CHAPTER 8: M31

24 6 0
                                    

"And,  that's it!" masayang saad niya na humarap pa sa akin. Para bang hindi siya napagod sa ginawa niyang pag to-tour sa 'kin sa buong campus.  Grabe sobrang nakakapagod kaya,  ang laki-laki pala nang buong Aurora High.

Tinignan ko lang siya na ngayon ay tinitignan ang relo niya.

"Halley,  gusto mo na bumalik na muna sa dorm?  Kasi may duty na ako na kailangang gawin e," she finally stated,  napaisip naman ako na kung babalik ako sa dorm,  magbubulok lang ako doon.  Ayoko naman na sumama sa kaniya dahil baka private 'yong duty niya,  ayoko rin na mag stay sa stock room dahil nando'n si Madame Dzvezda. Mabait naman siya pero naka-develop na yata ako nang takot sa kaniya. 

"No, you go.  May pupuntahan lang ako,  k-kung okay lang?" I badly want to go to the library na nadaanan namin kanina. Malaki 'yung library nila at sigudado ako na madaming libro doon.  Para maiba naman ang nababasa ko dahil nasa ibang planeta din ako.  Hays,  unti-unti ko na yatang nagatanggap ang katotohanan na 'yon.

Napalunok nang sumeryoso siya,  "Are you sure?" she asked and hold my hands, medyo nagulat pa ako sa lamig nang kamay niya pero nasanay din agad.  "Halley,  mag iingat ka,  delikadong malaman nang kahit na sino, lalo na nang school principal ang pagkatao mo,  ang kung sino ka talaga at kung saan ka nang galing," agad naman na dumaloy ang kaba sa sistema ko dahil sa sinabi niya. 

"Mag iingat ako,  promise," sagot ko kahit na hindi sigurado kung makakapag ingat nga ako. 

Tumingin siya sa paligid bago bahagyang lumapit sa akin na para bang may sasabihing hindi puwedeng marinig nang kahit na sino. 

"Copy this," sumeryoso ako dahil sa seryoso rin siya. "Never let them see your eyes,  don't remove your contact lens, okay?" she said napalunok naman ako.  "Don't remove your glasses, baka mag taka sila sa hitsura nang mata mo at higit sa lahat, Halley.  NEVER let them see your blood.  Don't get cut,  bruises or wounds that can lead to bleeding. Do you understand?"

Madiin ang bawat linya na binitawan niya na para bang napakahalaga nang mga 'yon,  napatango naman ako bilang pag sang-ayon.  "Copy that," I said, she nodded and looked at me once before leaving. 

I sigh and shook my head bago mag lakad patungong library. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi niya,  dapat siguro ilista ko 'yon sa mga palad ko. 

I almost drop my jaw as i entered the library. This is three times bigger than the library of Antinero High,  this is really huge! 

As usual tahimik ang library, maraming estudyante rin ang tahimik na nag babasa at nag aaral.  May iba't-ibang klase nang libro pero kapansin-pansin ang pinaka marami.  Books about science and astronomy.  'Yon ang pinaka madami. Hindi naman nakakapag taka dahil ng ang school na 'to ay para sa mga ganoong bagay. 

Pumunta ako sa science section, namangha ako sa dami nang libro na nakapaligid sa 'kin. Pakiramdam ko ay nag puso-puso ang mata ko dahil sa mga 'yon.  Ini-scan ko ang bawat libro na nakasalansan sa book shelves, kakaiba ang mga title at topic. Madalang ang pamilyar na paksa sa 'kin. 

Sa kalagitnaan ay natigil ako, kusa rin namang tumigil ang kamay ko sa pag daus-os sa mga libro, natigil ito sa libro na sobrang pamilyar sa 'kin. Para bang nakita ko na ito kailan lang. 

Kinuha ko naman 'yon at binasa ang title.

'M31'

M31, that means Messier 31 right?  Yeah i remember! Pero bakit sobrang pamilyar sa 'kin nang libro na 'to?  Para bang nakita ko na 'to sa kung saan.  Hindi ko talaga maalala.

Nakita ko din ang files tungkol sa M31—sa office ni Daddy. Kagaya nang alam ko,  M31 is the other name for Andromeda Galaxy. It was called Messier 31 because the said galaxy was discovered by Charles Messier.

Parted by Galaxies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon