CHAPTER 14: Who Knows?

19 5 0
                                    

Bumaling pa sa akin si Bianca at tinignan ang kamay ko na nakahawak sa braso ko. I frowned trying to hide the nervousness that was very evident on my face.  Bianca's forehead creased and rolled her eyes before leaving.  What a relief. 

Bumaling ako kay Elara na ngayon ay napaiwas nalang nang tingin sa akin. Napakagat ako nang labi  iniisip kung nakita ba niya,  at kung oo nga,  paano ko ipapaliwanag sa kaniya?

"A-are you alright?" she asked, avoiding may gaze.  Ipinagtaka ko naman ang inasta niya. 

"Yeah.  I'll just,  go to the clinic," saad ko kahit na hindi naman talaga ako sa clinic pupunta kundi sa stock room.

"Do you want me to accompany you?"

"No,  I'm fine,  I can handle,  kumain ka na muna rito," saad ko at mabilis siyang iniwan para dalhin ang sugat ko kay Estrell.

Patakbong pumunta ako sa stock room kung nasaan sila Estrella at Madame Dzvezda.  Siguradong papagalitan nila ako dahil sa nangyaring ito.

"My goodness! What happened, Halley?!" nag aalalang tanong ni Estrell pagpasok na pagpasok ko sa room. Kinuha niya agad ang mga gamit niya nang makita niya ang hiwa sa aking braso. Hindi ko alam kung anong hiwaga meron ang keychain ni Bianca o sadyang matalas lang talaga.

Agad na lumabas si Madame Dzvezda mula sa office niya. Tinignan niya ang braso ko at hinayaan ko lang siya. "Mababaw lang 'to, pero it bleeds a lot. Sigurado ka bang walang nakakita?" Inalala ko ang lahat, natakpan ko na bago pa man makita ni Bianca pero si Elara hindi ko alam kung nakita niya.

Napalunok ako. "Si-sigurado ako na hindi nakita ni Bianca--"

"You mean 194?!" tanong ni Madame Dzvezda.

"Yeah."

"My goodness! You messed up with her?!"

"It's just happened! You know? But I'm sure she doesn't seen it. But I'm not sure about Elara," saad ko habang iniisip kung nakita nga ba ni Elara ang lahat. Base sa mga inasta niya kanina,  maaring nakita niya nga. I'm so stupid to leave her with that information. 

"Whoever Elara is that,  make sure that if she seen it,  she won't speak up because if she,  you're dead," mariing babala ni Madame Dzvezda.  Wala na akong nagawa kundi ang tumango,  tama siya,  dapat na mapigilan ko agad si Elara. Feeling ko kasi nakita niya talaga. 

Umalis na si Madame Dzvezda,  bumalik na rin si Estrell sa ginagawa matapos gamutin ang sugat ko.  Tumayo na rin ako para makaalis na, pero bago pa man 'yon ay nadaan ako sa harap ng salamin.  

Grabe, sasandali palang ako sa mundong 'to pero ganito na ang natamo ko. Paano pa kaya kung mag tagal ako? Baka ikamatay ko na. 

Lumabas ako ng building para hanapin si Elara. Tinignan ko kung nasa cafeteria siya dahil doon ko siya iniwan,  pero wala naman.  Ti-nry ko din na mag tanong sa mga kaklase namin, sakto naman na nakita ko ang ilan sa kanila na nasa field,  mukhang mag se-set up na ng booth. 

"Uy, Halley! Hindi ka pumasok kanina ah,  ayan tuloy 'di mo alam kung anong booth ang gagawin. Tulungan mo kami!" saad ni Sapphire na class president namin. 

"Nakita n'yo ba si Elara?" tanong ko,  hindi na pinansin ang sinabi niya sa akin.

"Huwag ako ang tanongin mo, ayun si Saturn oh, crush ni Elara," panunukso niya sabay turo kay Sat,  na kaklase namin. Alam namin na may mutual feelings sila ni Elara. 

Lumingon naman ang inosenteng si Saturn na nag kakabit ng mga bakal. Busy siya sa ginagawa at halos hindi masagot ang tanong ni Sapph.

"Nasaan daw si Elara mo!" paguulit ni Sapphire. 

Parted by Galaxies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon