Tulala akong lumabas ng kwartong 'yon, kasama ko si 540 na inutusan ni Madame Dzvezda na ilibot ako sa buong campus. Ngayon ko lang napag tanto na nasa eskwelahan pala ako, at ang lugar kung saan naka-stay si Madame Dzvezda ay ang stock room.
"This is Aurora High, Halley, you'll be studying here," saad niya, hindi naman ako sumagot at tinignan lang ang paligid, hindi nga ako color-blind. Violet nga ang buong paligid kagaya ng nakita ko kanina. Unti-unti na 'kong naniniwala na nasa ibang planeta nga ako.
"'Yung building na pinanggalingan natin, 'yun ang girl's dormitory, katabi noon ang stock room ni Madame Dzvezda. She's one of the school admins. Matagal na siyang nag seserbisyo sa Aurora High," paliwanag niya na halos wala naman akong naintindihan. Walang pumapasok na kahit ano sa utak ko.
"That was the main building, nandoon 'yung mga rooms. From grade school to college. Nandoon sa gitna 'yung magiging building mo since enrolled ka nang senior high," dagdag pa niya pero hindi ako sumagot. "Hey, are you listening?"
"Yeah," I said, tumango naman siya.
"Are you really From Milky way? That's really far," she asked after a long talk about their school.
I nodded, "Andromeda is the nearest galaxy from Milkyway, we're neighbors,"I answered in a monotone.
"Yeah indeed. Ano hitsura nang planeta niyo? Curious lang ako," saad niya, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga mangyayari ngayon. In denial pa ako na makakarating ako sa lugar na 'to.
Humarap ako sa kaniya.
"Am I really at Andromeda? Please be honest with me. Huwag niyo na 'kong i-good time sige na," I said hoping for 'Issa prank!' line that I used to hear in YouTube.
She looked at me sincerely. "No one's fooling you, Halley. Look around, sigurado ako na malaki ang pinagkaiba ng Precilla sa sinasabi mong Earth. Ikaw lang ang makakasagot ng sarili mong tanong pero I assure you, nasa Andromeda ka," she explained. Tama nga siya, malaki ang pinag kaiba ng Precilla sa Earth, doon palang ay alam ko na na nasa ibang lugar ako.
"Okay, so, paano ako nakarating dito?" tanong kong muli, i was hoping for an answer but she shrugged.
"Ikaw lang din ang makakasagot niyan, paano ka nga ba naputa dito?" tanong niya, hindi naman ako nakasagot. "We need to know it para alam namin kung paano ka ibabalik," saad pa niya.
"I actually don't exactly know. Ang alam ko lang e nag tour kami sa isang forest, I'm with my friends and classmates. I think I fell onto something and I just found myself here," napatango naman siya.
"You should tell that to Madame Dzvezda and Rigel—I mean 204," saad niya at muling tumingin sa nilalakaran namin. Napangiwi nalang ako, tanong ng tanong 'di naman pala masasagot.
"By the way, I'll just bring your schedule mamaya sa dorm, bago palang naman nag s-start 'yung klase so 'di ka pa late," sabi niya at pinag patuloy ang pag le-lecture sa 'kin tungkol sa school nila.
"Aurora High is a special school para sa mga future astronomers. Syempre technology din, science, math, engineer, computers and so on. Walang astronomers kung walang technology so mahalaga rin 'yon dito. Bukod doon ay may pipiliin ka na isang special subject para kung sakaling hindi ka palarin na makapasok sa PAA (Precilla Astronomical Association) mayro'n ka pa ring ibang choice na trabaho."
Kung gano'n ay lahat pala nang nag aaral dito ay nangangarap nag trabaho sa NASA—este sa PAA na sinasabi niya. Lahat sila ay future astronomers. Pero bakit may gano'n? Ang OA naman masyado kung 'yung buong school ay para sa mga future astronomers.
BINABASA MO ANG
Parted by Galaxies (Completed)
Science FictionA girl who loves to read books about constellation science, and is very fascinated about the mystery of the universe. During their educational tour about the environment she accidentally fell into a hole, a dimension that leads to the other planet...