Sinimulang gamutin ni ateng nurse 'yung sugat ko pati na rin 'yung paa ko. Kakaiba ang paraan ng pag gamot niya, may mga nilagay siya na hindi ko alam kung ano, may in-inject pa siya sa parte ng paa ko na na-sprain. Masyadong high-tech ang paraan niya.
"Okay na, mamaya lang e wala na ang sakit niyan," she said and look at me with a lovely smile on her face.
"T-thank you, puwede na 'kong umuwi," I answered. I was about to stand up and leave but she stopped me. I gave her a confused look. "What?" I asked.
"You can't leave yet, please let's wait for Madame Dzvezda at 204." Napapikit nalang ako sa inis, ano bang meron sa kanila? Why do i need their permission to go home?!
"I can't stay here any longer, Miss, you don't understand, naiwan ako nang mga kasama ko, nag aalala na sa 'kin ang mommy ko," nag mamakaawang saad ko.
"We should wait Madame Dzvezda and 204," she firmly replied without even considering my situation.
Alam ko na wala na akong magagawa. I don't know where I was, I don't know how to get out of here, sila lang ang makakatulong sa 'kin and when they say I wait, then I should wait.
Masama ang loob kong sumandal nalang sa couch na inuupuan ko.
"Where I am? Mountain Province? Manila? What?" I calmly ask without even looking at her while she was fixing her tools.
"You're at Precilla," she simply replied. Kumunot ang noo ko at agad na napatingin sa kaniya.
"What?" unang beses kong narinig ang pangalan ng lugar na 'yon.
Sasagot pa sana siya pero lumabas na rin sila 204 daw. Ang weird naman kasi number 'yung pangalan. Gano'n na ba karami ang populasyon ng mundo? All names are taken gano'n?!
Napapikit nalang ako sa inis at tumayo, hindi na nagpapigil sa kanino man.
"Wait, Miss!" tawag ni ateng nurse pero dire-diretso lang ako. Pinihit ko ang pinto pero bago pa man makalabas ay naramdaman ko ang pag-ikot ng paligid. Ang kirot ng ulo ko at ang pag sikip ng dibdib ko.
I slowly lost my consciousness, pero bago 'yon ay naramdaman ko ang pag salo ng isang bisig sa akin.
I woke up in a different place but same ambiance. Tumingin ako sa bintana dahil naramdaman ko ang pag ihip ng hangin mula roon na dinadala rin ng hangin 'yon ang puting kurtina na nasa malaking door way ng balcony, ang gloomy ng paligid.
Marahan akong bumangon pero nahinto rin nang maramdaman ang sakit sa ulo ko.
"Aarrrgh!" I groaned.
"Hey, hey," agad naman akong dinaluhan ni ateng nurse na kapapasok lang may dalang ilang pagkain. "Do not move please."
Tinabig ko ang kamay niya at tsaka muling ikinundisyon ang katawan ko. Nang maramdaman ko na medyo okay na ko e marahan akong tumayo.
"Mag pahinga ka muna," saad niya pero tinanggihan ko lang. Nag aalalang inalalayan niya ako pero iniwasan na hawakan ako.
Inayos ko ang sarili ko. Naramdaman ko naman na bumalik siya doon sa pagkain na nilapag niya sa bed side table.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. I'm still wearing the same clothes from yesterday. Pati 'yung clip ko na bigay ni Vin e suot ko pa rin. Buti nalang hindi nawala.
"Kumain ka muna," saad niya hawak ulit 'yung pagkain. Muli akong napatingin sa kaniya. Hayun na naman 'yung mata niya na kakaiba.
Bumuntong hininga ako.
BINABASA MO ANG
Parted by Galaxies (Completed)
Science FictionA girl who loves to read books about constellation science, and is very fascinated about the mystery of the universe. During their educational tour about the environment she accidentally fell into a hole, a dimension that leads to the other planet...