CHAPTER 22: Where

20 6 0
                                    

I woke up and as usual, sa stock room slash clinic. Feeling ko personal clinic ko na 'to. Exclusive lang para sa 'kin. Nakakatawa. I scanned the surroundings and I stopped at Estrell, doing something.

Napatingin siya sa akin nang mapansin na gising na ako. She smiled bitterly before greeting me. "Hey, Good morning," she said. Frustration was very evident on her voice.

Ibinaba niya ang kung anong ginagawa niya at lumapit sa akin. "Kumusta ang lagay mo? Ano'ng nararamdaman mo? Okay ka na ba?" sunod-sunod na tanong niya. Uupo sana ako pero agad na naramdaman ko ang pananakit ng ulo ko. Bumalik agad sa akin ang lahat ng nangyari kagabi.

Nasa Andromeda pa rin ako.

Akala ko ay makakauwi na ako kagabi.

"N-Nasa'n si Rigel?" tanong ko.

"H-Hes alright. Don't mind him, just regain your strength," sagot niya na hindi naman ako kumbinsido. Alam ko na may dahilan kung bakit wala si Rigel ngayon dito.

"I know you're lying, 540. Please tell me what happened to Rigel after that night," I pleaded. Masyado akong nag aalala para sa kaniya. Gusto ko siyang makita.

"Estrell, did you treat his wounds?" I ask further.

"No, he doesn't want to. I trust Rigel, I know him for a long time kaya hindi ako nag aalala sa kaniya. Umalis siya matapos ka niyang dalhin dito. You were unconscious," mahabang paliwanag niya.

"Where did he go?"

"Hindi ko alam, Halley," sagot niya. Hindi na ako sumagot at tumingin nalang sa liwanag na nag mumula sa bintana. Kagaya nakasanayan ay ang gloomy ng paligid. Minsan maaraw din at mainit pero madalas ay ganito.

"Would you mind if I ask you to leave me alone?" I ask without even looking at her.

"N-No, I mean—yeah. Just call me if you needed something. Nasa labas lang ako," sagot niya at kinuha na 'yung mga gamit na inaayos niya kanina at saka ako iniwan.

Ilang sandali pa ang pinalipas ko bago ko tignan ang pinto kung saan siya lumabas. Marahan akong tumayo at inayos ang sarili ko. I need to find Rigel.

Tinggal ko ang kung anu-anong naka-kabit sa katawan ko at inayos ang sarili ko. I was wearing a simple t-shirt and a pajama. It makes me more comfortable.

Napangiwi ako nang maramdaman ang sakit sa likod ko. 'Yung parteng tinamaan ng tranquilizer dart. Sino ba naman kasi ang baliw na gumamit ng tranquilizer sa tao? Sa akin pa talaga ha?

May ilang galos din ako sa katawan dahil kung saan saan ako sumabit noong tumatakbo ako kagabi. Dalawang beses naman akong pumikit para pakiramdaman 'yung contact lens sa mata ko. Eto ang isa sa mga hinahangaan ko sa lugar na 'to. Kahit na tulugan ko 'yung contact lens o iyaakan sa loob ng mata ko, hindi pa rin sumasakit o na-iinfect ang mata ko.

Dahan-dahan akong lumabas sa kuwartong 'yon. Sinilip ko pa ang labas kung nandoon ba si Estrell. Ayokong makita niya ang pag takas ko dahil sigurado ako na hindi niya ako papayagan.

Nakita ko siya na papasok sa office ni Madame Dzvezda. Pagkakataon 'yon para sa 'kin na makalabas. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko dahil alam ko naman na mahina pa ako, pero sa ngayon wala akong ibang maisip kundi si Rigel.

Mabilis akong lumabas sa stock room. Marahan kong isinara ang pinto para hindi ito lumikha ng anumang ingay. Mabilis na lumakad ako palabas at nakaramdam ng hilo nang tumama ang liwanag sa mata ko. I need to find Rigel anyway.

Walang klase ngayon at kagaya ng inaasahan ay wala halos estudyante sa labas. Kung mayro'n man ay pailan-ilan lang. Malamang ay karamiha'y puyat dahil sa event kagabi.

Parted by Galaxies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon