CHAPTER 17: The Way

17 8 0
                                    

Kumatok muna ako bago marahang pihitin ang doorknob. Hindi naman 'yon naka-lock. Sumilip muna ako bago tuluyang pumasok.

Malaki ang loob ng office nya, may table, queen sized bed may closet at may file manager. Tinignan ko ang paligid at napukaw ang atensyon ko sa mga larawan na nakasabit sa wall at picture frames na nasa table. 

Hindi ko ugaling makialam pero dala nang kyuryosidad ay lumapit ako sa table kumg saan naroon 'yung mga picture frames. Wala, curious lang. Hindi ko naman babasagin.

Bukod sa mga pictures ng achievements, naging kapansin-pansin sa akin ang isang larawan. May kalumaan na ito, siguro mga 10 years ago.

Kahit bata pa ay hindi paipagkakaila na si Rigel at Estrella ang nasa gitna ng picture kasama ang ilan pang mga bata. Nandoon din ang picture ni Madame Dzvezda together with Estrella and Rigel. Hindi ko rin maiwasang tignan ang picture sa tabi nito. May ang babaeng nakasalamin, kasama ang hindi ko kilalang lalaki, mas na-curious ako nang makita sa gitna nila ang batang si Rigel. Parang family picture. Pero sino ang babaeng 'yun?

Ibinaling ko ang paningin ko sa iba pang larawan. May picture si Madame Dzvezda kasama 'yung babaeng nakasalamin. Mababanaag ang saya sa mga ngiti nila. Baka peace sign pa 'yung babae, dahilan para mapansin ko ang tatoo sa wrist niya.

'218'

Laglag ang pangang tinignan ko rin ang nakasulat sa pulsuhan ko at saka muling ibinalik sa babae.

Kung ganoon, siya si Raquel 218? Ang bestfriend ni Madame Dzvezda.

"Halley!" Nagitla ako sa tawag sa akin ni Estrell. Muntik ko pang masagi 'yung ibang frames. Buti nalang at wala namang nabasag.

"E-Estrell, nakakagulat ka na naman," ang lalim ng iniisip ko tapos bigla siyang susulpot. Nakakalaglag ng puso ha.

"Bakit ka nandito?!" halata ang kaba sa boses niya at hinila ako palabas. Hindi na ako pumalag at sumunod nalang. "Kung nakita ka ni Madame, lagot ka," saad niya at ini-upo ako sa couch. "What are you doing here?"

"I came to find you. I badly need to talk to you but I ended up, there," paliwanag ko. Napailing nalang siya at bumuntong hininga.

"Ano ba 'yun?" tanong niya. Nag simula naman akong i-kuwento sa kaniya ang lahat ng nangyari kagabi, hanggang sa kaliit-liitang detalye ng paglalaho ko.

"Mukhang binabawi na ng galaxy ang para sa kaniya," seryosong saad niya at tumayo para lumapit sa bintana. Habit niya yata 'yun pag mag ka-kuwentuhan. Hindi ko naman alam kung kaba ba, o tuwa ang nararamdaman ko sa sinabi niya.

"What will happened to me after I disappeared? I mean, since babawiin na ako ng galaxy, makakauwi na ako, maganda 'yun, hindi ba?" umaasang tanong ko.

"Hindi ako sigurado, Halley. No one knows if Raquel 218 got home safely or the universe killed her on the way. Or, maybe at the moment she disappeared, she already died. Hindi ko alam," paliwanag niya. Tama siya, hindi nila alam kung nakabalik si 218 ng ligtas dahil hindi na naman nila siya nakausap after no'n.

"Should we wait until the galaxy took me back?" I asked.

"Kagaya ng sinabi ko sa 'yo, hindi natin puwedeng hintayin nalang 'yun. I already explained it to you, Halley. Remember what happened to you last time?" she asked. Kumunot naman ang noo ko.

"What? About the pains? 'Yung mga biglaang pag collapse ko at mag kirot ng dibdib ko?" 'yun lang naman ang alam kong nangyayari sa 'kin recently.

Tumango naman siya. "Hindi ka taga rito, Halley. Puwedeng hindi mag adopt ang system mo, o ang katawan mo sa environment ng Precilla," she sat beside me and held my hands. "Halley, universe is too organized, if you weren't belong here, you shouldn't be here."

Parted by Galaxies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon