"218 died?!" Napatayo ako dahil sa sinabi niya. Mabilis akong nag lakad papalapit sa kaniya para tignan siya sa mata.
"No, she disappeared," she replied. Mas lalo akong nagilabot dahil sa seryosong expression ng mukha niya. All this time i was using the identity of a dead person?!
"W-what?! Kung ganoon bakit niyo pina-gamit sa akin ang identity niya?" naguguluhang tanong ko.
"218 don't mind." Kumunot ang noo ko at gusto kong matawa sa sinabi niya pero mas nangibabaw ang kaba at pagkatakot. Alam ko na hindi naman talaga totoo ang multo, pero nasa ibang planeta ako oh! Baka mamaya may iba silang beliefs or what.
"540--"
"Estrella is my name, call me Estrell, not 540," she corrected.
"Estrell."
"I'm telling you, okay lang na gamitin mo identity niya, She's already gone." Tumingin pa siya sa akin para kumbinsihin ako.
"Why did she died?" curious na tanong ko. Somehow nakaramdam ako ng lungkot at kirot sa dibdib, siguro ay dahil sa nalaman ko na kaibigan siya ni Madame Dzvezda. Na miss ko tuloy si Lyra.
"Hindi mo gugustohing malaman," saad niya at muling nag lakad palabas. "Lock the door, I have my keys naman kaya makakapasok ako kahit naka-lock. Be ready before 7:00 PM, bababa tayo for dinner," saad niya at tuluyan bang lumabas.
Naiwan ako na iniisip pa rin 'yung mga sinabi niya. Muli kong tinignan ang numbers na nasa wrist ko.218, sino ka?
I feel like, I need to know more about it. Pakiramdam ko it's somehow connected in me. Naniniwala ako na may dahilan kung bakit ako napunta sa lugar na 'to.
Bumuntong hininga nalang ako at tinignan ang orasan. Maaga pa para sa dinner. Hindi ko tuloy alam kung paano nag papalipas ng oras.
Lumabas ako sa balcony para silipin ang paligid. Ang payapa pero never ko pang nakita na maaliwalas ang Precilla, hindi kayo alam kung may sun ba sila. Meron naman siguro 'no? Hindi naman puwedeng wala.
Dalawa ang buwan nila, tapos walang araw? Lol!
Ang gloomy pa din ng paligid. Pakiramdam ko ay ma-de-depress ako sa lugar na 'to. Kailangan ko nang makauwi.
Tamad na lumabas ako ng dorm, nakakatamad naman mag stay dito nang wala man lang binabasa o ano. 'Di ba uso dito ang cellphone? Wala akong nakikita na nag ce-cellphone e.
Umihip ang malakas na hangin nang makalabas ako, unti-unti na ring dumidilim ang paligid. Lumingon ako sa bahagi ng school na tungo sa gubat na pinanggalingan ko dati. Pakiramdam ko kasi ay doon ako iginigiya ng hangin.
Kabadong sinundan ko lang ang daan na alam kong patungo doon. Muling sumilay sa akin ang mataas na pader ba napalibot sa Aurora high. Tinignan kong mabuti ang nakasaradong pinto, ang daan na 'yon ay patungo sa forest.
Marahan akong lumapit para buksan ang malaking gate na 'yon. Sinilip ko muna ang labas at nakita ko na may mga nag babantay sa labas ng gate na 'to. Rumoronda na parang tanod at binabantayan ang forest.
Sinubukan kong hindi gumawa ng kahit na anong ingay para hindi ko makuha ang atensyon ng mga guard. Pigil ang hiningang isinara kong muli ang gate matapos makalabas.
Sinikap ko na makalayo nang hindi nila nakikita. Nag tagumpay naman ako. Muli kong inilibot ang mata ko sa paligid. Kakaiba talaga ang pakiramdam ko sa lugar na 'to. Katulad na katulad nang pakiramdam ko noong una akong makatungtong sa Mysterious forest.
Pakiramdam ko ay galit sa akin ang paligid. Hindi nila ako tanggap at hindi rin tanggap nang sarili kong katawan ang atmospera sa lugar na kinatatayuan ko.
BINABASA MO ANG
Parted by Galaxies (Completed)
Science FictionA girl who loves to read books about constellation science, and is very fascinated about the mystery of the universe. During their educational tour about the environment she accidentally fell into a hole, a dimension that leads to the other planet...