CHAPTER 4: Andromeda Galaxy

40 5 1
                                    

I inhale hardly as I opened my eyes. Ang bigat ng pakiramdam, ang bilis ng tibok ng puso para ba itong huminto sa pag tibok at bumalik sa buhay. Matapos i-stable ang paghinga ko ay bumangon ako.

Naramdaman ko ang matinding sakit ng ulo, nang medyo mawala wala ito ay ini-scan ko ang paligid. Pilit kong in-analyze sa isip ko kung ano ang nangyari.

NASA'N AKO?! 

Naalala ko na nahulog ako sa hukay tapos matapos maramdaman ang kakaibang pakiramdam ay nawalan ako ng malay and i suddenly found myself here.

Nasa gubat pa din ako, pero kakaiba ang pakiramdam ko sa lugar na ito, tila may hindi tama. Pakiramdam ko ay sinusuka ng sistema ko ang kinalalagyan ko.  Kakaiba ang tibok ng puso ko,  pakiramdam ko ay hindi ako normal.  Pakiramdam ko ay hindi ako tanggap ng lugar na 'to. 

Hindi ko gaanong mapansin ang paligid dahil sa dilim. Madilim na rin ang kalangitan at siguradong gabi na.  Gaano ba ako katagal na nakatulog? 

Tumayo ako at patuloy na nangapa sa dilim. "Siguradong naiwan na nila ako, ano ba kasing nangyari?!" bulong ko sa sarili ko habang mangiyak-ngiyak na nagmamasid sa paligid.

Tinignan ko ang pinanggalingan ko,  ang alam ko ay nahulog ako sa hukay,  pero bakit ganoon?  Bakit wala namang hukay dito?  Paano ako nakaalis? 

Ang daming tanong sa isip ko na hindi ko na hinanapan ng kasagutan ngayon,  ang mahalaga ay makahabol ako sa kanila. 

"Uuwi ba talaga sila nang hindi ako kasama?  Hindi naman 'yon gagawin ni Vin at ni Lyra, hindi nila ako iiwan," mangiyak-ngiyak na bulong ko sa sarili.  Hindi naman ako pwedeng iwan ni Sir Apollo.  Lagot siya! 

Kaya sigurado ako na nandito pa sila,  malamang ay hinahanap rin nila ako. 

"Sir Apollooo!  Viiin?! Lyraaa nasan ka kayoo?!" malakas na sigaw ko pero lumalabas na ang hina ng boses ko.  Bakit ganoon?  Bakit ang hirap mag salita?

Paulit-ulit kong isinigaw ang pangalan nila,  kahit na nahihirapan ako.  Paulit-ulit pero walang sumagot. 

Nagsimula akong maglakad lakad sa paligid, tanging liwanag lang na nag mumula sa buwan ang nagbibigay liwanag sa daan ko.

Teka.

Natigilan ako at muling tinignan ang kalangitan.

Tama ba ang nakikita ko?  Dalawang Buwan?  As in, dalawa? 

Kinusot ko pa ang mata ko at tsaka muli itong tinignan ngunit walang nag bago. Mas lalo akong kinikabutan. 

Naalis ang atensyon ko sa buwan nang may marinig na kaluskos sa paligid, hindi ako nag salita at nanatiling tahimik. Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ang nasa paligid, kailangan ko munang masigurado na harmless siya.

Nagtago ako sa likod ng isang malaking puno at patuloy na nagmasid sa paligid. Nagulat ako nang may biglang humablot sa aking braso at hinila ako patakbo. Wala akong choice kung umalinsabay sa kaniya dahil sa higpit ng pagkakakapit niya. 

Tumingin ako lalaking humihila sa 'kin, mabilis siyang tumatakbo na hindi alintana ang dilim ng paligid na tila ba kabisado nya ito.

Lumingon ako sa likod at naaninag ko ang mga lalaking humahabol sa kaniya, natatakot ako na madamay kaya naman nagmadali rin ako sa pag takbo. 

Tumingin pa ako sa paligid na talagang kakaiba. Nagiging manipis ang pagkakakubli ng mga puno sa kalangitan habang lumalayo kami sa lugar kaya mas lalo kong nakumpirma na dalawa nga ang buwan. 

Napatingin ako sa iba pang bahagi nang kalangitan nang tuluyan itong tumambad sa akin. 

Napatakip ako nang bibig nang makita ang malaking bilog sa langit.  Para siyang saturn na may ring. 

Parted by Galaxies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon