CHAPTER 29: P-18 Laboratory

26 6 0
                                    

Diretso ang tingin ko sa hindi ko rin alam. Wala ako sa mood na mag sight seeing ngayon sa mundo nila kagaya ng nakasanayan kong gawin 'pag nasa kotse. Alam ko naman na sobrang high-tech ng mundo nila e. Mas inaalala ko ngayon ay ang kung anong lugar ang pagdadalhan nila sa akin.

Auriga said that they will transfer me to the biggest laboratory in P-18. Wala akong idea kung saan 'yon. Pero ang katotohanang laboratoryo ang babagsakan ko ay nakakapag-alala.

Sinisikap ko na pakalmahin ang sarili ko at itago ang pangamba sa loob-loob ko. Ayokong makitaan nila ako ng kahit na anong kahinaan. Para sa 'kin, para silang mga aso. 'Pag nakikitang takot ka, mas lumalakas ang loob na tahulan ka.

Mula sa syudad na puno ng mga nag tataasang gusali'y napalitan ito ng mga nagtataasang kulay lila na puno. Dumalang na rin ang mga sasakyan. Para itong daan papunta sa Aurora High pero hindi naman.

Ilang oras pa ay tumigil kami sa tapad ng isang mala-kastilyong gusali. Para akong nasa palabas pero totoo ang lahat ng nakikita ko. Hindi ko rin maiwasang mamangha.

Nag-iisa lamang iyon dito dahil panay na panay ang puno sa paligid. Parang Aurora High na nakukubli sa nag tataasang mga puno. Walang ibang structure dito dahil para bang naka-isolate ang lugar. 

Iniangat kong muli ang tingin sa magara at mataas na gusali. Kumpara sa laboratoryo na pinag-dalhan sa akin no'ng una ay 'di hamak na mas malaki ito. Ang ganda ng pagkaka-disenyo. Modern architecture. 

"The subject is already here," saad ni Auriga habang naka-hawak sa tainga niya. Sa palagay ko'y may earpiece siya doon at doon niya kinakausap ang sino man mula sa loob ng laboratoryo.

Hindi nga ako nag kamali dahil ilang sandali lang ay lumabas ang grupo ng mga lalaki para salubungin kami at alalayan papasok ng laboratoryo. Hindi nga maikakaila ang laki nito at ang pagiging moderno ng lahat ng gamit dito.

Kapansin-pansin din ang pagiging pormal at tahimik ng mga tao rito. Napaka-seryoso ng lahat, ni hindi man kang nila ako tinignan.

Dumiretso kami sa pinaka-taas na palapag ng gusali. Akala ko'y isang pasilyo na maraming kwarto ang bubungad sa akin pero nagkamali ako.

Isa itong malaking kwarto—ang elevator na ang nag sisilbing pinto. Puno ito ng mga hindi ko masyadong alam na bahay pero sigurado ako na gamit 'yon para sa experiments. Sakop ng kwartong ito ang buong palapag kaya naman talagang napaka-laki.

Karamihan sa mga nakikita ko ngayon ay ang mga microscopes, cylinder, potions, and kung anu-ano pang gamit sa science. Busy din ang mga taong naka-suot ng lab-gowns at halos hindi nila napansin ang presensya namin.

"This is your new home, 218," Auriga stated. Hindi ko naman siya pinansin at ipinag patuloy ang pagmamasid sa paligid hanggang sa mapansin ko ang isang cage na gawa sa glass na nasa dulong bahagi ng kwarto.

Natigil lamang ang pagmamasid ko nang lumapit sa amin ang isang babae na sa wari ko'y isa rin sa kanila. Nginitian niya ako at iniabot ang naka-plastic pang damit. "Please change," she said in a sweet tone.

Kumunot ang noo ko at kinuha 'yon. "Is it necessary?" I asked but I realized na dapat ay hindi na ako nag aksaya pa ng laway. Waka naman akong magagawa kung iuutos nila.

"Of couse, Miss," she answered. "Let me escort you to the comfort room," she added. Nag aalangan pa ako. Narinig ko naman si Auriga na para bang may kausap sa likod. Hindi ko na siya nilingon at sumama na lang sa babae.

Mabigat ang hakbang ko kaya naman bahagya pa akong tinulak ng babae papasok ng C.R. at isinara iyon.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Salamin lang at puro toiletries ang laman ng C.R. as if naman makakatakas ako kung nay bintana man rito. Ang taas kaya nito. Tss.

Lumabas ako matapos mag palit ng damit. Simpleng puting bestida lang 'to na long sleeve. Maluwag at kumportable naman.

Nginitan ako n'ong babae nang makalabas ako. Kanina pa siya ngiti ng ngiti. Siguradong masayang-masaya siya dahil malaki ang kikitain nila sa akin o kaya naman ay masasagot na ang missing link sa research nila. Hindi ko alam. Hindi ko na kayang isipin pa.

Iniabot ko sa kaniya 'yong uniform ko. Akala ko ay okay na pero hindi pa pala siya kontento.

"Please remove your contact lens," she asked. Sinunod ko na lang. There's no sense of wearing it anymore anyway. Ibinigay ko rin 'yon sa kaniya. Sa kaniya na nakangiting nakatitig sa mga mata ko.

"Lovely eyes," ani Auriga nang makalapit. "It's been 10 years since the last time I saw that eye color," dagdag niya at tumawa.

"Excuse me Madame, but she need to enter the cage," putol ng babae sa kaligayahan niya. Hindi ko na siya tinignan at pumasok na lang sa cage na kanina'y tinitignan ko lang.

Sa loob ng tinatawag nilang cage ay may iisang hospital bed. Kagaya ito n'ong hospital bed na may barrier doon sa kauna-unahang hospital na pinagdalhan sa akin. Marami ring aparatus at kung anu-anong machine sa loob n'on.

"Mag pahinga ka muna. This cage will serve as your room. May study table," saad niya at lumapit doon. "May ilang books din dito pero kung kulang pa sa 'yo, puwede naman akong mag dala," saad niya.

Para nga namang kwarto, pero hindi kumportable.

"Sorry transparent 'yung wall mo. We need to monitor you from outside e," dagdag pa niya at nag kibit-balikat. Sa kaniya ko naman ibinaling ang paningin ko. Mukha siyang mataray pero mabait naman pala.

Napansin niya ang mga tingin ko sa kaniya tipid ang ngiting lumapit siya sa akin.

"My name is Venus," she introduced. Hindi ko alam kung dapat din ba akong magpakilala dahil kilala na naman nila ako. Nanatili na lang akong tahimik.

"You may leave," I replied. I know I'm being rude kahit na naging mabait naman siya. Nahihirapan lang ako na mag tiwala sa kahit na sino ngayon dahil sa napapalibutan ako ng mga ganid na tao na handang gawin ang lahat para sa kapakanan nila.

She nodded. "Nasa labas lang ako," saad niya. Nanatili ako sa loob ng cage na 'yon sa loob ng ilang araw. Hindi ako tumayo. I didn't move to the study table hanggang kaya kong tiisin ang pagka-inip ko. Natatakot ako na gumawa ng kahit anong galaw dahil alam kong tinitignan nila ako.

"Hi, someone will enter for questioning, again," saad ni Venus at lumabas na ulit. Kasunod noon ay pumasok na ang isang lalaki na alam kong mag tatanong na naman ng kung anu-ano. Naging maingat naman ako sa pag sagot sa bawat tanong nila.

Sa mga nakalipas na araw na 'yon ay nakita ko talaga ang effort nila sa pag gawa ng weapon. All of them looks frustrated na para bang may mali na naman sa experiments nila. Hindi ko alam pero minsan, gusto ko na lang matawa.

Natatawang tinignan ko ang lalaki habang busy sa pagsusulat ng mga bagay na sinabi ko. Hindi ko maiwasang maging sarkastiko sa kaniya.

"Seriously? Creating a weapon that can get rid of us instantly? You better just create a bomb stronger than nuclear bomb that can destroy the whole planet in an instant," suhestyon ko. Natigil naman siya sa ginagawa.

"Sa tingin mo hindi namin naisip 'yan?" sagot niya at umiiling na tumayo. Pinanuod ko lang siya hanggang sa papasukin niya ang isa pang lalaki para kuhaan ako ng dugo. Ilang litro na ba ang nakuha nila?

Napaisip naman ako sa sinabi ng lalaking 'yon. Tama siya. Imposibleng hindi nila naisip ang bagay na 'yon. Malamang nga ay may iba pa silang plano sa planet earth.

"Thank you," saad naman nitong lalaki na kumukuha sa akin ng dugo. Labas-pasok sila sa cage, paulit-ulit. Nakakapanghina.

Habang tumatagal ako rito ay mas nababahala ako dahil alam ko na mas nanganganib ang mundo ko. Alam ko na anytime soon magawa na nila ang plano nila at kasalanan ko 'yon. I would really blame myself. Raquel 218 managed to escape and left her son in this world just to save the Earth. I feel guilty.

Nang mabakante ay napag-desisyonan ko na tumayo na at lumapit sa study table kung nasaan 'yong nga libro na puwede kong basahin. Sobrang nanghihina ako at hindi halos makatayo but still, I manage to get the books from the table and back to my bed.

I don't read love stories, actions or what. I mentioned that I am not a fan of fiction. Iisa lang ang nakita kong non-fiction book sa lahat ng nandito. Ikinatigil ko 'yon.

M31

Parted by Galaxies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon