CHAPTER 2: Saturn Clip

59 8 2
                                    

"Mom!" masayang bati ko kay mommy na busy sa pag aalaga ng mga halaman niya. Humalik siya sa akin, hindi na nakayakap dahil sa dumi ng kamay. 

"May pupuntahan po ako mamaya, kasama ko si Vin," paalam ko may kinalaman sa pag-alis namin ni Vin mamaya.  Tinapunan ako ni mommy ng nanunuksong tingin kaya naman napangiti ako. Alam ni mom ang tungkol doon. 

"Yiiieee~ dalaga na talaga ang baby ko," pang aasar pa niya pero hindi ko na pinansin, pumasok nalang ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko.  Hindi ko naman nakita si Tito-dad, malamang ay nasa company 'yon. 

Ibinaba ko ang bag ko at magpapalit na sana nang mapansin ko ang loptop ko na hindi ko pala naisara.  Nakapatong 'yon sa study table ko. 

"Luh,  buti 'di na low-batt," bulong ko sa sarili at papatayin na sana 'yon nang muli kong maalala ang tungkol sa M31.

Naisip ko na hanapin ang libro na 'yon sa internet pero wala talaga,  walang ganoong libro.  Mas lalo tuloy akong na-curious.

Ano kaya ang meron sa libro na 'yon?  Ano ang meron sa M31?

Dala na ng kyuryosidad ay nag dig deeper ako tungkol sa bagay na 'yon.  Tama ako na ito ang Andromeda galaxy, M31 or Messier 31, discovered by Charles Messier. 

Nginatngat ko ang kuko ko habang binabasa ang mga impormasyon na nakasulat doon.  Sa totoo lang,  madalas akong mag doubt tungkol sa mga articles na ganito sa internet.  Hindi ako lubos na makapag tiwala lalo na at alam ko kung gaano kalalim ang hiwaga sa kalawakan.

Tumayo  ako nang hindi ma-satisfy sa mga nabasa sa internet.  Pumunta ako sa office ni Daddy, matagal na 'tong hindi na bubuksan at puro alikabok na din ang ilang gamit lalo na kung hindi tatakluban ng puting tela. 

Ngayon lang ulit ako pumasok dito.  Ayaw ni mommy na pumapasok ako rito dahil ginugulo ko lang daw ang mga gamit, marami rin kasing books si dad about astronomy. Siguro sa kaniya ko na mana. 

Ang daming files sa office ni dad,  he used to work at NASA sa Washington, madalang silang magkita ni mommy noon dahil sa nature ng job ni Dad. 

Bata pa ako nang mamatay siya. 

Yes,  he died.  He died searching for a random planet outside the galaxy.  'Yon ang alam ko.  Hindi naman ako nag tatanong kay Mommy tungkol sa kaniya kasi everytime na ginagawa ko 'yon e nalulungkot siya. 

Pinasadahan ko ng tingin lahat ng files,  lahat ng nakatambak na papel.  Si Mom ang nag arrange nito after mamatay ni dad. 

M31

'Yon ang hanap ko,  sana may libro man lang or may files siya tungkol sa galaxy na 'yon. 

Sinimulan ko na mag hanap,  sa dami noon ay sa tingin ko ay aabutin ako ng buong mag damag. 

"Halley!" halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglang pag tawag sa akin ni Mommy.  Halata sa mukha niya na gulat at inis siya na makita ako rito. 

"Mom..."

"Sabi ko sa 'yo huwag mong guluhin ang gamit ng Daddy mo 'di ba?" Napalunok nalang ako at binitawan ang mga hawak kong papel. 

"Sorry,  Mom,  M-may hinahanap lang ako." Saad ko nalang.  Alam ko naman na walang tinatago si Mommy sa office ni Daddy,  ayaw niya lang talaga na ginugulo ko ang mga gamit dito. Mahalaga sa kaniya ang mga 'yon,  nag papaalala sa kaniya kay Daddy. 

"Ano ba kasi'ng hinahanap mo?" Tanong niya, muli kong tinignan ang mga files,  bumuntong hininga ako at saka umiling.  Ayaw ni Mommy na ma-link din ako sa mga astronomical things lalo na kung may kaugnayan sa NASA.

Parted by Galaxies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon