Bumungad sa 'kin ang isang malaking bahay ngunit may kalumaan na. Gayunpaman ay maganda pa rin. We entered that house at isang may edad ng babae ang bumati sa 'min.
"Nandito na pala kayo," saad niya at tumingin sa akin bago muling ibalik ang tingin kay Rigel. "Siya na ba 'yon?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko. Tumango nalang si Rigel bilang sagot at saka niya ako hinila papasok. Attitude talaga 'tong alien na 'to.
Nginitian ko nalang si ate at sumama na kay Rigel sa loob. Hinila niya ako paakyat. Maraming kuwarto sa taas pero 'sinama niya ako roon sa pinaka malaki.
Namangha ako sa laki at sa kakaibang disenyo ng kuwartong 'yon. Kapansin-pansin ang mga lumang gamit pero maganda pa rin.
"These are my mom's clothes, change up, I'll be waiting you down," he said and was about to leave when I asked a question I regret asking.
"Where is she?" tanong ko tungkol sa mommy niya.
Malalim na tinignan niya ako bago sumagot. "She's gone," he answered before leaving me alone. Bumuntong hininga nalang ako at dumako sa closet ng mommy ni Rigel. Madaming mapamimilian pero halatang matagal nang walang gumagamit ng mga damit na ito.
Kumuha nalang ako ng simpleng damit na magiging kumportable ako. Agad naman na bumaba ako pagka-bihis ko.
"E-excuse m-me po, nasa'n po si Rigel?" tanong ko sa babaeng kanina'y sumalubong sa amin. Sa tansa ko ay nasa late 60's na siya. Hindi lang ako sigurado dahil mukha pa ring bata.
Napatingin siya sa akin at sa damit na suot ko. Nag tagal ang tingin niya roon kaya naman medyo nailang ako.
"Ah, p-pinahiram p-po sa 'kin ni Rigel," baka mamaya e siya pala ang mommy ni Rigel tapos sinuot ko ang damit niya no'ng bata pa siya.
"Antlia ang tawag nila sa 'kin," saad niya. Napatango nalang ako. Medyo weird siya pero mukha namang mabait. "'Yon nalang din ang itawag mo. Maupo ka, umalis lang sandali si Rigel, pero babalik rin 'yon agad."
"S-salamat po," sagot ko at umupo nalang sa pinaka malapit na upuan sa akin. Naiilang ako sa mga tingin niya kahit na ramdam ko naman na mabait siya.
Umupo siya sa sa harap ko at nag simulang mag balat ng isang prutas. Hindi ko naman alam kung ano ang uunahin kong kainin. Pakiramdam ko ay limitado ang galaw ko.
"Saang planeta ka nag mula?" nanlaki ang mata ko sa tanong niya at bahagya akong natigilan sa akmang pag kuha ko ng pagkain. Alam ba niya na alien ako rito? Malamang nga na alam niya, pero bakit hindi na siya nagulat? Dahil ba sa kulay ng mata ko? Napaka straightforward naman niya!
Napaiwas ako ng tingin. "A-ano po'ng ibig ni'yong sabihin?" pagma-maang-maangan ko at saka itinuloy ang pag kuha ng pagkain.
"Huwag kang mag alala, hija, ligtas sa akin ang sikreto mo," sagot niya. Napatingin ako sa kaniya na seryoso ang tingin sa akin. "Alam kong hindi ka taga rito."
Napalunok nalang ako at napaiwas ng tingin. Pambihira, nasa'n ba kasi si Rigel?! Bakit niya hinahayaan na ma-hot seat ako ng babaeng 'to?
"S-sa, m-milky way g-galaxy po, sa Earth," kabadong saad ko.
Nakahinga ako ng maluwag nang sa tingin ko ay satisfied naman siya sa sagot ko. Tumango-tango siya bago ulit mag salita.
"Sa tingin ko ay kagaya ka rin niya," kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Napaisip naman agad ako kung ano ang ibig niyang sabihin o kung sino ang tinutukoy niya. Isa lang naman ang alam kong nakarating din sa lugar na 'to.
"218," natigilan ako.
"A-ako po ba?" naguguluhang tanong ko. Ang gulo niya rin palang kausap.
BINABASA MO ANG
Parted by Galaxies (Completed)
Science FictionA girl who loves to read books about constellation science, and is very fascinated about the mystery of the universe. During their educational tour about the environment she accidentally fell into a hole, a dimension that leads to the other planet...