CHAPTER 31: Once In a Lifetime Favor

54 7 3
                                    

Sunod-sunod na putukan at pagsabog ang narinig ko. Mahigpit akong niyakap ni Rigel kahit na maging sila ay hindi na rin kumportable sa mangyayari. Mabilis na inilabas ni Venus ang baril niya at dumungaw sa bintana ng sasakyan para paulanan ng bala ang nasa likod namin na patuloy na humahabol sa amin.

"Huwag kang masyadong malikot!" sigaw naman ni Gravity na inis na dahil nagiging unbalance ang sasakyan dahil sa ginagawa ni Venus.

Muling pumasok si Venus para palitan ng magazine ang baril na hawak. "Shut up, Grav, just drive," she said and shoot again.

"Just sleep, Halley. Take a rest. Pag-gising mo, nasa headquarters na tayo," saad ni Rigel. He really expects me to sleep in this  kind of situation. Isinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya habang yakap ako.

Isang malakas na pagsabog muli ang narinig ko. Buti na lang ang mukhang gubat ang nasa baba namin at hindi ang syudad kaya walang ibang taong nadadamay sa engkwentrong ito.

"695's car was just explode," saad ni Venus nang maka-pasok ulit. Malakas na napa-hampas naman si Gravity sa manibela at napasabunot sa buhok niya.

I suddenly feel guilty. Kasalanan ko lahat ng  ito, lahat ng namatay at naapektuhan ay dahil sakin. "Sorry," tanging nasambit ko. Nahihiya ako sa kanila.

Nakita ko ang pagsulyap sa akin ni Venus mula sa rear view mirror. "It's our duty," simpleng saad niya bago muling ikasa ang baril niya.

Ibinaba ko ang tingin ko.

"It's not your fault, Halley," rinig kong sabi ni Rigel na mas hinigpitan ang hawak sa akin. "It's me. Hindi ko nagawa ang misyon ko na protektahan ka," saad niya. Napatingala na lang ako sa kaniya at tinignan siya sa mata.

Naalala ko pa rin ang pagiging malamig niya sa akin noong huling beses kaming .magkita. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging pakikitungo niya sa akin pero hindi na 'yon mahalaga. Ang mahalaga ay kasama ko siya ngayon at ligtas siya.

Hindi ko alam kung bakit kailangang umabot sa ganito. Ang daming nasasakripisyong buhay dahil sa mga nangyayari sa 'kin.

"Gravity!!" halos mabingi ako sa biglang pagtama ng kung ano sa sasakyan namin. Mabilis na napa-pasok si Venus sa loob, kasunod noon ay gumewang-gewang na ang sinasakyan namin. "Bakit hindi ka kasi umiwas!" bulyaw pa ni Venus habang mahigpit na naka-kapit. Mahigpit din naman ang napa-kapit kay Rigel.

"Malay ko ba?! Ikaw ang nasa labas d'yan e!" depensa ni Gravity habang sinisikap na muling balansehin ang sasakyan.

"Landing!" saad ni Venus nang mapagtanto na hindi na kayang muling ibalik sa normal ang sinasakyan namin.

Walang choice si Gravity kundi ang ilapag ang sasakyan saanmang parte ng kagubatan niya ito mailapag. Naramdaman ko ang marahas na pagbagsak namin sa lupa. Umusok din ang sasakyan pero hindi agad kami naka-kilos para lumabas. Sandali kaming nanatili sa ganoong kalagayan hanggang sa magsalita si Venus.

"Move, we need to come out," buong lakas na saad nito kahit na sugatan na rin.

Marahan kong binuksan ang mata ko at laking gulat ko nang tumambad sa akin ang pamilyar na lugar, pamilyar na gusali na may kalayuan sa amin pero natatanaw ko pa rin.

Aurora High.

Doon ko narealize kung gaano kalaki ang kagubayang ito. Nasa likod kami ngayon ng Aurora High. Ibig sabihin, nasa likod ng Aurora High ang isang malawak na kagubatan tungo sa isang tangong laboratoryo.

Naunang lumabas sa akin si Rigel para alalayan ako palabas. Nasa labas na rin si Venus at Gravity.

"Can you walk?" tanong ni Rigel, halata anh pagaalala sa boses. Tipid ko siyang nginitian at tumango. Inalalayan pa rin niya ako.

Parted by Galaxies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon