CHAPTER 16: The Galaxy

23 6 2
                                    

"Kausapin mo," saad niya. Kahit madilim at tanging liwanag ang mula sa isang buwan ang nagbibigay liwanag ay nakita ko pa rin ang nakakaloko niyang nagiti. Napaawang ang bibig ko pero walang lumabas na salita, walang salitang angkop para ipahayag ko ang pagka-inis ko sa lalaking 'to.  Nagpatuloy naman siya sa pag lakad.

Napapikit nalang ako sa inis at pilit na pinakalma ang sarili ko. Tinignan ko 'yung dahon na bigay niya at napa-irap nalang ako. "Tss, hindi man kang bulaklak ang 'binigay. Dahon talaga?!" bulong ko sa sarili.

Nagpatuloy nalang kami sa pag lakad, hindi ko halos namalayan na naka-akyat na pala kami sa isang burol. Ang daan paakyat ay mapuno at matarik, pero pag naka-akyat ka na sa tuktok, malinis na at iisang puno nalang ang nakatayo sa mismong gitna nito.

Hindi ko maiwasang mamangha nang makita ang kauboan ng kagubatan. Napaka lawak pala nito! Mula sa kinatatayuan namin ay tanaw ko ang Aurora High, ang buong syudad! Grabe ang ganda!

"Bakit mo 'ko dinala rito? Ano ba'ng meron di--" natigilan ako nang makita siyang nakatingala sa kalawakan. Napatingin nalang rin ako roon at hindi ko maiwasang mapangiti sa ganda no'n!

Bilyon-bilyong bituwin sa kalawakan. Tanaw na tanaw ang mga 'yun mismo sa kinatatayuan namin. Halos wala nang mapagsingitan ng isang bituwin dahil napaka-rami nila! Ngayon lang ako nakakita ng ganito sa buong buhay ko. Konti nalang kasi ang stars sa manila, natatakluban na sila ng polusyon at city lights kaya 'di na masyadong kita.

"Ang saya ko, Rigel!" tanging salitang nasambit ko. Halos mapatalon ako sa pagka-mangha. "Sobrang dami nila!"

"218," tawag niya. Ayoko pa sanang alisin ang paningin ko sa kalawakan pero kailangan ko siyang lingonin. Nailatag niya 'yung coat niya sa tabi noong puno, umupo siya roon habang nakasandal sa puno. Nai-pat niya yung space sa tabi niya.

"H-ha?" of course alam ko ibig niyang sabihin! Pero really? He wants me to sit beside him?

"Sit or stand up all night?" he's making me choose again, ayoko pa naman ng choices na 'binibigay niya!

"All night?!!" 'di makapaniwalang tanong ko. Ibig sabihin bukas pa kami uuwi?!

Sandaling sinulyapan niya ako bago ibaling ang tingin sa kung saan. "Take a rest, lalakad pa tayo pabalik mamaya," saad niya. Dahil ayoko naman na tumayo hanggang mamaya e umupo na rin ako sa tabi niya. Alam mo 'yung awkward na comfortable? Basta gano'n.

Tinignan kong muli ang langit. Sana makita kong muli ito, pupuntahan ko ang anumang lugar sa Earth para lang masilayang muli ang ganda ng kalawakan.

Nahagip ng mata ko ang giant star ng Orion, hindi ko inasahan na makikita ko ang constellation ng Orion kahit na nasa Precilla ako.

"Hey," bahagyang sinagi ko siya "See that?" Turo ko sa bituin na 'yon. "That is the giant star of Orion, Rigel," and then i looked at him and smile. Hindi ko alam kung Rigel din ba ang pangalan ng giant star na 'yon dito sa Precilla. Hindi ko nga alam kung Orion din ba ang pangalan ng constellation na 'yun sa mundong 'to.

"Kapangalan ko pala," saad niya, napangiti nalang ako nang mapagmasdan ang pigura ng mukha niya. Kahit madilim, I have to admit na ang gwapo niya pa rin.

"Huwag mong alisin ang tingin mo sa kalawakan," saad niya, napaiwas naman ako ng tingin. Hayan, Halley, titig pa!

"Sorry," I said at muling ibinalik ang tingin sa mga bituwin. Halos mapatayo naman ang nang makita ko ang pag daan ng isang comet. Lagi kaming nonood ni Mommy ng mga meteor showers at pagdaan ng comets pero ngayon ko lang nakita ng isang 'to. "Woaaah," saad ko sa pagka-mangha.

"That is Comet Halley," saad ni Rigel. Agad naman na napatingin ako sa kaniya.

"Comet Halley din ang pangalan ng comet na 'yun sa mundo niyo?" tanong ko na tinanguan naman niya. "Ang alam ko kasi, kaya Comet Halley o Halley's comet ang pangalan ng comet na 'yun ay dahil isinunod ito sa pangalan ni Edmond Halley."

Parted by Galaxies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon