CHAPTER 20: Promise Me

19 6 1
                                    

Their name is cute, Luna and Sol. The moon and sun. I didn't know na may kapatid pala si Sol.

So ayun, mag-isa nalang ulit ako. Saan ba kasi nag sa-sign in para sa attendance para matapos na 'to at makalabas na 'ko sa venue na 'to. Hindi kasi talaga ako mahilig pumarty lalo na ngayon at wala naman akong makausap.

Sandali akong gumilid para sulyapan ang buwan. Wala pa naman, anong oras na ba?

Pumunta nalang tulot ako sa area kung nasaan 'yung mga pagkain. Kain nalang ako para may magawa. Buti nalang talaga kahit paano e nasanay na ako sa mga pagkain nila dito.

Tinignan ko 'yung isa-isa at halos malaglag ang puso ko nang makakita ng chocolate fountain. Wow, nag e-exist din pala 'to rito. Cool!

Ang daming masasarap na pagkain na medyo weird ang hitsura pero mas pinili kong mag focus sa chocolate fountain. Miss ko na 'to! Siguro naman ay pareho lang ang lasa ng chocolate ng earth at precilla.

Kumuha ako ng thing malapit doon sa chocolate fountain. Malayo ito sa hitsura ng marshmallow pero halata naman na ito ang ipininapares nila rito. So ayun, I tried it and hindi naman ako nag sisi.

Nakailang ulit pa ako at sa ngayon ay waka na akong balak na umalis sa puwesto na 'to. Buti nalang at busy 'yung iba kaya hindi pa nila naiisipang kumain, kaya solo ko pa ang lugar."

"It seems like, you're now enjoying our food here, huh?" natigilan ako nang magsalita si Rigel mula sa likod ko. Kahit puno pa ang bibig ko ay wala akong nagawa kundi ang lingonin niya.

Dalawang beses ako napakurap habang iniisip kung totoo ba ang existence niya sa harap ko. Marahan siyang humakbang sa akin, kasabay no'n ay ang pag silay ng ngiti sa labi niya. Ang gandang ngiti, na-flex tuloy 'yung magandang set ng ngipin niya.

My eyes widened as he stepped even closer. Mas lumapit pa siya sa akin at marahang inangat ang kamay niya para hawakan ang mukha ko. Wala naman akong nagawa dahil pakiramdam ko ay nag freeze ako dahil sa mga nangyayari. Iba talaga ang epekto ng isang Rigel 204.

I just felt his thumb on the side of my lips, only to realize na pinahid niya lang pala ang kalat ng chocolate sa pisnge ko. Napaiwas ako ng tingin at agad na umayos. Pinunasan ko na rin ang bibig ko.

He chuckled. "Para kang bata," saad niya. Naramdaman ko ang biglaang pag init ng pisnge at tenga ko. Pilit ko na itinago sa kaniya ang mukha ko dahil ayokong makita niya kung gaano katindi ang epekto niya sa akin.

Tumalikod ako para kumuha ng wine dahil saktong dumaan 'yung waiter dala ang ilang baso noon. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko.

I was about to drink when Rigel get that wine from my hand. I looked at him, confuse.

"Who says you can drink?" he asked and arched his eyebrow. Tinignan ko lang siya at ang lahat ng gestures niya. Nakakabisado ko na yata.

"W-why can't I?" mataray na tanong ko. "You're not my father nor my boyfriend to stop me."

My lips were parted as I saw him slightly laughed. Hindi ko alam kung ano sa mga sinabi ko ang nakakatawa.

"They aren't here to stop you so  I'll do it in behalf of them," he replied. He got a glass of water and give it to me. "Eto nalang inumin mo."

I just rolled my eyes on him. Uhaw na rin ako kaya hindi na aki umarte pa at kinuha nalang 'yung tubig na 'binibigay niya para inumin.

Muntik pa akong masabi dahil hindi niya talaga inalis ang tingin niya sa akin habang umiinom ako. Lakas maka-ilang!

"What?" I asked while trying to act irritated.

"You look gorgeus," he replied at tuluyan na nga akong nasamid ng sarili kong laway dahil sa tinuran niya.

Parted by Galaxies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon