CHAPTER 19: Aurorians Night

20 7 0
                                    

Kaba, excitement at lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Halo-halong emosyon dahil ngayong gabi na mag sisimula ang Aurorian's night. Ngayong gabi na rin ako makakabalik sa earth.

"Are you sure you doesn't want to wear this?" Estrella asked about the saturn clip Vin had gave me. That thing used to be very special to me way back then pero ngayon, wala na ang pakiramdam na 'yun. Suddenly.

I smile and shook my head. Si Estrell ang nag ayos sa 'kin ngayon. Hindi ko alam kung ano pa ba ang hindi niya kayang gawin. I did my make up since marunong naman ako, and she did my hair.

I'm wearing the royal blue dress, this is cute. I really love the color.

"Hindi ka ba talaga puwedeng sumama?" nakangusong tanong ko. Sabi niya kasi e hindi raw siya kasali sa ball kaya nga may time siya na ayusan ako sa halip na sarili niya ang ayusan niya. Natatakot akong mag-isa sa gitna ng mga taong 'yon. Wala akong kasama, 'di bale sana kung close pa rin kami ni Elara, kahit sana pa'no e may makakausap ako. Kumusta na kaya siya? Ilan lang silang maging kaibigan ko sa mundong 'to tapos nawala pa siya.

"Don't worry, I'll be there. Babantayan kita. Puwede naman akong pumasok from the backstage since kailangan ng stand by sa medics kung sakaling may masaktan," paliwanag niya. "Isa pa, nandoon naman si Rigel kaya hindi ako nag-aalala, saglit lang naman kayo do'n at pagkatapos mong mag sign ng attendance, palihim tayong aalis, para maihatid ka na namin... pauwi."

Bakas sa boses niya ang lungkot sa nga huling katagang binitawan niya. Kahit naman ako, malungkot ako na kailangan kong mapalayo sa kaniya, sa kanila, lalo na kay Rigel. Kahit paano ay napalapit na rin ako sa kanila.

"I'm sorry for leaving," I said though I know that I should leave and I don't have to be sorry for going back home.

Bahagyang natawa si Estrell, "Sorry for leaving? Halley, you know you should go back."

"Yeah, but still, I'll miss you. Kayo," saad ko at pinutol na 'yon doon.

"Kami nila?" tinaasan niya ako ng kilay. Halata naman sa boses niya na inaasar niya ako at alam ko kung ano'ng ibig niyang sabihin.

"Kayo basta," saad ko at napaiwas ng tingin. Naramdaman ko naman ang pag-init ng pisnge ko dahil sa pag aasar niya.

"Halley, do you like Mr. Student Faculty President?" nagulat ako sa diretsong tanong niya. Kakaiba ang naging epekto sa akin ng tanong na 'yon.

"A-ano ba, Estrell. Let's be serious," pilit ang tawang pinakawalan ko. The question really made me feel uncomfortable.

"I'm serious, Halley. Rigel is nice though. Maraming may crush sa kaniya sa campus. Isa na ro'n 'yung malditang si Bianca. Remeber Astrid, my friend at the coffee house?" tanong niya at natawa. "head over heels siya kay Rigel." Humalakhak siya.

Mas lalo ang naging uncomfortable sa mga sinasabi niya. Pakiramdam ko tuloy, ang liit ko kumpara kay Rigel.

"There's no sense of liking him, aalis na rin naman ako. We can't be together so I better protect myself from the possible pain. I'm afraid of hearbreaks, really." I looked at her and give her a simple smile.

"Tsk, sayang," saad niya at iniwanan ako sandali para kunin ang kung ano.

I, again, looked at myself at the mirror. Ilang sandali nalang, malapit na pero hindi ko makita. Bakit ganoon? Natatakot ako, natatakot ako na hindi mag fall ang lahat base sa expectations ko.

Sandali akong sumulyap sa balcony kung saan tanaw ang unang buwan. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong oras ng paglabas ng ikalawang buwan ng Precilla. 'Yun kasi ang magiging senyales na kailangan na naming umalis dahil siguradong sa pagkakataong 'yon, bukas na ang portal.

Parted by Galaxies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon