CHAPTER 27: Sol

19 5 1
                                    

"Elara?!" hindi makapaniwalang saad ko. Natigilan ako nang yakapin niya ako. Akala ko'y galit siya sa 'kin? Akala ko galit siya sa 'kin dahil sa iba ako sa kanila.

"I'm really sorry, Halley. Hindi dapat kita iniwan. Hindi dapat kita ipinagtabuyan," saad niya. Napayakap nalang din ako sa kaniya. Ang gaan sa pakiramdam. It's nice to bw reunited with her, again.

"It's okay, Elara. I understand. Thank you for accepting me again," sagot ko. Kumalas kami sa yakap ng isa't isa. Tinignan niya ang kabuoan ko at napanguso.

"What happened to you?" saad niya at tinignan ang hindi ko pa nasusuklay na buhok. "You're all around the media, Halley. Hinahanap ka nilang lahat, tapos pati 'yung principal natin gusto ka ring nahanap. Bakit ka pa ba bumalik dito?" tanong niya habang iginigiya ako papalapit sa couch para maupo. "Hindi ka na dapat nandito."

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nangangamba ako na baka may iba pang tao rito. Napanatag naman ako nang sabihin ni Elara na wala dito ang roommate niya.

"It's just happened na napunta ako rito. Mahirap ipaliwanag pero kailangan kong maka-alis," paliwanag ko. Hindi ko naman inaasahan na tutulungan ako ni Elara. Sapat na sa 'kin na itinago niya ako.

Tumayo ako para ilapit ang tenga ko sa pinto.

"She's not in here. Niloloko ni'yo ba kami?!" inis na saad ng isang boses ng lalaki. Alam ko na pumasok na sila sa dorm namin.

"S-sino ang mga 'yon?" tanong ko kay Elara.
"Ipinadala sila rito kung sakaling bumalik ka. Alam nila na wala kang ibang pupuntahan kundi ang school," sagot niya. Napaka-desperado talaga nila na mahuli ako.

"Kailangan ko nang umalis, Elara. Thank you sa tulong mo," saad ko pero mabilis siyang lumapit sa akin para pabalikin ako sa couch.

"Sandali lang, mag usap muna tayo. Huwag kang mag alala, ligtas ka rito. Kahit sandali lang, Halley. Marami akong gustong sabihin sa 'yo," pakiusap niya. 

Wala na akong nagawa kundi ang pumayag. Gusto ko rin naman siyang makausap.

"Elara, if that was about last time, just forget about it. Maayos na tayo, okay na 'yun."

"I know, but I just wanna say that I'm really sorry. Sorry for everything, and sorry because I didn't kept my promise," saad niya na ikinakunot ng noo ko. Gusto kong mag tanong but I decided to let her finish first. "I promised that I won't tell anyone about your secret but I was forced by Bianca," malungkot na saad niya. Ramdam ko naman na sincere talaga siya.

"She forced you?" tanong ko.

She nodded. "Bianca saw the stain of your blood on her keychain. She knew that I saw it too no'ng nasa cafeteria tayo. Days passed and she came to me, asking about it. Wala akong choice kundi ang sabihin. Alam mong may malalim kaming away ni Bianca, but this time, she threatened me saying that she'll do something against my family if I won't tell her the truth. I was threatened knowing how influential her family is," she explained. Naiintindihan ko naman na wala siyang ibang choice and I completely understand that she chose to choose her family over me. I would do the same if I was on her shoes.

"Ang sama talaga ni Bianca," ang tanging nasabi ko. I feel sorry na naipit si Elara sa amin ni Bianca. Kasalanan ko naman dahil hindi ako nag ingat.

"Halley, I didn't betrayed you," she said with a quivering lips. I tried to calm her down.

"It's fine. Hindi ako galit sa 'yo. Naiintindihan kita."

"Just tell me anything, how may I help you? Just tell me what can I do for you," she insisted.

Ngumiti ako at umiling. "Just stay away from me. My life is in danger at 'pag nalaman nila na tinutulungan mo 'ko, manganganib ka rin," saad ko. Ayoko na magaya pa siya kay Rigel. Ayoko na na may madamay pang ibang tao.

Parted by Galaxies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon