CHAPTER 15: Dahon

22 5 2
                                    

"Your eyes were swollen, who made you cry?" he repeated when I refuse to answer. Humarap ako sa kaniya at tinignan siya diretso sa mata.

I sigh, and walk towards him. Hindi ko alam kung ano ang naisip ko, isinandal ko nalang ang ulo ko sa dibdib niya at inilabas ang sakit na nararamdaman ko. Hindi naman siya nag react, hindi rin siya gumalaw, he just let me.

Ilang sandali kaming tumagal sa ganoong posisyon, pagkatapos noon ay inayos ko ang sarili ko at umalis nang hindi man lang siya tinitignan. Hindi na naman siya humabol sa akin o tinawag ako. Dumiretso na ako sa dorm kung saan hindi ko inaasahan na madadatnan si Estrell. Usually e gabing-gabi na siya kung umuwi.

"Ang aga mo," simpleng bati ko sa kaniya at saka dumiretso sa kama ko para isalampak ang sarili ko roon at manalangin na sana ay hindi ako ipahamak ni Elara.

"I witnessed everything, Halley," napamulat ako nang marinig ang sinabing 'yon ni Estrell. Napakunok nalang ako at umayos nang higa para harapin ang kisame.

"Estrell, why is it hard?-I mean, I didn't wanna be here at first place, and now, all I want is to leave and to live. All I want is to go back home," saad ko habang pilit binubuo ang boses ko, sinisikap na huwag ipahalatang naiiyak na 'ko.

"You need to build up yourself, Halley, nandito kami. Kung gusto mong mabuhay kailangan mong lumaban. Don't worry, Madame Dzvezda and Rigel are doing their best to get you out of here," she said. Umupo siya sa tabi ng kama ko, agad naman akong umupo at tumingin sa kaniya.

"Why are you, guys, doing this?" I asked out of my curiosity. Masyado silang ma-effort para ibalik ako sa mundo ko. Hindi kaya may hihingin silang kapalit pagkatapos ng lahat ng pagtulong nila?

Nag iwas ng tingin si Estrell at bumuntong-hininga bago mag salita. "You weren't the only one," she started. Tumayo siya at humarap sa bintana.

"What do you mean?" I asked.

"It was 10 years ago," mas lalo akong naguluhan, ang daming paligoy-ligoy ni Estrell.

"Please be straight forward," medyo atat na akong malaman. Pakiramdam ko kasi ay napakahalaga niyon at makakatulong ang bagay na 'yon para mas maunawaan ko ang lahat ng nangyayaring ito.

"218."

"Is it me, or was it Madame Dzvezda's late best friend?" we're both 218, you know?

"Raquel 218," doon ko mas naunawaan na ang tinutukoy niya ay ang malamang na yumaong kaibigan ni Madame Dzvezda.

"What about her?"

"She's just like you. Galing din siya sa planeta, at galaksing pinagmulan mo. I was there that time, I know her, I saw her, and I witnessed everything," mas lalo akong na-curious nang malaman ko na galing din siya sa Earth.

So ito ang ibig nilang sabihin tungkol sa 10 years ago? Hindi pala ako ang nakauna-unahang taga-Earth na napunta dito.

"What happened to her?"

"The PAA agents, the Government, and scientists form all countries of this planet chased her."

"I thought she disappeared?" she told me last time about it. Humarap sa akin si Estrella at seryoso akong tinignan na para bang sinasabi sa akin na kailangan kong makinig nang mabuti sa sasabihin niya.

"May dalawang paraan lang para makabalik sa planetang pinanggalingan mo. Sending you back to your world using space ships is unquestionably impossible, it's too far. Therefore, it's either using same method you used-through black hole, or letting the galaxy take you back, disappearing. "

Parted by Galaxies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon