CHAPTER 35: Raquel

20 3 0
                                    

Nasa kwarto ako ngayon dala ang librong iyon na kanina ko pa binabsa. Maraming impormasyon at teorya tungkol sa mundong 'yon ang tugma sa Precilla. Mukhang hindi natapos ang project na ito dahil nga namatay si Dad sa isang accident sa loob ng NASA headquarters sa Washington.

His death was a long story to tell, pero ang insidenteng iyon noon ay lumikha ng ingay sa buong bansa.

Ipinag-patuloy ko ang pagbabasa, I just found out that Andromeda has 500 billion planets and that Galaxy was discovered by Charles Messier, that's why they also called it Messier 31 or M31. Astronomers also thought that Andromeda is 3 times bigger than Milkyway and has a diameter of 220 thousand light years while milkyway has 100-120 thousand light years. Since Andromeda is bigger it has 1 trillion stars while milkyway has only 400 billion. Cool, a battle between galaxies.

500 billion planets pero sa Precilla ako napunta. Kay Rigel. I can't help but to smile and end up in the conclusion that every galaxies have the same set up. A lot of planets, but only one can sustain life. I bet may solar system din sa kanila. That's not impossible though.

Like Earth, Precilla is the only planet in Androma that was in a perfect location where life is sustainable. I can't help but to believe na maaring sa bawat galaxy ay mayroong buhay na planeta.

"Honey," Mom knocks. Natigil ako sa pag-iisip at isinara ang librong 'yon ni Dad para itabi. Ayokong makita ni Mommy na nasa akin 'to.

"Come in," I said while hiding it at the drawer under my study table where I was right now.

"Darling, you left it on the car," aniya at ipinakita ang paper bag na kanina'y 'binigay sa akin ni Sir Apollo. Oo nga, hindi ko namalayan na naiwan ko pala 'yon. "I'll just put it here. Bumaba ka na for dinner ha," saad pa niya.

I smiled and nodded. "Thanks Mom."

Tumayo ako para puntahan ang paper bag na 'yon na ipinatong niya sa sofa sa loob ng kwarto ko. Muli kong tinignan ang uniform ko, pati na rin ang jacket ni Rigel. Hindi ko maiwasang hindi malungkot at mapaluha nang muli siyang maalala.

Napayakap na lang ako nang mahigpit sa jacket niya. Muling sumariwa sa akin ang lahat ng sakit na naramdaman ko.

Pero ang pinaka masakit sa lahat?

Hindi ko alam kung buhay pa siya ngayon.

Sana buhay ka pa, Rigel. Husto na na namatag si Sol dahil sa akin. Huwag naman ikaw please. Hindi ko na kakayanin 'yon.

Napag-desisyonan ko na i-hanger na lang muna at itabi ang mga dami na 'yon. Habang inaayos ko ang coat ay natigilan ako nang maramdaman ang bagay sa bulsa noon. Mabilis na kinuha ko 'yon at hindi naman ako nabigo.

'Yong dahon.

Hindi ko alam na maiuuwi ko pa pala 'to matapos ang lahat ng pinagdaanan ng dahon na 'to. Maraming beses ko itong muntik na maiwala.

Nakangiti akong lumapit sa study table ko dala ang dahon na 'yon. Kinuha ko ang brush pen ko para sulatan 'yon. Medyo tuyo na ito kaya naging maingat ako.

Halley & Rigel

Napangiti ako. Ang sarap naman sa mata na makitang magkasama ang pangalan naming dalawa. Sana kami rin... magkasama.

Tinanggal ko ang laman n'ong maliit na box na lalagyan ng relo ko. Doon ko itinabi ang dahon para maprotektahan ito. Alam ko para akong baliw sa mga ginagawa ko ngayon pero wala e, mahala sa akin ang lahat ng bagay na mula sa Precilla, lalo na kung galing mismo kay Rigel.

Pinahid ko ang luha ko at muling binalikan ang mga damit para i-hanger. Nang maisara ko ang closet ko ay natigilan ako nang makita ang sarili ko sa salamin na naka-kabit sa pinto nito.

Parted by Galaxies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon