"Talaga?!" gulat si Lyra sa kwento ko. Napatili pa siya at pinag hahampas ako kaya naman umiwas ako at pilit na pinakalma siya.
"Lyra, huwag ka ngang maingay, baka dumating si Vin," saway ko at tinignan pa ang door way dahil baka mamaya e pumasok si Vin. Sa halip na si Vin ang makita e si Ma'am Christina ang pumasok.
Na-magnet naman sa upuan ang mga kaklase ko na ang hilig mangapit-bahay. Isa na roon so Lyra na nang mamadaling bumalik sa upuan.
"Good morning Grade 12 Uranus," bati ni Ma'am Christina. Nag focus naman ang lahat dahil mukhang may mahalagang announcement siya para pumunta sa amin kahit na hindi naman niya time.
"Our upcoming educational trip will be held by next week. Kagaya nung nakaraan ay gano'n pa rin. Walang hihiwalay sa section, walang gagawa ng kalokohan and please do bring the following;" Kumuha pa ako ng ballpen para ilista ang dadalhin.
"Sir Apollo will be in charge this year, kung may questions pa kayo, nasa faculty lang ako. Yna will distribute the parent's permit." Anunsyo pa niya, pagkalabas e nag kaingay nanaman ang mga kaklase ko.
Ipinamigay ni Yna, ang class president namin 'yung mga permit. Nakalagay na roon pati mga itinerary namin.
"Mysterious forest? Pfftt!" Napatingin ako kay Lyra na hindi naman gaanong malayo sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya natatawa sa mysterious forest.
Lumapit siya sa'kin.
"Oy Halley, bet mo 'yung mga forest-forest?" tanong niya, hindi ko nanaman siya sinagot, humalakhak siya kaya naman napairap ako.
"Mas bet ko kung babalik ka sa upuan mo at hahayaan mo 'kong makapagbasa nang payapa," saad ko at humarap ngayon sa libro ko, nakita ko na siniringan niya ako pero nag kibit-balikat nalang ako.
"Gara ni girl, palibhasa may love life ha!" pang-aasar niya pa na tinawanan naman ng iba kong kaklase. Natawa nalang din ako, ayokong patulan ang boredom ni Lyra.
Umalis na siya at muli kong tinignan 'yung permit. Mysterious forest? Ano naman ang mysterious doon? Lahat naman ng kagubatan madaming misteryo na tinatago, pero wala nang mas hihigit pa sa misteryo ng kalawakan.
Mabilis lang na lumipas ang mga araw, tuloy si Vin sa panliligaw niya sa akin. Halata naman na seryoso talaga siya, ako rin naman. Dapat talaga na seryoso ang ganitong mga bagay, para sa akin hindi pwede ang trial and error pag dating sa pag hanap ng partner.
Ang seryoso ko.
To be honest I have no any idea about love, those things aren't really on my vocabulary. I love reading books but romance isn't my genre. I don't really like fiction.
"Take care honey," Mom kissed me on my forehead, "Drive safely, Vin." Bumaling siya kay Vin na nasa likod ko. Kinuha niya ang gamit ko para dalhin sa sasakyan.
Papunta kami sa school, nandoon 'yung bus na sasakyan namin. Normal na na nag kuwentuhan lang kami ni Vin tungkol sa mga bagay-bagay, sandali lang din at nakarating na kami sa school.
Binati ako ng ilang kakilala at syempre, si Lyra na nag pilit na kami raw ang tabi sa bus kahit na napag usapan na namin ni Vin na kaming dalawa ang magtatabi.
"Lyra, mag hanap ka nalang ng katabi mo," saad ni Vin na inaasar si Lyra. Inirapan siya ni Lyra kaya naman natawa si Vin.
"Tumabi ka nalang doon kay Damian, best friend naman kayo, tapos kami ni Halley kase best friend kami!" patungkol niya pa doon sa isa naming kaklase na nasa 'di kalayuan.
BINABASA MO ANG
Parted by Galaxies (Completed)
Science FictionA girl who loves to read books about constellation science, and is very fascinated about the mystery of the universe. During their educational tour about the environment she accidentally fell into a hole, a dimension that leads to the other planet...