Lumipas ang mga linggo nang pananatili ko sa Precilla at sa eskwelahan na 'to. Naging normal naman ang buhay ko. Wala pa ring nakakaalam ng sikreto ko, at buhay pa rin baman ako. Nagiging sanay na ako sa pagkain nila rito, maging sa pakikitungo sa mga tao. Hindi na rin ako masyadong ilang—though maingat pa rin—sa mga tao.
I just realized na ako nga ang alien dito. Hindi ko naman naisip na totoo pala ang theory na alien tayo sa ibang planeta. Grabe, universe is really mysterious. Kung makakabalik lang ako sa earth, papatunayan ko sa kanila na totoo ang lahat ng ito. Sir Apollo was right when he said that he firmly believe in it.
Sa mga nakalipas na araw ay madalang kong mapagkita si Rigel, hindi rin siya madalas sa klase namin. Hindi ko alam kung paano pumapasa 'yon nang pa gano'n gano'n lang. Tuwing mag kikita naman kami ay lagi siyang seryoso na para bang pasan niya ang buong Precilla. Maagang tatanda 'yon.
"Halley!" bati sa akin ni Estrell pag pasok ko sa stock room. Pinapunta niya ako dito para daanan 'yung P.E uniform ko. 'Yon kasi ang kailangan kong suotin para sa subject namin mamaya. Nakita ko na seryosong nag uusap si Madame Dzvezda at Rigel pero natigil din nang pumasok ako. Medyo nailang pa ako nang maramdaman ang mga tingin sa akin ni Rigel. Hindi ko alam kung galit ba siya at sa isip niya e isinusurrender na niya ako sa PAA.
"Late ka na ah," saad ni Estrell habang kinukuha 'yung P.E uniform ko.
"Okay lang, at least pumapasok pa rin," I replied. Hindi ko alam but I sounded like pinaparinggan ko si Rigel na hindi pumapasok for weeks na. Ano ba'ng pakialam ko? Siguro naiinggit lang ako kasi 'di ba, sana all hindi pumapasok.
"Tss," dinig kong utas ni Rigel kaya naman napatingin ako sa kaniya. Hindi ko alam kung kailan ako nag simulang mainis sa presensya niya. Wala naman siyang ginagawang masama, in fact tinutulungan pa nga niya ako. Grabe, wala akong utang na loob.
Natatawang ini-abot sa akin ni Estrell 'yung uniform, kinuha ko naman 'yon, siniringan muna si Rigel bago dumiretso sa C.R. para mag palit. Matapos noon ay lumabas na ako dahil ayokong mag tagal kasama siya, isa pa, late na rin naman ako sa class namin.
Masaya naman ako sa suot ko ngayon, mas kumportable dahil hanggang braso lang 'yong sleeve unlike nung standard uniform namin na patong-patong.
Nakarating ako room pero sumilip muna ako para tignan kung nasa loob na 'yung teacher namin. Personal subject ang una namin ngayon. Napangiwi nalang ako nang makita na nag sesermon si Sir, hindi nalang tulog ako pumasok dahil baka lalong magalit at late ako. Tambay nalang ako sa lib.
Papunta na sana ako ng library nang madaan ako sa corridor kung saan naka-post 'yung mga announcement. Nakita ko kung paanong magkagulo at ma excite 'yung mga estudyante na nakasilip doon.
Hindi ko makita 'yung announcement na tinitignan nila dahil sa maraming nakaharang at pantay-pantay kami pag dating sa height. Na miss ko tuloy 'yung mga panahong nasa Antinero high ako. Ako yata ang pinaka matangkad doon kaya kahit mag siksikan sila ay kita ko ang announcements.
Gladly napansin ako ni Elara na nakikipag siksikan din pala doon. "Oy Halley!" malakas na tawag niya sa akin dahilan para mapansin ako ng crowd. Lahat sila ay nag lingunan sa 'kin.
Lumapit sa 'kin si Elara at sumabit sa braso ko. Ngumiti siya sa 'kin at saka muling humarap sa mga tao. "Oy, magsi-alis na nga kayo riyan! Nakita n'yo na 'yan sige alis na, alis!" Unti-unti namang nag alisan 'yong mag estudyante. Ang iba ay natawa na lang ang iba naman ay nainis at nag bulungan. Ang lakas talaga ng loob niya.
Nahalata niya siguro na nag alala ako. Ngumiti siya. "Huwag kang mag alala, kaklase ko 'yung mga 'yon sa accountancy i got the highest rank among all of them!" masayang sabi niya. Kaya naman pala. Accountancy pala ang pinili niya para sa Personal Subject.
BINABASA MO ANG
Parted by Galaxies (Completed)
Science FictionA girl who loves to read books about constellation science, and is very fascinated about the mystery of the universe. During their educational tour about the environment she accidentally fell into a hole, a dimension that leads to the other planet...