong lumapit para tignan 'yon. Mabigat ang bawat hakbang ko at mas bumibigat din ang atmosphere sa paligid.
Malakas na napasigaw ako nang magtama ang paningin namin ng nilalang na 'yon, agad din akong natahimik nang marinig ang sigaw niya at makumpirma sa sarili ko na alien lang rin pala 'yon. Lalaking alien.
"Sino ka?!" gulat na tanong niya pero tinignan ko lang siya, ang OA niya mag panic, grabe ako na ang nahihiya para sa kaniya.
"Hindi ako sinuka, inire ako," walang emosyong biro ko at tinalikuran siya. Kakaiba talaga ang trip ng mga tao dito, pakiramdam ko, kung mag tatagal pa ako sa lugar na 'to ay mababaliw na rin maging ako.
BINABASA MO ANG
Parted by Galaxies (Completed)
Science FictionA girl who loves to read books about constellation science, and is very fascinated about the mystery of the universe. During their educational tour about the environment she accidentally fell into a hole, a dimension that leads to the other planet...