Hindi ko naramdaman ang paglapit ni Rigel dahil tulala pa rin ako kay Miss Portia.
"204, mabuti pa tumakas na kayo," saad ni Miss Portia nang makalapit si Rigel. "Lumayo kayo at huwag man lamang isipin na tumungo sa Aurora High. Masyadong delikado ang kalagayan doon ngayon," dagdag pa niya. Tama sila. Konektado ang A.H sa lahat ng ito. They even trained students for universal war. Sigurado na ngayon ay hinahanap din ako roon.
"P-Paano kayo," nag-aalalang tanong ko. Ayoko naman na basta na lamang namin iwan ang mga kasamahan namin. Ayoko na iwan ang mga taong lumalaban para sa akin.
"Kaya namin ang sarili namin. Hindi lang ito laban para sa buhay mo, Halley. Para din ito sa amin," sagot ni Miss Portia. "Umalis na kayo."
Muli akong bumaling kay Rigel na ngayon ay naka-tingin kay Madame Dzvezda. Tumango naman si Madame Dzvezda senyales na pinahihintulutan niya na umalis kami.
"Mag iingat kayo," saad ni Miss Portia at tinulungan si Rigel na itayo ako. Yumakap pa ako kay Miss Portia bilang pamamaalam, at pasasalamat. Hindi man kami ganoong nagkasama pero isa siya sa mga hindi ko malilimutang tao dito sa Precilla.
Inalalayan ako ni Rigel para maka-lakad. Nilingon ko pa ang mga kasama namin habang patuloy silang nakikipag laban. Nakita ko kung paanong sugatan si Venus ngayon habang si Estrell naman ay pilit na dumedepensa. Masakit sa akin na umalis ng hindi sila kasama. Umaasa na lang ako na makakabalik sila ng buhay.
Sa halip na dumiretso sa Aurora High ay lumihis kami kagaya ng inutos ni Miss Portia. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon pero pamilyar sa akin ang lugar. Masyadong malawak ang kagubatan at masyadong masukal ang dinadaanan namin.
Hindi pa kami nakakalayo nang masalubong namin si Sol. Hindi ko iyon inaasahan.
"S-Sol?" naguguluhang tawag ko. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya nang lumapit siya sa akin.
"Halley, a-ano'ng na-nangyari sa 'yo?" naguguluhang tanong niya. "Ano'ng nangyayari?" dagdag pa niya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag gayong kailangan namin tumakas.
"Sol, wa-wala ng pa-panahon..." nanghihinang tugon ko. Lumapit siya sa akin para tignan ang lagay ko. Naramdaman ko naman na bahagya akong hinila ni Rigel palapit sa kaniya.
"We will die if we stay here any longer. Halley needed to be treated so if you'll excuse us," saad ni Rigel at hinila ako para maglakad muli.
"Sandali," saad ni Sol kaya natigilan kami. Nilingon ko siya na nasa tagiliran ko lang at kita ko mismo ang pamumuo ng luha mula sa mga mata nito.
Humakbang siya para pumunta sa harapan ko. Hindi na ako nagulat nang bigyan niya ako ng mahigpit na yakap.
"Sorry but please, just for a while," saad niya kaya hinayaan ko na lang siya na yakapin ako. "Mag iingat ka Halley," aniya.
Nanatili kami sa ganoong sitwasyon hanggang sa maramdaman ko ang pagluwag ng yakap niya at mabilis na pag-ikot niya sa akin. Kasabay noon ay narinig ko ang isang malakas na putok ng baril.
Natigilan ako nang mapagtanto ang nangyari.
Mabilis na ginantihan ni Rigel ng putok ang lalaki pero hindi ko na iyon pinansin.
Dahan-dahan akong kumalas sa mas lumuluwag niyang yakap sa akin. Para akong sinaksak nang marahan siyang bumagsak napaupo sa lupa. Inalalayan ko siya.
"Sol?" naiiyak na tanong ko. Napa-upo na lang ako habang siya'y nasa kandungan ko. Niyakap ko siya at doon ko naramdaman ang dugo mula sa likod niya.
Sinalo niya ang kamatayang para sa akin.
"S-Sol..." tuluyan ko siyang iniyakan. Kung alam ko lang na ito ang mangyayari, hindi ko na sana hiniling noon na sana'y magkita pa kaming muli.
BINABASA MO ANG
Parted by Galaxies (Completed)
Science FictionA girl who loves to read books about constellation science, and is very fascinated about the mystery of the universe. During their educational tour about the environment she accidentally fell into a hole, a dimension that leads to the other planet...