Nilingon ko si Sol bago ako tuluyang sumama sa kanila. Ayokong iwan siya ro'n, ayoko na masayang effort nila na patakasin ako para lang sumama ako sa mga taong 'to. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya habang papalayo ang sasakyang sinasakyan ko.
Sorry, Sol, but I'm not doing this for nothing. I'm doing this with a purpose. At alam ko na magiging worth it ang lahat. Sana, makita kitang muli.
"I thought Raquel was the last one," natatawang saad ng babae. Sa tingin ko ay kaedad siya ni Madame Dzvezda. "Who would've thought na isang nilalang muli ang mapapadpad sa mundong 'to. Mas mahinang nilalang. I think, universe is on us this time." Tahimik lang ako kahit na iniinsulto nila ako. Nasa shotgun seat ang babae samantalang ako'y nasa likod, hawak ng dalawang lalaki sa magkabilang gilid ko.
"By the way, I'm Auriga. So, how's our planet? Which one is more beautiful?" nang aasar na tanong niya sa 'kin. Tinignan ko lang siya. Ngayon pa lang ay kinasusuklaman ko na ang hitsura niya. "Who do you think will won after the universal war?" dagdag pa niya.
I remain silent. Pinipigilan ko ang sarili ko na sagutin siya. Ayokong maging bastos hangga't maari. Pero may limitasyon din ako and I think, they're pushing me on to it.
"Of course, Precilla will," konklusyon niya at saka malakas na tumawa. Siya lang ang maingay sa loob ng sasakyan na ito.
Ilang sandali ko pang tiniis ang mga pang-aasar niya bago kami humito sa tapat ng isang malaking bulding.
"Baba!" naibalik ko ang sarili ko nang sigawan ako ng lalaki na kanina pa pala ako hinihintay bumaba. Labag man sa loob pero sumama pa rin ako sa kanila. Alam ko na delikado ang desisyon ko dahil hindi lang ako ang mapapahamak kundi pati na rin ang planetang pinag mulan ko. Pero I need to trust my self dahil sa pag kakataong 'to, walang ibang nandito para sa akin.
Tiningala ko ang taas ng building na nasa harap ko. Sobrang taas ng halos lahat ng nandito. Hindi ko na namalayan na nahila na pala ni ako papasok ng headquarters nila.
Tumungo na lang ako nang maramdaman ang mga titig nila sa akin. Hindi ko alam kung anong lugar 'tong pinagdalhan nila sa akin. Hospital ba 'to o ano? Wala akong ideya. Ang alam ko lang ay hindi ko gusto ang presensya ng mga pormal na taong nandito.
"Idiretso na siya sa taas," utos ni Auriga bago lumapit sa isa sa mga taong sumasalubong sa amin. Nilingon ko pa sila bago tuluyang pumasok sa elevator.
Sa ikalawang palapag ay puno naman ng kwarto. Para bang interrogation room sa mga palabas kung saan salamin lang ang nag sisilbing pader kung kaya posible sa akin na makita kung ano o sino ang nasa loob ng bawat kwarto. Karamihan naman ay bakante pero natigilan ako nang makita ang pamilyar na tao sa isa sa mga kwartong nadaanan namin.
Marahas nila akong itinulak papasok ng kwartong 'yon. Hindi ko na ininda pa ang sakit at nag focus na lang ang taong nasa harap ko.
"Rigel..." tawag ko. Nakaupo siya sa isang silya at nakapatong ang dalawang nakaposas na kamay sa lamesa. Nag angat siya ng tingin sa akin at doon ko nakita ang pagod sa mga mata niya. Maputla ito at marami pa ring halos. Para akong sinaksak sa kalagayan niya ngayon. Mabigat ang bawat hakbang na lumapit ako sa kaniya.
"Rigel--"
"Wow, a reunion," napalingon ako sa kapapasok lang na si Auriga. Mapang-asar ang mga ngiti niya habang tinitignan kaming dalawa. "Alam ni'yo, hindi ko alam kung ano'ng meron sa inyong dalawa pero kung ano man 'yon, sigurado akong magagamit ko 'yo--"
"There's nothing going on between us," Rigel coldly answer. Napalingon ako sa kaniya at nanuot sa akin ang sinabi niya.
There's nothing going on between us
BINABASA MO ANG
Parted by Galaxies (Completed)
Science FictionA girl who loves to read books about constellation science, and is very fascinated about the mystery of the universe. During their educational tour about the environment she accidentally fell into a hole, a dimension that leads to the other planet...