CHAPTER 25: Let Me Stay

26 8 0
                                    

Nakatitig ako sa kisame, iniisip pa rin ang mga sinabi ni Rigel kanina. Hindi ko namalayan ang sarili ko na nakangiti na pala ako habang inaalala ang mga sinabi ni Rigel kanina. Hawak ko pa rin 'yong prutas na kung ikukumpara sa prutas sa Earth, para itong mansanas.

Rigel is really sweet on his own way. Isa 'yon sa mga nagustuhan ko sa kaniya. Hindi kailangan ng pick-up lines para pakiligin ka. Mas authentic. Pero kung anuman 'yong nararamdaman namin sa isa't isa, alam ko na hindi puwede 'yon. Mahirap na. Ayokong umasa na puwedeng maging kami sa huli gayong alam ko na mag kakahiwalay din kami. Imposible.

Gustong-gusto ko nang matapos lahat ng 'to. Gusto ko nang makabalik sa mundo ko pero kapag iniisip ko ang mga taong naging malapit na sa akin na maiiwan ko sa mundong 'to, hindi ko maiwasang malungkot.

Halos mapatayo ako nang marinig ang isang malakas na kalampag na umalingawngaw sa buong bahay. Sa wari ko'y galing 'yon sa baba. Tuluyan akong tumayo. Wala naman akong narinig na kahit ano bukod doon. Wala ring ingay mula sa mga kasama ko ang narinig ko.

Na-alarma ako at marahang lumabas ng kuwartong tinutuluyan ko. Pigil ang hiningang tinahak ko ang daan palabas. Hangga't maari'y ayokong gumawa ng anumang ingay. Pigil din ang bawat pag hinga ko. Pero halos mapasigaw ako nang makita ang isang nilalang na muntik ko nang maapakan. Ngunit bago pa kumawala ang sigaw na 'yon ay isang kamay ang tumakip sa bibig ko.

Alam ko na agad kung sino 'yon kaya hindi ko na nilingon. Naiwan nalang ang paningin ko sa nilalang na muntik ko nang maapakan. Para siyang jelly na may mata.

Gusto ko sanang itanong kay Rigel kung ano ang bagay na 'yon pero hindi niya tinatanggal ang kamay niya sa bibig ko. Ayaw yata akong pag salitain. Napansin ko naman na parang balisa siya at lilingon-lingon sa paligid.

"Rigelbsbwwiaaiajnzk," hindi ko na rin naintindihan ang sinabi ko dahil hindi ko nakapag salita ng maayos, pero sa tingin ki naman ay naintindihan niya.

"That's my pet," he said and hinila ako pabalik tungo sa isang kuwarto. Pet ba 'yon?!

Bago pa man kami makapasok sa kuwartong 'yon ay narinig ko ang usapan ng ilang tao sa baba.

"We have a permission to search for--" bago isara ni Rigel ang pinto.

Tinanggal ni Rigel ang kamay niya sa bibig ko. Nag habol pa ako ng hininga at naguguluhang tinignan siya na ngayon ay lumapit sa isang drawer. Sa palagay ko ay kwarto niya ito.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid bago muling ibalik kay Rigel and my jaw literally drop as I saw him holding a... "Gun exist?!" hindi makapaniwalang tanong ko.  Well, hindi na ako mag tataka. 'Yung traquilizer gun nga e. Baka mamaya may machine gun pa rito ha.

"It's not just a gun," he replied. Oh, kita mo na? Sabi ko na e, hindi pangkaraniwan ang mga gamit dito.

Itinabi niya 'yon sa suot niyang coat, lumapit sa 'kin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Seryoso niya rin akong tinignan kaya naman naramdaman ko ang pagiging kritikal ng kalagayan namin ngayon.

"Listen to me, Halley, they're here," he said. Agad naman akong nilamon ng kaba dahil sa nalaman. Ang mga taong nasa baba, ako ang hinahanap nila. "We need to escape so hold my hand and try not to disappear like what happened last time, do you copy?"

Natigilan ako nang maalala ang sinabi sa akin ni Antlia. Ito na ba 'yon? Ito na 'yung kinatatakutan niya na maaring may masamang mangyari kay Rigel dahil sa pag tulong niya sa 'kin? Then I must do something.

"Halley--"

"Rigel," 'yon pa lang ang nasasabi ko pero pakiramdam ko e naiiyak na 'ko.

"Halley, wala na tayong oras."

Parted by Galaxies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon