PROLOGUE

102 7 0
                                    

"Hands up!" isang malakas na sigaw ang narinig namin dahilan para pareho kaming lumingon sa likuran.

Doon ko nakita ang mga armadong lalaki. Nakatutok ang mga baril at flaslight nila sa amin dahilan para masilaw kami. Wala kaming choice kundi ang mag taas ng kamay pero nanatiling magkahawak.

"Don't move!" utos ng lalaki. Abot-abot ang kaba sa dibdib ko. Nakita ko pa si Rigel na nilingon ang portal sa likuran namin.

"Jump," bulong niya.

"What?!" hindi makapaniwalang tanong ko habang nakatingin pa rin sa mga armas na nakatutok sa amin.

"Go home, Halley," paglilinaw niya. I badly want to pero...

"Hindi kita puwedeng iwan ng ganito," saad ko. Ayokong iwan siya sa kapahamakan. Magsasalita pa sana siya nang may isa na nagsalita.

"Are you sure you want to go home?" tanong ng pamilyar na boses. Figure kang niya ang nakikita ko pero alam ko na si Auriga 'yon. Bahagya siyang tumawa at ikinasa ang baril niya. Napalunok ako nang itutok niya 'yon sa akin.

"You know too much about this world, about us and our plans. Do you really think makakauwi ka with all of that informations inside your head?" tanong niya pa at umiling bilang sariling sagot. "No. You'll die here," she said before she pull the trigger.

Naging mabagal sa pangingin ko ang lahat. Gulat na nakatitig ako sa baril kung saan lumabas ang bala. Hinihintay ko na lang ang pagtama nito sa 'kin at dahil sa bilis nito ay hindi ko na naigalaw ang mga paa ko para umiwas. Ngunit ang senaryong iyon ay hinarangan ni Rigel dahilan para siya lang ang makita ko, at naging dahilan din iyon para sa kaniya tumama ang bala.

My eyes widened as he lean on me.

"Rigel..."

He held my shoulders and look at me while trying to endure the pain from his back. His stares are telling me something and I can't help but to cry.

Not him please.

"One more shot and you're all dead!" I heard the voice of Madame Dzvezda stated. Napalingon ako sa kanila na nakatayo sa likod nila Auriga, kasama niya si Venus at Gravity. Hindi ako naniniwala na tatlo lang sila kaya naman tumingala ako sa mga puno at hindi ako nabigo. Snipers. Nasa bawat puno sila.

"Dzvezda," nangngingit-ngit na bulong ni Auriga aware sa kung gaano karaming sniper ang nasa paligid.

Napalingon muli ako kay Rigel nang umubo siya kasabay ng pagtulo ng berdeng likido mula sa bibig niya. Blood.

"Rigel," hinawakan ko ang mukha niya para salubungin ang mga titig niya. "P-Please..."

"Umuwi ka na," aniya. Kahit sa ganitong kalagayan ay ako pa rin ang iniisip niya. Nakakainis.

"P-Paano ka?" saad ko sa pilit na tinig. Hindi na halos ako makapag salita dahil nangunguna ang iyak sa akin.

"Go home, Halley... please," he repeated. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya habang patuloy pa rin ang pag-agos ng luha mula sa mga mata namin. "Mahal kita, higit pa sa mundo ko," saad niya at niyakap ako pabalik.

Isang mainit na yakap na humaplos sa puso ko.

Isang yakap na kahit ikamatay ko'y hindi ko nanaisin na kumalas.

Isang yakap bago niya ako itulak pabalik sa mundo ko.

Parted by Galaxies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon