"Dad!" I shouted as I see my dad coming. Matagal ko siyang hindi nakita. Ang dalang naman niya kasing umuwi.
"Hi baby!" he greeted. Dad carried me and granted me a kiss. He also granted Mom a kiss.
"Come down, baby, pagod si Daddy," Mom commanded but I refuse to obey. Narinig ko na natawa na lang sila. Dad carry me until we went home.
I enjoyed Dad's stay. He rarely visit home kasi sobrang busy niya. He works abroad kaya sobrang dalang ko lang siyang makita.
"Michael, It's a planet!" nagulat ako sa inis na saad na 'yon ni Dad. I was just a kid so I know nothing about their topic. Still, I chose to listen even if I know that Dad would be mad once he found out.
"Bro, we cannot propose it to them without a concrete evidece. They wouldn't believe," sagot ni Tito Michael. He's my Dad's friend.
"I know, but there really is something with that planet. If ever, that would be the first planet to be named in Andromeda," seryosong turan ni Dad.
"I believe you. But what should we do? What's your plan?" tanong naman ni Tito Michael.
"After a week of vacation. I'll come back to U.S. and you should come with me."
"But how about your daughter?" I am the only daughter so I know that Tito Michael was referring to me.
"Halley is a smart girl. She would understand..."
--
Iminulat ko ang mata ko nang maramdaman ang bahagyang pag galaw ni Rigel. Naka-tulog pala ako at ang lahat nga 'yon, mga ala-ala.
Bakit bigla na lang bumalik sa akin ang lahat? That was a year ago. Hindi ko na nga 'yon maalala pero napanaginipan ko pa.
Nagmasid ako sa paligid. Sobrang liwanag na nito kaya naman napatingin ako sa kalangitan at doon ko nakita ng ikalawang buwan. Suminag na ito at napaka-liwanag. Kapareho noong gabi na una akong napadpad sa mundong ito.
"Bukas na ang portal," saad ni Rigel sa malungkot na tono ng boses. Umayos ako ng upo para makagalaw siya ng maayos. Siguradong nangalay siya dahil sa pagkakasandal ko sa kaniya.
"Gaano katagal ako nakatulog?" tanong ko. Feeling ko kasi ang tagal-tagal.
"40 minutes," he answered. Hindi ko alam kung paano niya nabilang 'yon. May mga bagay talaga akong hindi maintindihan at hindi maipaliwanag tungkol sa kaniya. Pero isa 'yon sa mga naging dahilan kung bakit mas minahal ko siya.
Naging nagaan naman ang pakiramdam ko kahit na sandali lang naman ako nakatulog. Gayunpaman ay ramdam ko pa rin ang sakit ng katawan ko. Muli ang tumingin sa kalangitan.
"Ang ganda," komento ko may kinalaman sa buwan.
"Alam ko magkaiba ng buwan ang planeta natin. Pero sana lagi mo akong maalala tuwing titignan mo ito," saad naman ni Rigel. Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ako pero nakita ko ang pagkinang ng butil ng luha sa mukha niya nang tamaan ito ng liwanag ng buwan.
"Hinding-hindi kita makakalimutan, Rigel. Mawala man ang buwan pero mananatili ka sa puso ko hangga't tumitibok ito," sagot ko. I don't usually say such words. Madalas akong mainis sa mga magkarelasyon kong kaklase dahil sa sobrang clingy nila. Hindi ko inasahan na magiging ganoon din ako.
Pinanuod ko lang siya habang marahan siyang tumayo at kasunod noon ay tinulungan ako na makatayo rin.
"Can you still walk?" tanong niya nang makitang medyo nahirapan ako na tumayo. Nginitian ko siya para ipakitang okay lang ako. Hindi ko alam kung gaano pa kahaba ang lalakarin namin pero hindi ako puwede sumuko. Masyado nang maraming buhay at panahon ang nasayang.
BINABASA MO ANG
Parted by Galaxies (Completed)
Bilim KurguA girl who loves to read books about constellation science, and is very fascinated about the mystery of the universe. During their educational tour about the environment she accidentally fell into a hole, a dimension that leads to the other planet...