M31?!
Tama ito nga ang librong 'yon! Ito 'yong nakita ko sa library sa original school ko na nakit ako rin sa lib ng Aurora High. Hindi ko na nabalikan pa ang librong ito noon dahil kay Rigel at noong binalikan ko naman ay hindi ko na nakita pa.
Hanggang ngayon ay pala-isipan pa rin sa akin ang title ng librong ito at kung sino ba ang may akda nito. Hindi ko pa man nababasa ang loob ay pakiramdam ko'y sobrang kamangha-mangha nito.
Iniscan ko ang mga pahina ng libro, bagay na lagi kong ginagawa bago mag simulang mag basa. I always think about; what would be the last book I'll read before I die? Never knew it was it.
Mabilis kong naisara ang libro nang pumasok ang isang lalaki na may dalang syringe. Mukhang may ii-inject ba naman sila sa dextrose na na naka-kabit sa ugat ko. Tinignan ko lang 'yon hanggang sa matapos siya. Naramdaman ko naman agad ang panghihina at sandaling pagkahilo, epekto ng likidong iyon.
"Babalik ako mamaya para kumuha ng sample--"
Pareho kaming natigilan nang makita ang kaguluhan sa labas. Isa sa mga eksperto ang nakahawak sa kwelyo ng kasama niya. Nag ngingitngit ito sa galit. Sa baba nila ay nakita ko ang mga tumapon na potion. Kabado ang lahat pero walang nag lalakas loob na umawat sa kanila.
Nagmadali namang lumabas ang lalaking nag inject sa akin ng gamot para kumapit sa senaryo. Tamad kong pinanood ang mga pangyayari hanggang sa tuluyan na silang nag sapakan.
Pumasok na ang ilang guard galing sa baba para awatin sila. Nakita ko naman kung paanong nasagi ng isa sa kanila ang isang container na umuusok dahilan para matapon ito. Hindi naman ako kinakabahan dahil alam ko naman na safe ako sa loob ng cage na 'to. I can't even hear them. I can only see them.
Nagulat ako sa biglaang pag pasok ni Venus sa cage. 'Di kagaya ng dati ay kakaiba ang aura niya ngayon. Wala na ang sweet at maamo niyang katangian.
"A-ano'ng ginagawa mo?" tanong ko nang makita kung paanong mabilis niyang tinanggal ang kung anu-anong naka-kabit sa akin.
"Sumama ka sa 'kin," saad niya. Mababakas ang pagmamadali at pagkataranta sa boses niya.
"Why would I?" tanong ko. Tumigil siya at seryosong tumingin sa akin.
"I'm Agent Venus of Area 48. My mission is to get you out of here," maikling pakilala niya na ikinalaki ng mata ko. Agent siya ng Area 48?!
"Paanong--"
"Wala ng oras para sa mga tanong mo," seryosong tugon niya at inalalayan ako para makatayo. Ramdam ko ang panghihina at oanginginig ng tuhod ko pero pinilit ko ang sarili ko na tumayo, lumakad para patuloy na mabuhay.
Habang nag kakagulo sila ay sinikap namin na makalabas ng hindi nila napapansin. Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan kaming nakapasok sa elevator. Hinayaan ko lang si Venus na dalhin ako kung saan. Akala ko ay sa baba kami pero ipinagtaka ko na sa rooftop niya ako dinala.
"K-Kung agent ka nga ng Area 48, n-nasaan si Rigel?" tanong ko sa kabila ng panghihina.
"Don't find that moron, he didn't do his job well," she replied as the elevator opened. Hanggang ngayon ay pala-isipan pa rin sa akin kung paano kami makakatakas gayong napakataas ng lugar na 'to. Bakit ba dito niya ako dinala.
"Mag palit ka," saad niya at ibinigay sa akin ang uniform ko. Itinulak niya ako sa nag-iisang C.R. na nandito.
"B-bakit?"
"Just do as I say, Halley. Malolocate ka nila 'pag nanatili ka sa damit na 'yan!" inis na saad niya. Malamang ay nauubusan na siya ng pasensya sa akin. I can say that she's really two faced woman. Ang sweet niya kailan lang tapos ngayon, she's acting dangerously.
BINABASA MO ANG
Parted by Galaxies (Completed)
Ciencia FicciónA girl who loves to read books about constellation science, and is very fascinated about the mystery of the universe. During their educational tour about the environment she accidentally fell into a hole, a dimension that leads to the other planet...