Iminulat ko ang mata ko at ang puting kisame ang bumungad sa akin. Bahagya pa akong nasilaw sa kakaibang liwanag sa lugar na ito. Hindi ako sanay. Pilit ko pa ring iniikot ang paningin ko sa paligid para malaman kung nasaan ako. Pilit akong tumayo mula sa pagkakahiga at doon ko naramdaman ang matinding sakit ng ulo. Parang binibiyak.
"Arrghh!" sigaw ko sa matinding sakit. Napahawak ako sa ulo ko at doon naramdaman ang benda na nakapaikot dito. Naramdaman ko na nabanat ang dextrose na naka-kabit sa kamay ko kaya bumaling ako rito.
Tinitigan ko ito, ang pagkakatusok nito sa ugat ko, at ang likidong dumadaloy dito. Unti-unting bumalik sa akin ang lahat. Ang mga ala-ala ko sa laboratory, sa mundong 'yon, sa lahat. Naramdaman ko ang likido na kusang tumulo mula sa mata ko.
Gayunpaman ay isang tanong ang namuo sa isipan ko.
Panaginip lang ba ang lahat ng iyon? Kung gano'n ano'ng nangyari sa 'kin? Bakit ako nandito?
Kung panaginip lang ang lahat ng 'yon, bakit ang sakit tuwing naa-alala ko? Bakit ganoon na lang ang kirot na nararamdaman ko? Kung panaginip lang ang lahat ng 'yon, bakit ako lumuluha ngayon?
Sinubukan kong kumilos at tumayo gamit ang stand ng dextrose ko bilang alalay pero natigilan ako nang maramdaman ang literal na kirot sa dibdib ko, sa bahagi ng brasong ginamit ko pagtayo.
Agad na napahawak ako doon at doon ko nakita ang bandage sa baba ng collar bone ko. May sugat ako sa parte na 'yon... pero saan ko naman 'yon nakuha--
"Callisto, request for a back up!"
"Rigel..."
"Don't talk..."
"Gravity, can't you drive faster?!"
Muli akong napahawak sa ulo ko nang marinig ang mga katagang 'yon. Paulit-ulit ito sa loob ng utak ko at pakiramdam ko ay sasabog ito.
"That was just a dream, Halley," I said, trying to convince myself pero kahit anong gawin ko ay paulit-ulit ang mga bagay na 'yon sa isip ko. "That was just a dream. Everything was just a dream, please Halley—aaarghh!"
Napasabunot na lang ako sa sarili ko. Bakit ganoon ang epekto sa akin ng panaginip na 'yon? Bakit pakiramdam ko may kulang sa akin? Bakit?!
Rigel, are you real?
Did I just left you?
Napahagulgol na lang ako dahil sa nga nararamdaman ko ngayon. If he was real, then, he was hurt. Sana hindi na lang siya totoo. Sana nga panaginip na lang siya at ang mundo niya para kahit paano ay hindi ako masaktan. Para hindi siya masaktan... kasi wala namang siya. Walang Rigel, walang Precilla.
"Halley?" I heard my Mom's voice but I didn't look at her. "Baby, why are you crying, are you alright?!" nag aalalang tanong niya pero hindi man lang ako maka-sagot.
Naramdaman ko na lang na niyakap ni Mommy at dahil doon kahit paano'y gumaan ang pakiramdam ko.
"I'm here, just take a rest, darling."
"Don't talk, just take a rest, everything will be fine."
The voice of that man keeps playing inside my head. Kahit saan ako tumingin, kahit ano'ng pakinggan ko, siya ang naaalala ko. Lumipas ang mga araw ay nanatili ako sa pagiging walang-imik. Ilang beses na may pumuntang pulis dito para tanongin ako sa nangyari sa akin at dahil doon, unti-unti kong napapatunayan na totoo ang lahat.
"Halley, anak, are you ready?" Mom asked matapos kong ligpitin ang mga gamit ko. She just said na aalis na raw kami pero hindi ko naman alam kung saan pupunta. "We'll gonna transfer you sa hospital sa Manila. Mas malapit sa mga kaibigan mo para madalaw ka na nila. Mas mapapagaling ka roon," saad niya at ngumiti. "I'll just settle the payments."
BINABASA MO ANG
Parted by Galaxies (Completed)
Science FictionA girl who loves to read books about constellation science, and is very fascinated about the mystery of the universe. During their educational tour about the environment she accidentally fell into a hole, a dimension that leads to the other planet...